Chapter 4

1.5K 22 4
                                    

Chapter 4

Dali dali naman agad akong tumakbo papunta sa bathroom. Ano bang gusto mangyari ng lalaking yon? At PAPAANO napunta ang documents na yon sa kaniya? Uh! Nalilito ako!

Nang matapos na ako ay nagbihis ako at nagdrive papunta sa office. At nang makarating ako ay tahimik na ang hallway. Guard at yung mga employees na taga-first floor.

"Hey, balita ko bago na daw ang manager ng marketing department ah?" agad naman akong napatingin dun sa babae sa may elevator. Dalawang elevator kasi ito at andun sila sa kabila.

"Ah, yun ba? Hmm. Oo nga eh. At takte! Ang gwapo ha infairness!" Napailing nalang ako sa kanila. Nagbukas na din kasi yung elevator nila. Sana pala dun nalang ako sumakay. Tss.

Nang magbukas na ang elevator ay pumasok na ako. Naghintay ako ng konti baka kasi may sumabay papasabayin ko na. Pero nung mukhang wala na ay pinindto ko na yung button na pang-close sa elevator door. Pero nagulat ako ng may kamay na sumulpot and seven! Naipit siya!

"Awww. Shit!"

"Oh my gosh! Sorry! Hala!" dali dali ko namang pinindot ang open button ng elevator. BAkit naman kasi kamay ang ipangiipit! Tsk! Patay ako nito.

"Damn. Sorry! Are you alright?" tanga Jensen! Malamang he's not okay! Stupid question!

"Malamang hindi-Jensen?!" huh? Tiningnan ko siya and to my surprise. It's... "Kirby?! Oh My God! I'm really sorry! I didn't mean it talaga! Sorry!" and hinawakan ko ang kamay niya. Mukha naman siyang nagulat dahil hinila niya bigla ang kamay niyang hawak ko kanina. Naiilang ba siya?

Nah. Jensen, it's just your effin' imagination. Natauhan ako ng biglang nagbukas ang pinto ng elevator. Oh floor ko na pala. "Uhm, alis na ako. Sorry ulit." Sabi ko at nginitian ko siya tapos lumabas na ng elevator.

Pumunta naman agad ako sa office ni Rain. Pero nang papasok na ako hinarangan ako ng secretary niya. "Ma'am ano po kailangan niyo?"

"May sasabihin lang akong importante kay Rainier at may ipapa-pirma ding documents." Sabi ko sabay labas ng papeles na di ko naman talaga ipapapirma sa kaniya kaso wala na akong ibang palusot. Gusto ko lang talaga malaman kung pano napunta sakaniya yung doc. ko at kung anong kailangan niya. Kilala ko si Rain. Hindi ka niya ginagawan ng pabor kahit sino ka pa unless may gusto siyang gawin m or pabor na gusto hingin sa iyo.

"Pero ma'am-" di ko na siya pinakinggan at pumasok na sa loob. Nang nasa may pinto na ako may narinig akong tawanan. Ehh? May ibang tao?

"Hahaha! Oo nga we were so-" di na natapos nung boses ang sasabihin niya dahil pumasok na ako. And for the second time nasurprize na naman ako. Andito si Sandra. Ang kaibigan ko na ex-girlfriend ni Rain.

"Oops! Sorry. May naistorbo ba ako?" pasakrastiko kong tanong. Pero mga manhid ata eh kakapal pa ng mukha. "Nah, wala naman. Nagtatawanan lang kami and we were talking about our past." PAST. Wow! Fiancé here! Di niyo nakikita?

"Ah! Ganun ba? Sorry to interrupt you little chit-chat with my fiancé. Gusto ko lang kasi sana siyang tanungin pero never mind. Sige, una na ako." I was expecting Rain to stop me but... "Sige. Ingat hon. Later nalang." Hindi niya ginawa. Lumingon lang ako sa kanila at ngumiti ng peke. Ano pa nga bang i-e-expect ko? Pag andyan si Sandra ganyan naman palagi eh.

Bakit ba kahit ako yung fiancé e Sandra parin siya ng Sandra?! Di niya ba nahahalatang nasasktan ako?! Manhid niya naman grabe!

Medyo sumasakit na din ang paa ko. Tiningnan ko kung nasaan ako, nasa parking lot pala. Compared sa iba na closed yung parking lot dito sa office namin e open siya. Parang yung parking lot sa mga mall? Ay basta! Ugh, ba't ba napunta sa parking lot ang topic? Tss.

Umupo ako sa gilid dahil masakit na talaga paa ko. Nung tingnan ko dumudugo na siya. Eh? Agad? Tinry ko hubarin ang sapatos ko-"Ouch! Damn, may paltos. Tss."

"What are you doing here?" Nagulat ako nang marinig ang boses na yun kaya agad akong napatingin sa kaniya. "K-kirby"

Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang paa ko then ang mukha ko. "What happened to you? Are you okay?"

I didn't answer kaya mahabang katahimikan ang nangyari. "Why am I even asking? Tsk. I know you're not fine anyway." Ramdam ko ang tingin niya sa akin kahit nakayuko ako.

"Come" sabi niya at hinila akong patayo. Pero dahil nga may paltos ako..."Ouch!"

"Sht. I'm sorry. Are you okay?" umiling ako kasi masakit talaga. Bigla niya naman akong kinarga...bridal style.

"Hey! Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko pero nginitian niya lang ako. At dahl ang layo ng nilalakad namin naisipan kong pagtripan siya. Hihihi. Naughty Jensen.

"Aaack~ May plano ka bang patayin ako? Ang bigat mo na nga sinasakal mo pa ako." Ngumisi lang ako kaya napailing siya.

Nakarating na kami sa kotse niya at pinasok niya na ako sa loob tapos umikot siya. "May trabaho pa ako. San mo ba ako dadalhin?" pero again ngumiti lang siya. Ugh, mukhang wala akong mapapala dito. Psh.

Mahabang katahimikan ang namuo sa amin, nagdadarive lang siya. Nagulat ako nung bigla siyang magbukas nang topic. "Next next week na pala ang kasal mo." Nabato naman ako dun saglit.

Bakit ganun? Di ko ramdam na ikakasal na ako?

----------------------------------------------------------------------------

Bitin. :P HAHAHAHA! Sabaw siya. Naerase kasi ito kaya tinamad na ako. Tss. -_- Ayuuun. Lol :P

Jensen sa MMB :)

--Blue

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon