Chapter 16

1.2K 44 24
                                    

Chapter Sixteen

We often fool ourselves.

-Skye's POV-

"Tatayo na lang ba tayo dito?" I asked with a bored look. Si Clarice kasi eh, may hinu-hunting na namang lalaki. Kelangan talagang kasama pa ako? Mukha kaming baliw sa ginagawa namin eh. Nasa tapat kami ng gym kung saan pumasok ang lalaking target nya.

Naka-all black kami tapos may shades. Lord, please, patinuin nyo na po sya.

Pakiramdam nya daw kasi ay na-love at first sight sya. Jusmiyo, pang-ilang beses nya na 'yang nasabi sa akin eh. Buti pa sya, mata ang tumitibok, hindi puso.

"Hoy, minsan lang ako mag-makaawa sa'yo. Ang sabihin mo, may date na naman kayo ni Ethan kaya nagmamadali ka," kinurot nya ang tagiliran ko.

Palagi nya 'yang sinasabi sa akin. How many times do I have to tell her na tumigil na kami sa pagdedate? Nag-aayang lumabas si Ethan pero hindi date ang tawag dun. I know my limitations and I don't want him to expect, masyadong mabait ang taong yun, di kakayanin ng konsensya kong masaktan sya.

"Shut up, we are not dating. Kaibigan ko lang 'yung tao," depensa ko.

Halos isang linggo na rin pala ang nakalipas matapos kong malaman ang lahat. Nakakahinga na ako ng maluwag. Pero hindi ko pa nakakausap si Papa simula nun.

Saka na lang siguro pag ayos na talaga sakin.

Iniiwasan ko si Xander, buti na lang hindi sya nagpupumilit na makipag-usap sakin. Siguro naman naisipan nyang kailangan ko rin ng break sa lahat ng sakit.

Si Claire? Ewan ko sa babaeng 'yun. Maling mali ang unang impresyon ko sa kanya. Bakit ko ba naging half-sister ang babaeng 'yun? Magkaibang magkaiba kami ng ugali, may pagka bratinella ang isang 'yon. Isang beses ko lang sya nakausap after that incident, at ang sinabi nya sakin? 'I really don't want you to be a part of our family, pero wala naman akong choice.'

That's exactly what she said. Para namang gusto kong mapapasok sa pamilya nila. May nanay ako, and never will I replace my mom for my dad's new family.

"Sus, palagi namang ganyan sa una. Just friends kuno tapos mamaya, monthsary na." sagot nya at nag-make face. "Anyway, tara na nga. Nakakainis naman 'yun, may kalandiang mukhang patay na kuko." Inirapan nya 'yung glass window kung saan makikita 'yung lalaki at yung... ahm okay no comment. Mukhang tama nga ng pagkakadescribe si Clarice.

Kinaladkad na ako ni Clarice papunta sa sasakyan kung saan nandun si Manong Jun. Buti pa 'tong si Manong Jun, loyal as ever. Dapat pinaglalapit ko sila ni Yaya Malou eh.

Hays, ganito ba talaga pag broken? Wala nang matinong bagay ang pumapasok sa isip ko eh.

"Skye, may pag-asa ba?" siniko ako ni Clarice. Halos kakapasok lang namin parehas sa sasakyan.

"Ha?"

"You know what I mean, Skye. May pag-asa ba sa'yo si Ethan?" Pang asar nya sakin.

Hmm. May pag-asa nga ba? Oo, mabait sya, gwapo, super gentleman. He's perfect. Pero I don't think na kaya ko syang bigyan ng chance. May mga tao kasing alam nyo yun, kahit nasa kanya nang lahat, hindi mo pa rin magawang mahalin.

The perfect one isn't always the right one.

I can't hurt him. I can't afford to lose a good friend. Pero masamang magpaasa kung wala naman talaga.

"I don't think so?" I shrugged.

"Pity Ethan. He's a catch. Pero anyway, Skyder pa rin naman ako no matter what." Pumalakpak pa sya at kinurot ako sa tagiliran.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon