Chapter 5

1.6K 56 42
                                    

Chapter Five

I might miss everything you said to me.

-Skye's POV-

,

"Your ex is following us." sabi ni Ethan habang nagmamaneho.

I chuckled. "He's my neighbor. New neighbor."

Haha, nakalimutan ko nga palang sabihin sa kanya.

"Woah, awkward!" Nanlaki ang mata nya at napatawa kami parehas. See? Pati sya nagulat.

"Sinabi mo pa." umirap ako sa kawalan.

"Okay lang sa'yo yung ganung set up? Kapitbahay ang ex?" bahagya syang sumilip sa reaksyon ko.

"Hmm. To be honest, hindi. Pero wala naman akong magagawa diba? Alangan namang pagtulakan ko sila at sabihing ayoko ng kapitbahay na g@go. That sounds rude, sorry."

Kung pede nga lang ipagiba ang bahay namin para magkaron ako ng rason para lumipat sa ibang lupalop, nagawa ko na. Kaso hindi. Hindi naman ako childish para gawin 'yon. Naka move on na pati ako.

Yun nga lang, hindi ko pa rin maiwasang kumulo ang dugo pag nakikita ko syang humihinga ng maluwag. Ilang buwang ko rin syang iniyakan, ilang buwang pinagmukmukan tapos.. tapos ugh!

"Okay lang. Naiintindihan kita. Galit ka talaga sa kanya 'no?"

"Oo, galit talaga ako sa kanya. Sino ba namang matinong lalaki ang makikipag break the day before your anniversary? Dapat a week after man lang, walang konsiderasyon! Tanda ko pa nun, kakatapos ko lang gawin yung regalo ko para sa kanya. Tapos yun, biglang nag-paalam. Wala man lang sorry. Kapal 'no?!" para akong nag-rap sa bilis ng pagsasalita ko. Buti di ako nautal.

"Chill. Hayaan mo na, makaka-move on ka rin sa paglipas ng panahon." lumiko na kami papunta sa street namin.

Ngayon ko lang napansin, close na agad kami eh wala pang isang araw kaming magkakilala. Wala akong magagawa, he's a nice guy at magaan ang loob ko sa kanya.

"Correction, I already moved on."

"Your words says you moved on. But your actions don't." seryoso nyang sabi. "Andito na tayo."

Here we are.

Tumigil kami sa tapat ng bahay namin. At kasunod din naming tumigil ang sasakyan ni Xander. Napatingin ako sa bahay nila at nandun ang mommy nya sa labas, nag aantay. Hanep, di ako makakapasok sa bahay namin hannga't di ako napunta sa kanila.

"You want me to go with you?" he offered.

"Thank you, that would be nice." sagot ko.

Bumaba na sya at pinagbuksan ako ng pinto. Sinalubong kami ni tita Kris. "Hi Skye. I've been waiting for you. Tara na sa loob?" aya nya. Hindi nya nakita na may kasama ako kaya dali-dali syang pumasok.

"Park ko lang 'to ng maayos ha? Una ka na." tumango na lang ako kay Ethan.

At pag minamalas, sabay kaming dalawang pumasok sa bahay nila. Anong drama 'to? Agaw eksena tuloy!

"Oh, andito na pala ang girlfriend ni Xander--"

"Ex girlfriend." sinamaan ko ng tingin si Jax, close friend ko--namin pala.

Pumunta kami sa garden nila at andun karamihan sa mga kaklase namin last school year. Sabay kaming dumating dun nina Xander at Jax. Samin silang lahat nakatingin. Sa aming dalawa. Sinabi na nga ba. Mga kakalase kong ayaw mag move on.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon