Chapter 19

1.1K 32 21
                                    

Chapter Nineteen

Come back to me now.

-Skye's POV-

"Mauuna akong umuwi mamaya ha?" Nasa cafeteria na kami ngayon ni Clarice. Himala nga at napapayag nya akong magrecess.

Nakalipas na rin ang dalawang simula nung sagutan namin ni Claire. Pero kahit na dalawang araw na ang nakalipas, hindi ko pa rin makalimutang sinabihan nya akong nilalandi ko ang boyfriend nya. Tsh. Eh eto namang magaling nyang boyfriend ang lapit ng lapit ah? Kasalanan ko ba?

"Bakit? Tampo ka pa rin ba tungkol dun sa isang araw?" Tanong ko sa kanya.

Umupo na kami, sa may bukana lang para hindi mahirap makipagsiksikan. Nakabili na rin na rin naman kami ng makakain eh. Juice at sandwich lang ang inorder ko samantalang si Clarice, hays. Ewan ko ba sa babaeng 'yun kung bakit hindi mabusog-busog. Palagi na lang gutom, pero buti na lang at hindi sya madaling manaba at napapanatili nyang slim ang katawan.

"Hindi 'no. Diba sabi mo sakin may gagawin ka pa mamayang uwian? Yung interview para sa sports competition?" paliwanag nya habang inubos ang natitirang hibla ng spag nya.

Tsk, hassle naman 'yang interview na 'yan. Sa halip na matutulog na lang ako.

"Ahh, akala ko naman kung bakit." I sighed as a sign of relief.

"Pero, Skye. Seryoso, hindi ko nagustuhan 'yung pagsuko mo sa harap ni Claire," naging seryoso ang tono ng boses nya. Since tapos na rin naman kaming kumain, naglakad na rin kami palabas ng cafeteria. "Para kasing inamin mo na rin na tayo nga ang may kasalanan kahit na sya naman talaga. ag kang mag-alala, nakausap ko na naman nga pala si Xander tungkol dyan."

"Xander?" Tumigil ako at hinarap sya.

Kinausap nya si Xander? So.. ibig sabihin alam na nya na pinapalayo ako ng girlfriend nya sa kanya? Tss, bahala sila.

"Oo, gusto ka nga daw pala nyang makausap." dagdag ni Clarice at ngumiti ng ng nakakaloko.

"Di na kelangan," inirapan ko sya at inunahang maglakad.

Mag-uusap? Psh. Para saan pa? Ang daming panahon na pwede nya akong kausapin.. pero lumapit ba sya? Hindi. At isa pa, kakasabi lang ni Claire, LAYUAN KO ANG BOYFRIEND NYA. Oh, edi lalayuan. That's not a big deal for me. Advantage pa nga yun eh.

"You're playing hard-to-get again," sinundot nya ako sa tagiliran at tumawa ng mahina. Bat naman ako magpapakipot dun? Eh EX na nga diba? Di bale sana kung manliligaw.

"Stop it, Clarice. Hindi ako pa hard-to-get. At bakit? Ano ko sya? Manliligaw? Tsh. Please lang ha, itigil mo na 'yang kakaasar mo sakin." I pushed her lightly.

"Hindi natin alam, Skye," tinap nya lang ang balikat ko at pumasok na sa room. Heto, lutang na naman ako sa mundong ibabaw.

Papasok na rin sana ako sa room pero nahagip ng mata ko si Ethan. Palapit sya sa akin. Well, hindi naman sa akin, sa CR siguro dahil nasa may bandang likod ko naman 'yung Men's CR.

Diretso lang sya ng tingin, walang ekspresyon.

Parang... nagbago sya.

Hindi na sya yung Ethan na palatawa, 'yung aasarin ka pag nagkakasalubong kayo, 'yung ngingiti sa'yo at pasasayahin ka... parang ang laki na ng distansya naming dalawa ngayon.

Naisip ko tuloy, umiiwas sya. Hmm, siguro nga. Pakiramdam ko pati nawalan ako ng kaibigan. Hay.

"H-hi Ethan," bati ko nung halos konting hakbang na lang ang lapit nya sa akin.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon