Chapter 2

1.9K 30 9
                                    

Chapter 2

I groaned when the annoying sun hit my face. Tinakpan ko ng kumot ang ulo ko para makatulog ulit pero hindi na ako makatulog muli. Umayos ako ng upo saka ko lang napansin na wala ako sa hotel room ko. Bigla akong kinabahan. Nasaan ako? And no, I don't think kinidnap ako dahil hindi naman ako mayaman. Agad akong napatingin sa damit ko at napahinga ng maluwag ng makitang 'yon parin ang suot ko.

Ang huling naaalala ko ay ang babaeng nakakita sa akin. Pamilyar ang boses niya, hindi ko lang matandaan dala ng kalasingan.

"It's really fun to see you overthinking. Your brows would always meet in the middle and your lips are pouting. Good morning,"

Napatingin ako sa pinto kung saan nanggaling ang boses at halos manigas ako sa kinauupuan ko ng makita ang isang napakapamilyar na mukha sa harap ko. If it isn't my ex-boyrfriend, Kirby Delos Santos.

"Kirby," bati ko sa kanya, "What am I doing here?"

"Asela brought you here yesterday, she was on her way to the airport but she saw you and brought you here." Pinagkrus niya ang mga braso at pumasok sa kwarto saka umupo sa dulo ng kama habang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa itim niyang buhok na medyo magulo ang pagkakaayos.

Napasimangot ako ng may kung ano akong maramdaman sa tyan ko. And no, I'm not hungry. This feeling is familiar, way too familiar. Napailing ako sa loob-loob ko, no! I can't be feeling this towards him. Siguro ganito lang ang reaction ko dahil kaharap ko ang una ko sa lahat ng bagay.

Yes, Kirby is my first everything. First crush, first boyfriend, first love, first kiss, and first lover.

Medyo pinamulahan ako ng pisngi sa huling naisip. This is awkward. "Ah okay," saad ko nalang. Asela is a friend of mine, medyo nalungkot ako dahil hindi kami nagkaabot. Ngumiti naman siya sa akin at akmang may sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sabay kaming napatingin roon. Sumeryoso ang mukha niya at agad kinuha 'yon.

"Yes, Sandra baby?" may himig ng pang-aasar sa tinig niya ng sabihin ito. "I'm just kidding, baby. How are you? I miss you." Nanatili akong nakatitig sa kanya. Biglang sumeryoso ang mukha niya at medyo may nahimigan akong umiiyak sa kabilang linya medyo malapit lang kasi siya sa akin at malakas ang volume ng phone niya.

Okay, I admit it. Kung normal na tao ay hindi masyado maririnig 'yon pero nagfocus talaga ako para marinig 'yon. Anyway, I'm a girl and I'm always curious. Sabi nga ni Rainier na ang pagkacurious ko ang ikakapahamak ko. Natigilan ako ng maalala ko si Rain.

This is crazy. Tila kinikilig na teenager ako rito at halos mawala sa utak ko si Rain. I'm such a bad fiancé. Kailangan ko ng makalayo rito. Nang lumabas siya ay agad akong lumapit sa pinto at kinuha ang sandals kong nasa gilid ng kama. Nakita kong pumasok siya sa kabilang kwarto. I believe soundproof ang mga rooms dito dahil nung lumapit ako at inilapat ang tenga ko sa pinto ay wala akong narinig na kung ano. Good.

Then I bolted out of the house.

Inayos ko ang buhok ko pagkababa ko ng taxi saka nagdire-diretso sa elevator. Tiningnan ko ang purse ko at nakitang kumpleto naman ang gamit ko. Andun naman ang phone ko, wallet, mga important documents at key card sa hotel. Okay, good.

Although I can't deny it. A part of me wishes to see him again.

**

"You saw who?" Tanong nila sa akin kasalukyan kaming magkakaharap sa skype. Sinimangutan ko sila. Halatang tuwang-tuwa kasi sila na namumroblema ako.

"Ginagago niyo ba ako? Si Kirby nga! Paulit-ulit?!"

I saw them laughing towards my misery.

"Wow, sis. Who would've thought na makikita mo ang iyong first love while on vacation?" Tudyo nila. I made a face and fixed my hair.

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon