Chapter 20

931 15 2
                                    

Chapter 20

"What!? Naaksidente? Paano? Why?" anong nangyare? Parang kagabi lang magkasama kami tapos biglang naaksidente? Good lord please! Ingatan niyo po si Kirby! "We don't know. Basta sinabi lang sa amin ng nurse." Damn. Damn. Damn!

"Tell me the name of the hospital." Natatarantang saad ko habang madaling inaayos ang gamit ko. "No! Ganto nalang. Kami susundo sa'yo asan ka ba?" natigilan ako. Di ako ang pupunta at susunduin nila ako? May lokohan bang nangyayari dito? "No! Just tell me the freaking name of that damn hospital."

"Langhiya pre. Nagmumura na. Eto oh!--Just trust us. Now, where are you?" tanong ng lalaki. Mukhang mapagkakatiwalaan naman sila. Kaibigan daw sila ni Kirby e. Pero, ba't ako kinakabahan? Bumuntong hininga ako saka nagsalita. "I'm here at D' resto."

"Okay wait for, Francis. -Francis! Ikaw sumundo kay Jensen.- Ano? Sumama ka!-Fine!" Ugh. Nagtalo pa sila. "Who the hell is Francis?" napalingon naman ako sa nabulunan na si Cams. "Anyare sayo?" tanong ni Nicole sa kanya. Umiling siya. "Wala." Saka humarap sa akin. "Sasamahan kita." Dagdag niya pa na parang nanay na papaluin ang anak at nagtitimpi lang. Tumango lang ako. "Faster please." Saad ko sa mga tao sa cellphone. "Yes. We're coming. Stay at the entrance. We don't have much time." Mas lalo naman akong nataranta. "Hey, wh-" shet. Binabaan ako.

"Sino daw yun?" tanong ni April. "Mga kaibigan daw ni Kirby. Naaksidente daw siya." Nanlaki ang mata nila. "What? Anong klaseng aksidente daw?" tanong ni Leann. "Di ko alam pero susunduin ako ng mga kaibigan niya." Kumunot naman ang noo niya. "At nagtiwala ka naman? Hay nako!" saad niya. Napakamot naman ako ng ulo. "Heh! Di ko kailangan ngayon ang sermon. Sige aantayin ko na sila sa labas." Tiningnan ko si Cams na nag-aayos na nang gamit. "Oo, sasama ako." Tumango lang ako at naglakad na.

Mga limang minuto pa na naghintay kami ni Cams nang may dumating na dalawang kotse. Teka, dalawa? "Tsk. Sabi na." saad ni Cams. Napalingon ako sa kanya. "Yun oh." Saka siya ngumuso para ituro ang lalaking kakalabas lang nang kotse na nakatitig din kay Cams. "Are you Jensen?" saad nung isa pang lalaki at base sa boses niya siya yung pangalawa kong nakausap. Tumango lang ako. "Come on, we don't have much time!" saad niya saka ako hinila. Nagpatianod din naman ako.

Nang makasakay kami ay may kinabit siya sa tenga niya at denial na number sa cellphone niya. "Francis, asan ka na?" tanong niya. Kung malakas lang ba talaga ang pagkakasabi nung Francis o malakas lang talaga ang pandinig ko di ko alam. "Hahabol ako. May kakausapin lang ako-Ano na naman ba'to!?-Aray ano ba!?" Si Cams yung sumigaw ah?

"Sige ayusin mo muna yang problema mo dyan. Gago." Saka siya tumawa at may pinatay ang tawag. "Where are we going?" nagtatakang tanong ko.

"Just trust me." Saka siya ngumiti at nagpatuloy sa pagdadrive. Ugh. Sana okay lang siya. Nagulat ako nang may ispinray siya sa aircon niya. Hinawakan ko ang ilong ko. "What is that?" tanong ko. Kinindatan niya lang ako. "Have a nice sleep." Ano daw? "What-" di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inantok na ako bigla. Damn!

**

"Grabeng surprise naman to!" rinig kong saad ng isang boses. Ugh. Shet. Ang sakit ng ulo ko. "Wag ka ngang maingay." Saad naman ng isa. Teka, April? "Pero, infairness nakakatouch talaga-Hi Gf!" nagulat ako ng bumungad ang mukha ni Tin sa akin pagdilat ko ng mata ko kaya natulak ko ang mukha niya. "Aray naman!" saad niya saka hinampas ang kamay ko. "Aw!"

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon