Chapter 24

1K 22 8
                                    

Chapter Twenty Four

My worst distraction, my rhythm and blues.

-Skye's POV-

Kinabukasan, hindi ako gaano kaaga pumasok. Tama lang, yung usual. Walang Xander na nangulit. Walang Xander na naghatid.

Hindi ako disappointed, expected na naman yan sa mga paasang lalaki. Saka ano ba nya ako? Ex na nga diba? Tsaka kahit na sinabi nya sa akin na nililigawan na nya ako, hindi pa rin tamang umasa ako na gagawin nya nga 'yon. Malay ko ba sa iniisip nya. Siguro baka narealize nya na mas karapat dapat sya kay Claire. Ako lang naman ang epal, diba?

Break namin nang mamalayan kong may kailangan pa nga pala akong gawin sa Physics. Isa 'to sa mga subjects na paborito ko. Ewan ko ba, weirdo ko nga daw eh sabi ni Clarice.

Kailangan kong pumunta sa lib para sa physics research ko kaya nagdali-dali akong nag iba ng way at iniwan si Clarice. Malapit na rin naman kami sa room eh, kaya na nyang mag-isa. Tsaka sasabihan na naman nyang ang nerd ko kasi naging habit ko na daw ang pagpunta sa lib. Nerd ba ang tawag sa taong pala-punta sa lib? Hay, she has her own dictionary.

Bago sapitin ang lib, madadaanan ang CR and to my surprise...

"Xander, sigurado ka na ba sa plano natin?"

Isang malambing na boses. Isang maharot na boses. At sa narinig ko, nag-init ang ulo ko at nagpantig ang mga tenga ko.

"Oo. May tiwala naman ako sa'yo." Sagot naman ni Xander.

Ano bang pinag-uusapan nila? Bakit parang may... something? Nagt-two time ba sya? Wait... Hindi nga pala kami. Wala nga palang 'kami' kaya hindi pagt-two time ang tawag dun. Ugh. Papatayin ako ng curiosity ko.

"Sige, for sure naman magiging masaya 'to." Sagot nung babae.

Nasa may paggitan sila ng pinto ng CR ng lalaki at babae. How could they converse in that place... with some smelly and f.uckin' malicious topic?!

Mali ba ako ng pagkakakilala kay Xander?

Nagtago ako sa parang dingding bago pa nila ako mabuko na nakikinig sa usapan nila. Bakit ganito... habang unti-unting lumalambot ang puso ko, para namang lalong nagkakahadlang. Hindi ba talaga kami meant-to-be?

Nakakainis.

Nang dahil sa nasaksihan kong usapan, lumihis na ako ng daan pabalik sa room ng nakabusangot. Hindi naman ako abnormal para bumalik nang nakangisi.

"Kapag malungkot si Skye, malungkot din si Clyde," may naramdaman akong kamay sa magkabilang pisngi ko mula sa likuran. "Sya na naman ba?"

Lumingon ako para tingnan si Clyde. Ang lalaking hindi ko akalaing magpapagaan ng loob ko.

"Hindi. Wala 'to." Inalis ko ang naka-busangot kong mukha at pinaltan ng isang ngiti.

I sighed, but I did not let him notice.

"Skye. Skye. Skye." Bigla nya akong inakbayan at nagsimulang maglakad . "Wala ka na bang ibang sagot kung hindi 'yan? Nagsasawa na ako eh."

Inalis ko ang pagkakaakbay nya kasi baka mamaya may manampal na naman bigla sa akin. Ayoko na 'no. Nakakaasar din kayang masampal lalo na kung biglaan tapos naipit ka lang naman.

"Okay lang naman talaga ako." Giit ko. Eto na naman ang mga taong mas alam pa ang nararamdaman ko kesa sa sarili ko. Ganun ba talaga ko kadaling basahin?

"Palagi mo 'yang sinasabi, pero iba naman ang ipinapakita mo." Sambit nya.

Sa sinabi nyang 'yun, naalala ko si Ethan. Somehow, may pagka-Ethan sya. Parang Ethan na pina-bad boy. Yung tipong ganun. Hindi ko naman pedeng sabihing another version sya ni Ethan dahil alam ko naman ang isang 'to... marami nang napaluha.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon