Chapter 23

884 16 2
                                        

Chapter 23

"Pre, kumain ka na." nilingon ko si Dilan. Umiling ako. "Di ako gutom, salamat." Nilingon ko ang natutulog na si Jensen. Dear, tatlong buwan na ang nakalipas. Gumising ka na oh? Inaantay ka na naming lahat.

Oo, tatlong buwan na ang nakalipas pero di parin siya gumigising. Pero, di ako nawawalan nang pag-asa. Alam ko, sa puso ko gigising pa siya. Nilingon ko ang monitor kung saan nakikita ang heart rate niya. Walang pinagbago, ayos lang ang puso niya pero itong katawan niya ang ayaw bumangon.

"Kirby, kumain ka na. Ang payat mo na oh? Tingin mo makakarga mo pa si Jensen niyan para sa honeymoon niyo? Di na!" napalingon ako sa nagsalitang si Leann. Kakarating niya lang at kasama niya sina Nicole, Cams, at April. Wala si Tine dahil may pinuntahan daw.

"Di ako gutom." Natawa si Cams. "Parehong pareho talaga kayo ni Jensen e. Naalala mo nung sinabi kong kumain na siya sabi niya busog siya tapos bigla kang dumating at tinangay siya?" napalingon ako kay Jensen.

"Oo na. Kakain na. Daming sinasabi e." yan ang naabutan ko nang pumunta ako sa bahay nila Jensen. Nakita ko si Cams at pinakiusapan na tulungan ako kay Jensen pumayag din naman siya nung kinwento ko sakanya ang buong pangyayari. "Good." Saad ni Cams saka ako nilingon at sumenyas na pumasok ako

"Jensen." Kita ko ang paninigas ng katawan niya. Lumapit ako sa kanya. "Sen naman oh. Pansinin mo na ako." Habang sinasabi ko yun tinatawanan ako ng kaluluwa ko. Gag* tingin mo ganun kadali yun? Tsaka bakit nga ba ako nageexplain? Syempre, mahal ko e.

Nakita kong tumutulo ang luha niya kaya napapikit ako. Damn ayaw na ayaw kong umiiyak siya dahil parang dinudurog ang puso ko. Grabe, posible pala talaga yun ano? "Sen alam kong naririnig mo'ko." Nakita ko namang halos batukan na ako ni Camille. Oo nga naman. Talagang maririnig niya ako di naman siya bingi e. Damn Kirby! Asaan ang utak mo?

"Alam kong inaalala mo yung scene na yun pero pwede? Kumain ka na?" saad ni Cams at naglagay ng pagkain sa harapan ko. Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Sa loob nang tatlong buwan di nila kami iniwan ni Jensen maliban sa mga magulan ko sila yun laging andyan para sa akin. Nakita na nila akong wasak sa loob ng tatlong buwan na yun pero di nila pinamukha sa akin yun. In the contrary, mas pinalakas nila ang loob ko.

Tumango ako saka binuksan ang pagkain. "Salamat." Saka ko sinimulan ang pagsubo. Kelangan kong maging malakas para kay Jensen. Kailangan niya ako.

"Sir? May bisita po kayo." saad nung kakarating na nurse. Nagkatinginan naman kaming lahat. Sino naman kaya yun? Binuksan nang nurse ang pinto at nagulat ako sa nakita ko. Naka-wheelchair na Rainier kasama si Sandra.

"What happened...?" takang tanong ni Nicole habang nakaturo kay Rain. Natawa si Rain. "I'm suffering from leukemia." Napanga-nga naman ako. "Alam ba ni..." tumango siya. "Yes, alam ito ni Jensen." Sagot ni Sandra. "Hi Kirby. Long time no see." Tumango ako. Still shocked. Ang dating kasing katawan ko lang na Rain ay napakapayat na ngayon.

"Excuse me sir." Saad ng nurse saka lumabas. "How are you?" tanong ko kay Rain. "Pre, labas muna kami." Saad ni Jason saka sila lumabas lahat leaving the four of us here. "Better. Good news right?" kita mo ang tuwa sa mukha ni Sandra.

"How is she?" nanghihinang tanong ni Rain. Nilingon ko si Jensen. "Still the same. Still unconscious." Napailing ako. Tinapik ako ni Sandra. "I know what you feel." Saad niya saka nilingon si Rain. I smiled. Yes, I knew their story. And, I also knew that she still loves him. True love. Look at Rain. He's weak I bet most of the girls won't stay with him right now unlike Sandra.

Biglang tumunog ang cellphone ni Sandra kaya nagpaalam siya na lalabas at kakausapin muna ang tumatawag. "I'm here because I want to talk to you." Saad niya. Tumango ako. "What is it?"

Seryoso niya akong tiningnan saka nagsalita. "Don't celebrate because even though I have Leukemia I'm still more handsome than you." Saka kami sabay na natawa. "Don't think so." Saad ko. Bumuntong hininga siya. "Jensen is really lucky to have you." Mahinang saad niya. "You think so?"

Tumango siya. "Yes." Natawa ako. "And you're very lucky 'coz you have Sandra." Natahimik siya. "Don't tell me you're still inlove with Jensen?" gulat na tanong ko nilingon niya ako saka natawa. "Are you kidding me? Naka-move on na ako." tumango ako. "So you're inlove with Sandra." Napalingon siya sa akin. "It's obvious."

"Pero di ko sinasabi." Nagtaka ako. "Why?" ngumiti siya ng malungkot. "Dahil alam kong sasaktan ko lang din siya. Mamamatay na ako." Kumunot ang noo ko. "Wag kang mawalan ng pag-asa. Umaasa pa si Sandra." Saad ko at tinapik ang kanyang balikat.

"Hm..." sabay kaming napalingon ni Rain kay Jensen. "Pre, gumagalaw na siya." Saad niya at tinapik ako. Agad akong tumayo at dali-daling tumakbo papunta sa labas. "Kirby anong nangyari?" tanong ni Nicole. Ngumiti ako sa kanya.

"Gising na si Jensen." Nagtatalon naman sila at pumasok sa loob nakangiti akong lumapit sa nurse. "Miss gising na ang nasa room 341." Tumango naman siya. "Wait lang po sir. Doc, gising na daw po si Miss Alvarez!"

Pagkabalik ko sa room kasama ang doctor nakita ko silang pinaiikutan si Jensen. "Excuse me." Saad ng doctor at chineck si Jensen. "Finally! Gising na siya." Saad ni Francis. Tumango naman ako habang nakangisi. "Oo nga e."

"What do you feel?" tanong ng doctor sa kanya. Inikot ikot niya ang paningin sa buong paligid na parang kinikilala ito. Di naman siya naamnesia diba? Ngumiti siya. "I feel...normal." Nakahinga ng maluwag ang doctor saka tumango. "Okay! I guess you can go home the day after tomorrow. Excuse us."

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Dear? Kamusta ka?" tanong ko. Kumunot ang noo niya. "Kirby? Bakit ang payat mo?" I chuckled. "Oo namiss din kita." Natawa naman siya.

"Ehem ehem! Lalabas muna kami." Saad ni Nicole saka sila lumabas lahat. "Kamusta ka na? Anong nararamdaman mo?" sumimangot siya. "Pakiramdam ko buong buhay ko tulog ako. Ilang araw ba akong tulog?" saad niya saka ngumuso. Hinalikan ko naman ang labi niya na siyang kinagulat niya pero tumugon din naman.

Naghiwalay lang kami nang kapusin kami ng hangin. "Mga tatlong buwan." Nanlaki naman agad ang mga mata niya at tinakpan ang bibig niya. Kumunot ang noo ko. "Oh bakit?" inirapan niya ako. "Tatlong buwan akong tulog tapos kung makahalik ka..." saka siya umirap. Humalakhak ako. "Yaan mo na. Pero, medyo may amoy nga." Tinapunan niya ako ng unan. "Hoy! Loko ka!" saka tumalikod. Niyakap ko ang bewang niya at pinaharap siya sa akin.

"Wala akong pakialam kung may morning breath ka. Ang mahalaga naipakita ko sayong mahal na mahal at miss na kita." Saka ko hinalikang muli ang mga labi niya.

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon