Chapter 19

870 16 2
                                    

Chapter 19

Magkahawak kamay kami ni Kirby ngayon sa loob ng kotse niya. Ihahatid niya daw ako sa amin. Di rin naman nagtagal ay dumating na kami sa bahay. "Sige. Thank you." nakangiting saad ko saka ako lumabas ng kotse. I really can't believe it. I still love him. Siguro kung nagpakasal ako kay Rain, di ko mararamdaman itong ganitong feeling. Alam niyo yung kontento ka na sa kung anong meron ka? Ganun na ganun ang nararamdaman ko.

"Okay, I'll go now. Take care, alright? I love you." saad niya na nakapag-pangiti sa akin. It's like we're back in day 1. Ganitong ganito kami noon. Takte, I look like a teenager blushing to death right now.

"I love you too. Ikaw ang mag-ingat." saad ko. Papasok na sana ako nang magsalita siya. "Jensen what are we?" napataas naman ang kilay ko sa sagot niya. "Ugh, tao?" natawa naman siya ng mahina sa akin. May nakakatawa ba? Tunay naman diba? "Sira. Ang ibig kong sabihin, tayo na ba? Liligawan pa ba kita? Ano?" ngumisi naman ako. Sus. Yun pala. Takte. Ayaw kasi diretsuhin.

"Wala sa choices e." saad ko. Nagtaka naman siya. "Ha? Bakit wala?" ngumisi ako at lumapit sakanya saka hinalikan ang labi niya. "Di mo'ko girlfriend. Di kita boyfriend. Ayokong ligawan mo ko." kumunot naman lalo ang noo niya. "Wala sa choices kasi ASAWA kita. ASAWA mo'ko. Nakuha mo?" saka ako ngumisi lalo.

Nagulat ako nang halikan niya ang labi ko pero di rin nagtagal ay tumugon din naman ako. Paatras kami ng paatras hanggang sa makapasok na kami sa bahay nang bigla siyang tumigil. "I love you. God knows kung pano ako magpigil ngayon kasi nirerespeto kita." kapos ang hanging saad niya.

Ngumisi ako pero bigla ring nawala yun. "Pero diba? May nangyari sa inyo ni Glendee?" tanong ko. Pasimple rin akong umubo at pakunyareng inayos ang buhok ko saka tumingin sa gilid. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya. "Nagseselos ka ba?" tanong niya na halatang pinipigilan ang tawa. "Hindi!" mabilis na saad ko. "Mas magaling ako dun. Sus." mahinang bulong ko pero di ko naman alam na maririnig niya.

Tumayo siya at lumipat sa tabi ko. Hinalikan niya ang leeg ko saka bumulong sa tenga ko gamit ang nakakapanindig balahibong boses. "Ngayon na nasabi mo, gusto ko na tuloy makita kung magaling ka nga." nanigas ako sa kinatatayuan ko. BUSET!

Di ko namalayang tumayo na pala siya habang hawak hawak ang tiyan niya. "Walanghiya ka!" natatawang saad ko sa kanya. Letse talaga! "You should've seen your face! Priceless!" saad niya habang tumatawa parin. Umirap ako. "Ewan ko sa'yo." saad ko saka nagmake-face.

"Oo na! Oo na! Lalayas na ako nang makatulog ka na." saad niya habang natatawa parin. Lumapit siya sa akin saka humalik sa pisngi ko. Akala ko yun lang pero nagulat ako nang bumulong siya sa tenga ko. "Kahit excited ka, mahal kita." saka siya natawa nanaman. Napairap ako kahit natatawa na din. Ako pa daw ang excited? Sino kaya ang nagpipigil? "Ewan ko sa'yo. Adik. Layas! Ingat nalang." saad ko. Tumango siya saka sumakay sa kotse niya at umalis. Finally, him and me. Wala na sanang problema.

**

"So kamusta na kayo?" nakangising saad ni Cams. Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Bigla naman kasing nagyaya si Leann. May pera ang bruha at nanlibre! "Ayos lang. Sheeeet! Nakakakilig talaga si Ced. Tingin ko talaga magtatagal kami." napangisi naman kami at nagsimulang magpakwento sa kanya. Kaya naman pala nanlibre eh. May inspirasyon.

Nagulat ako nang may biglang magtext sa akin sa kalagitnaan ng tawanan namin. Di ko na muna pinansin, syempre naman! Bihira na kami magkabonding nitong mga to. "Ah! Guys, may sasabihin pala ako." nakangising saad ko. Lumingon naman sila lahat sa akin. "Ano?" tanong ni Tin. "Ayos na kami ni Kirby. Kami na ulit." nagkatinginan sila saka nagsitili. "Sheeeeeet!" napalingon ako sa gilid namin. Alam kong pinagtitinginan na kami but who cares? Hahaha

~You by the light, is the greatest find. In the world, full of wrongs. You're the thing that's right. Finally made it through the lonely to the other side-- "Hello?" sino naman kaya ang tatawag sa akin? Di ko na tiningnan ang caller ID nung tumatawag.

"Hello is this Jensen?" saad ng boses. Who the hell is this? "Yes, who is this?" napatahimik naman sila Tine at sumenyas sa akin ng 'sino-yan?' nagkibit balikat lang ako. Tiningnan ko ang caller ID at nagulat ako ng number ni Kirby ang nandun. "K-kirby... he's..." he trailed off. Parang tumigil naman ang mundo ko. "What happened?" kinakabahang tanong ko. Matagal bago siya sumagot.

"Naaksidente siya." Sht.

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon