Chapter 16

911 19 4
                                    

Chapter 16

Rainier's Point of View

"Nakausap mo na ba siya?" napalingon ako sa babaeng nakaupo sa harapan ko. Ngumiti ako ng mapait saka bumuntong hininga. Umirap naman siya. "I told you to tell her the truth! But, what?! Di ka nakinig! Pinagpatuloy mo yang katigasan ng ulo mo!" nagtagis ang bagang niya. Umiling naman ako at tinitigan siya sa mata.

"Di na kinkailangan." saad ko at ngumiti saka tumingin sa bintana. "What do you mean?" tanong niya at umupo sa tabi ko. Umubo ako. At mariin na pinikit ang mga mata ko. "R-rain..." umiling ako at tiningnan siya ng masama. "I'm fine." bumuga muna ako ng hangin bago magsalita. "She already found someone else..."

Rinig na rinig ko ang singhap ni Sandra sa tabi ko. Hinwakan niya ang mukha ko. "I-I'm sorry...Sorry!" saad niya at niyakap ako. Umiling ako at hinarap siya sa akin saka ko siya hinalikan sa noo. "Di mo kasalanang may leukemia ako." saka ako ngumiti.

*flashback

Inaasikaso ko ang mga papeles ng kumpanya ng makita ko ang isang files. Kay, Jens to ah? Tinawag ko si Denise at sinabing pakisabi kay Jens na kunin sa akin ang files niya. Magso-sorry na lang din ako. Masyadong umiinit ang ulo ko nitong mga nakaraang araw at lagi akong aburido. Narinig kong biglang nagbukas ang pinto hindi ko ito tiningnan pero nanatiling nakakunot ang noo ko. Alam naman nilang ayoko ng di nagpapaalam at basta bastang pumapasok sa kwarto ko diba?

Inangat ko ang mga mata ako at nakita ko ang isang nakatayong babae na namumugto ang mata. Napalunok ako. "Why are you---" tumakbo siya sa akin at niyakap ako. "Don't loose hope..." doon ako halos mawalan ng lakas. No. No. It can't be... "I got the results a while ago while I was in my office. Nang mabuksan ko ay agad akong pumunta rito..." saad niya sa pagitan ng hikbi niya. Inalo alo ko siya. Funny, becaue we are talking about my problem pero ako ang nagpapatahan sa kanya. Tinulak niya ako. "Are you nuts!? How can I calm down when you're actually dying!?" umiiyak na saad niya nung pinakalma ko siya.

Ngumiti ako. "Masamang damo ako, Sandra. Di ako mamamatay." tiningnan niya ako ng masamama. "Tingin mo ba talaga, biro lang ang lahat ng ito!? Damn it, Rainier! We're talking about your life!" saka niya ako sinuntok sa balikat. "Naalala mo noon? Nung dinala kita sa horror booth nung highschool? Halos wasakin mo nga yung damit ko nun eh." tapos tumawa ako. Kahit di siya nakatingin sa akin alam kong tinitingnan niya ako ng masama.

"Sabi mo pa nga. 'Rain! Pag ako nakalabas dito sasapakin kita hanggang sa mamatay ka!' Tanda mo yun?" saka ko siya tiningnan na ngayoy malambot ang mukha habang tumutulo ang luha niya. "Diba paglabas mo binugbog mo nga ako nun pero di naman ako namatay e. Masamang damo nga kasi ako." sabay tawa ko.

Bumuntong hininga siya, as a sign of defeat. Di rin nagtagal ay nagkuwentuhan lang kami ng nagkwentuhan na para bang wala akong sakit...na para bang walang problema. Hanggang sa pumasok si Jensen sa loob ng office ko. Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko ang pagtataas niya ng kilay. Alam kong nagseselos siya pero nung nagpaalam siya all I can say was... "Sige, hon! Later nalang." at hinayaan siyang luamabas ng kwartong may disappointment.

"What the hell did you do? Kailangan mong sabihin kay Jensen ang lahat!" sabi ni Sandra at sinuklay ang buhok niya out of frustration. Umiling ako at hinawakan siya sa braso. "No. We can't and we won't." tiningnan niya naman ako ng masama. "You're impossible!" saka siya lumabas ng kuwarto.

Ilang araw akong di nagparamdam kay Jensen hanggang sa isang beses kinausap ko si Sandra na magpanggap na accidentally naming natawagan si Jensen at sabihin ang kung ano-anong kasinungalingan. Nung una di pumyag si Sandra pero wala siyang choice. Rinig kong may humihikbi sa kabilang linya. As much as I wanted to say I'm sorry ayoko. Mas mabuti na yung masktan siya ngayon. Kesa naman dun ko pa siya sasabihan kung kelan patay na ako. 4th stage na ang Leukemia ko for Pete's sake! Di na ako mabubuhay! Kahit masakit na iwan ko si Jensen. Kailangan.

*end of flashback

"Kahit na...naawa ako sa'yo." saad niya. Ngumiti lang ako. Napatingin ako sa nurse na pumasok. "I-ki-chemo na naman ba ako?" tanong ko. Halos wala na akong buhok. Dahil sa chemotherapy. Tumango naman ang nurse at inalalayan akong lumipat sa wheelchair. Bago kami umalis ay hinarap ko muna si Sandra. "I'm thankful na nandyan ka parin kahit naging ganto na ako. Siguro naman ngayon, alam mo na kung bakit kinakailangan kong palayain si Jensen diba?" at tuluyan na kaming umalis. Di ko rin namalayan na tumulo pala ang luha sa kaliwang mata ko. Pinunasan ko ito at tiningnan ang nagiisang picture na natira sa amin ni Jensen. I love her. And, I always will.

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon