Chapter 6

1.4K 19 2
                                    

Chapter 6

Jensen's Point of View

"Yes Sandra. I still love you." Di ko na kinaya ang mga narinig ko at binaba ko na ang tawag. Mga walangya sila. Talagang tinawagan lang nila ako dahil dun? Gaguhan?! So...mahal nya pa si Sandra? Pero gusto niya magpakasal sa akin? Niloloko niya ba ako?! NILA ako?! Gusto niya magpakasal diba? Ibibigay ko ang gusto niya. Di ko siya papalayain.

"Hoy taba---Jensen?! Why are you crying?!" sigaw ni Kirby sabay punas ng luha ko. Ngumiti lang ako ng mapait. "Di naman siguro masama kung di ko siya papakawalan diba? Gaganti lang naman ako e." sabi ko habang humihikbi. Diba? Ayos lang naman diba? "You don't deserve that bast*rd Sen. You don't. You're a great woman. He's nothing but a pain in the ass. Let him go." Kalmadong sabi niya. Let him go? "Ayoko. Niyaya niya akong magpakasal diba? Panindigan niya." napaling sya sa akin. Disappointed? The hell I care. "You're stubborn. Ikaw din. Nasa huli ang pagsisisi." Sabi niya at bumalik sa kinauupuan namin kanina. Naglakad ako papalapit sa kanya. "No one and nothing can make me change my mind. Not even YOU." Saka ko kinuha ang bag ko at umalis.

I just want to have revenge right? Ganun ba yun kahirap?

Kirby's Point of View

Tiningnan ko ang naglalakad na si Jensen. Napailing ako. Masyado nang matigas ang ulo niya. Siya din anamn ang masasaktan sahuli kahit itaga niyo pa sa bato.

Napatingin ako sa cellphone ko dahil nagri-ring ito. Tumatawag si Sandra. Ang fiancé ko. Yes isa sa dahilan kung ba't ako umuwi ako ay dahil sa may ipapakilala daw sa akin si mama na fiancé ko. Tae naman kasi e. Uso pa pala yun? Ang baduy kaya. Maganda siya pero mas maganda parin si Taba.

Calling Sandra Yu.

"Ano?"

"Tagal naman sagutin! Nakakainip. Bwisit."

"Rereklamuhan mo lang ba ako? Ibababa ko na to.-"

"Teka naman diba? Tss. Kinausap ko na si Mama. Pinaurong ko na ang kasal. May mahal akong iba. Atsaka isa pa, alam kong mahal mo si Jensen. Malaya ka na. Yun lang kbye." Sabi niya at binaba ang tawag. Alam niya? Paano? Hindi ko yung kinukwento sa kanya. At isa pa, malabong mahalin ko to. Bakit? Masyado siyang maarte. Di kagaya ni taba na simple lang. Teka nga! Ba't ko ba sila pinagkukumpara?

Pero medyo nanghihinayang ako. Kung di ba ako umalis noon, kami parin hanggang ngayon?

Oo, mahal ko parin si Jensen. Tanga nalang at manhid ang di makakahalata nun. Pero mukhang tanga at manhid si taba eh. Di manlang nakahalata. Sa akin pa nagdrama. Torture yun mga brad alam niyo ba? Walangya ang sakit sa abs. Hahaha. Pero kahit ganun yun. Isa pang pagpapaiyak nung walang fiancé niya sa kanya kikidnappin ko na yun. Tss.

Jensen's Point of View

Nakarating ako sa bahay. Agad ko naman binagsak ang katawan ko sa sofa. Sakit ng likod ko. Itinext ko nalang sila AJ na magsusukat kami bukas ng gown para sa kasal. Nang matext ko na sila ay niyapos ko ang unan ko at nakatulog sa kakaiyak. Sana lang. Sana lang tama tong iniisip ko. Kung hindi man. Please, give me a sign.

**

Maaga akong nagising ngayon. Tinext ko yung pagbibilhan namin ng gown. It's actually located inside the mall. Sinabi ko na magsusukat kami ng mga gowns. I should be happy right? But I'm not.

Di nagtagal ay nagsidatingan na ang oh so ever maingay barkada ko. Sa pangunguna ni Camille. Napatingin naman agad ako kay Nicole. Parang may iba sa kanya eh. Tahimik lang siya at seryoso. Parang ang lalm ng iniisip niya. Nilapitan ko siya. "Psst. Problema mo?" umiling lang siya. "Napipe ka na?" tiningnan niya ako ng masama. Takte kahit maamo mukha niya nakakatakot siya tumingin ng masama. "Lul. Gandang pipe ko kung sakali." Sabi niya sabay ngisi. Nakuuu~ Kung di ko lang talaga kilala yan? Iisipin ko di yan marunong mag-isip ng kalokohan. Pero dahil nga kilala ko. Alam ko ugali niyan. Naka-poker face man yan palagi. Malakas pa tawa niyan sa amin if she find something or someone funny. Tho, bihira lang mangyari. Siya ang bunso sa amin. Pero pareho sila ni Leann 3rd year. Sina AJ, Cams at tin naman 4th at ako? Unfortunately, ako ang pinakamatanda. Last year ako grumaduate ng college. Ewan ko pano ko nakabarkada tong mga to.

Nabalik lang ako sa realidad nang makita kong biglang mapahawak si Nicole sa tuhod niya at napamura ng mahina. "Anyare sa'yo?" ngumiti lang siya ng tipid. Di nalang namin pinansin dahil okay na naman daw siya.

Nakarating kami sa shop ng kaibigan ni mama. Nagsusukat sila ng dress. Nakatingin lang ako sa kanila. "Ma'am yung mga gowns po ay nandito." Sabi ni Claire at hinila ako papunta sa room na puno ng wedding gown. Maganda siya pero wala e. Ba't ganun? Di ko feel ang kasal. Yung parang ang dry na ewan? Talo ko pa ang ikakasal sa patay e. Tss.

"Uhm, Miss Jensen? Are you alright? Don't you like the gown? I'll get another one." Sabi niya at ngumiti. Tumango lang ako. Di ko feel magsalita. Nung lumabas si Claire naglakad lakad ako sa room. Habang tinitingnan ko ang mga gowns may narealize ako. Haha. Grabe. Maid of honor ko pa naman sana si Sandra tapos...ganun? Walangyang tadhana nga naman oo. Sa lahat ng pwede pagtripan ako pa? Talagang ako pa? Tss.

"Miss Jensen? How about this one?" sabi niya sabay pakita sa akin ng isang gown na napakaganda. Napangiti ako ng mapait. Ang ganda nung gown...pero di bagay sa akin. Bakit? Kasi sobrang ganda nung gown at hindi siya nararapat suotin ng babaeng desperada katulad ko. Dapat ang magsuot niyan e yung bukal sa loob nila ang pagpapakasal. Etong akin? I know I do love Rain but he doesn't love me back.

Pero dahil nga selfish ako-"I'll get that. It's perfect. My future husband will love it for sure." Sabi ko kay Claire sabay ngiti. Binigay niya sa akin yung gown at lumabas na muna siya para masukat ko ito. I don't care kung may pamahiin man na di matutuloy ang kasal. Di ako naniniwala sa mga ganun.

Nang masatisfy na ako sa itsura ko ay lumabas na ako. I asked the girls how do I look at sabi nila maganda at bagay sa akin ngumiti lang ako ng tipid. Sabi ko bang lahat? Well, except nga pala kay Nicole na nag-iwan na naman ng mahihiwagang salita. "It's nice. Not perfect tho." Hindi naman talaga matalinhaga si Nicole e. Minsan lang pag seryoso siya. Maingay din kasi yan. "For me ang perfect gown ay suot nung bride na masaya." Tumingin siya ng makahulugan sa akin sabay ngisi. "Masaya ka ba?" atsaka niya binalik ang tingin niya sa mga damit.

Misan napapaisip ako. Anong alam ni Nicole? Kahit magkabarkada kami sa grupo siya ang pinakamisteryoso. Parang andami niyang alam. Mala-Memo Clarkson lang ang drama ng bruha e. Kidding aside. Napaisip ako sa sinabi niya-no let me rephrase that napahanga niya ako sa sinabi niya. Why? Simple, kasi natumbok niya.

**

Nang matapos na kami ay umuwi din kami agad. Nag-starbucks lang kami saglit tapos nagkanya kanya na. Wag ka. Si AJ nanlibre ng starbucks. Inspired sa prof e. Hahaha! Pogi daw kasi.

Exactly 11:17 pm nang makarating ako sa bahay. Pagbukas ko sa pinto ng bahay ko ay may nagpakita na di ko inaasahan.

"Rain..."

Ngumiti siya. "Jensen, may sasabihin ako." Ngumiti ulit siya ng mapait. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Di niya naman siguro sasabihing ititigil niya na ang kasal diba? Diba? Oh God!

"W-what i-is it?" I'm already stuttering.

Parang nadurog ang puso ko nang marinig ko ang gusto niyang sabihin...

"Jensen, let's cancel the wedding. I love someone else. We're done." atsaka siya lumabas sa pintuan ng bahay ko nang di ako tinitingnan.

Yung ang huli kong naalala bago ako mawalan ng malay.

**

Sandra on the MMB.

TBC. Sorry for the typo and grammatical errors.

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon