Chapter 15

1.2K 43 28
                                    

Chapter Fifteen

Take time to realize.

-Xander's POV-

"Claire, let's talk," I grabbed her arms before she could get off the car. Nasa harap kami ng bahay ng kaibigan nya.

Nauna na ang parents nya, including Skye's Dad, pag-uwi.

She's too much. Hindi naman sya ganito kalala dati, she's gone too far now. People are hurting, especially Skye. Wala akong magawa dahil kinamumuhian na nya ako lalo.

It feels like my mere existence annoys her. She's hurt. I can do nothing but blame myself for lying.

"What now? If it's about the scene a while ago, don't even try to reproach me," she said while gritting her teeth.

Matagal ko nang alam na magkapatid sila sa ama. Hindi pa kami ni Claire, alam ko na. Kulang na lang siguro, patayin na ako ni Skye sa isip nya for being in a relationship with her sister and for lying.

Wala naman akong ibang pagpipilian.

Basta isang araw, dumating si Tito Edward (Papa ni Skye), telling me to break up with his daughter. Hindi ko alam kung anong nagawa ko noon, bigla ko ring naisip na.. siguro ayaw na ni Skye kaya ama na nya ang nakikiusap.

But I refused.

Kaya 'yun. Her dad threatened me. Ipapadala nya daw si Skye sa ibang bansa at dun na rin sya mag-aaral. And he said... I won't see her again if I wouldn't end it up. I thought of Skye and her dreams that moment, she wanted to graduate high school and college with her friends. Mahihirapan sya at kung hindi ko susundin ang Papa nya, hindi ko na sya muling makikita.

Galit na galit ako sa ama ni Skye noon, lalo na nung nalaman ko ang rason nya. He's doing it for Claire's sake. Matagal na daw akong gusto ng isa pa nyang anak. Dun ko nalaman na half-sister ni Skye si Claire.

I wanted to shout at him pero mas pinili kong respetuhin sya. He's the father of the girl I wanted to marry someday. He's Skye's beloved father. I need to respect him.

We're over now, almost a year. Hanggang tingin na lang ako parati sa kanya at sa mga lalaking lumalapit sa kanya. Wala naman akong magawa, nasaktan ko sya.

"Claire, makinig ka muna. I won't reproach you. You're just.. too much. Nasasaktan na 'yung tao tapos dinagdagan mo pa. Hindi ka ba naaawa?" Pinipilit kong kumalma kahit alam kong aabot rin kami sa pagsisigawan.

"Why would I pity her, Xander? Tell me!" She's shouting out loud.

Masama talaga ang timpla ng ugali nya pag si Skye ang pinag-uusapan.

"She's your half sister, and yet you texted her to come? Did you lose your sanity?!" Halos mapasigaw na rin ako sa kanya. Sumusobra na sya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang tingin nya kay Skye, isang mahigpit na karibal. Siguro dahil kaagaw nya ito ng atensyon sa ama.

"Come on! Ako pa talaga ang sinabihan mo nyan ha? Bakit, pag ba tinago mo, sa tingin mo forever na nyang hindi malalaman 'yun? Hah! Dream on, masasaktan at masasaktan din lang, eh di diretsahin na!" Magkasalubong na ang kilay nya at hindi pa rin sya humihinahon.

Mabuti na lang, hindi magka-ugali ang dalawang 'yun. Saka lang sumagi sa isip ko na.. na dapat pinaglaban ko si Skye. Dapat hindi ako naging duwag.

Kung nagawa ko siguro 'yun noon, masaya kami ngayon. Pero wala na eh, lalo na nya akong kinamumuhian ngayon.

"Tumigil ka na Claire, tigilan mo na sya." I muttered, almost begging her. "Nasayo na ako diba? Nasayo na rin ang Papa nya. Hindi ka pa ba masaya?"

"How can I be happy? Nasa akin nga kayo, pero ang isip nyo palagi na lang si Skye! Si Skye ang magaling, si Skye ang mahal nyo. Palagi na lang sya!" She shouted and sobbed. "Pati ikaw, you never failed to show concern pag napapahamak sya. I am your girlfriend, Xander. Ako!"

I sighed.

"Tama na Claire, mag-aaway lang tayo." I said, still in a calm tone.

Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay sa pisngi nya, "I love you so much. You know that. Hindi mo na naman sya mahal diba?" She's still crying.

Dahan-dahan ko namang hinila ang ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. "Enough, Claire."

"D-do you still love her?"

Hindi ko naman intensyong saktan sya, naipit lang din ako sa sitwasyong 'to.

"Claire, wipe your tears. I'm going." I said, avoiding her question.

"Dammit! Answer me! Do you still love her?!" Mas lumakas ang boses nya sa pagtatanong sa akin.

"Yes," I proudly smiled with what I said. "Sorry, but I can never unlove her."

I love Skye. I still do, and I always will.

Napatahimik sya sandali pero tuloy tuloy pa rin ang agos ng mga luha mula sa mga mata nya, "Fine, call me wicked but I will never give up on you. Not until you realize that I'm the one for you. I don't care if she's my sister, I don't consider her as one. Hindi mo ako matatakasan, ako pa rin ang girlfriend mo." After she said that, she storm out of the car at dali-daling pumasok ng bahay.

***

Nang makarating ako sa harap ng bahay namin, sinilip ko muna nag bahay nina Skye.

Pinaiyak ko na naman sya.

"Lopez," tumalikod ako sa nagsalita.

Si Clyde.

Nakatayo sya sa harap ng bahay namin, kakababa nya lang sa sasakyan nya.

"Bakit, anong kelangan mo?" Bungad ko.

Knowing him, hindi sya basta basta pupunta dito para lang sa wala. Maaaring importante ang pakay nya sa akin.

Ikinuyom nya ang kamao nya at pinadapo agad ito sa kaliwang pisngi ko. "Yan, yan ang kelangan kong gawin sa'yo."

Napaupo ako sa sahig at napahawak sa pisngi at labi ko, pta ang sakit.

Pinahid ko ang dugong nanggaling sa lower lip ko. Ano bang problema ng isang 'to?

He pointed me and shouted, "Kung wala kang mabuting intensyon, dapat hindi ka na bumalik. Make her cry again and you'll regret seeing the two of us together one day. Alam mo ang ibig kong sabihin, Lopez. Matakot ka na."

Tumayo ako mula sa pagkakabagsak ko at pinispis ang dumi sa may damit ko.

"One of these days, maaaring makita ko kayong magkasama," ngumiti ako ng bahagya sa kanya. "Pero sino bang mahal? Ikaw ba?"

__

Note: Sorry, short UD. Bawi ako next chap. Comment guys ;)

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon