Chapter 17

991 18 4
                                        

Chapter 17

ONE WEEK. Pitong araw na kami di nagkikita ni Kirby at ngayon ay nandito ako sa bahay. Nakauwi na kami. Actually, umalis agad kami pagkabukas ng pagkabukas eh. Ngayon ay papunta pa ako sa office at salamat naman sa Diyos eh hindi ako late. In the contrary, ang aga ko. Pagpasok ko ay nakita ko ang secretary ni Kir. Napangiti ako ng mapakla ng ngumiti siya sa akin. Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng elevator.

"Hi! Ahm, anong nangyari sayo? Nawala ka ata ng isang linggo?" tanong niya. Ngumiti naman ako at yumuko. Nagbabadya nanaman kasing tumulo ang luha na akala ko ubos na nung mga araw na nawala ako.

"Hey, are you okay?" ang sarap lang kutusan nitong si Jenna eh. Pero nanatili akong kalmado. "Wala, personal matters." saka ako bumaba nang makita kong floor ko na. Alam ko namang nasa likod ko siya pero nanatili akong nakayuko. Ewan ko ba, ayoko atang may magtanong sa akin kung anong nangyare sa loob ng isang linggo dahil mas lalo lang akong magmumukhang pathetic. Biruin mo bang iyak lang ng iyak ang inatupag ko sa linggong yun? Halos magalit na nga si Tin sa akin which is bihira mangyari dahil nga sa sobrang pag-iyak ko napapabayaan ko ang sarili ko. Ayokong kumain. Ayokong gumalaw. Gusto ko nasa kama lang ako at umiiyak.

Ito ang eksaktong nangyri nung iwan ako ni Kirby. Kaso mas malala ngayon. "Hoy alam niyo na ba yung balita kung ba't isang linggo nang di pumapasok si sir Kirby?" napalingon naman agad ako kay Jenna at kay Kleo. Mga ka-officemate ko.

I know mukha akong chismosa pero nakinig ako sa usapan nila. "Balikta ko magpapakasal na si sir Kirby eh. Sayang nga eh." What!? Kasal?

"Yeah, balita ko nga. Buntis na nga daw kasi si girl. Ano nga ang pangalan nun?" napalunok ako. Shit. Humahapdi narin ang mata ko. "Glendee daw eh. Ewan. Pero, diba yun yung model sa Canda?" napapikit ako. Kaya naman pala di siya nag-explain! Ikakasal na pala siya. Shit.

Dali-dali kong kinuha ulit ang gamit ko at tumakbo palabas ng building. Rinig ko pang tinatawag ako ng ka-officemate ko pero, the hell I care!? Mas gusto kong mapag-isa.

Dinala ako ng kotse ko sa isang park malapit sa ospital. Kung paano ako napunta dito? I have no. Freaking idea. Umupo ako sa isang bench at doon tahimik ka umiyak. Kaya naman pala, di siya nagparamdan! Ikakasal na pala siya.

Sen, sino ka ba sa kanya? tanong ng letsugas kong utak. Then it hit me. Oo nga naman, sino nga lang ba ako? isang EX-GIRLFRIEND na mahal parin ang EX-BOYFRIEND niya.

"J-Jensen?" napalingon ako sa nagsalita. Kilala ko ang boses na yon. Kilalang-kilala. Nagdilim ang paningin ko. Hinarap ko siya at tiningnan ng masama. "What are you doing here, Sandra?" tiningnan niya ako. "What are YOU doing HERE?" balik na tanong niya. Pinunasan ko ang luha ko. "Ikaw ba ang nauna dito? Sige, aalis na ako." akmang tatayo na ako pero hinawakan niya ang braso ko. Dali ko namang pinalo ang kamay niya. "Don't touch me!"

Napabuntong hininga siya. "I know you're mad. But, please! Stop being a bratt and listen to me! Damnit!" saka niya pinalo ang lamesang nasa harapan namin. Napaitlag ako. Tinitigan ko siya. She looks...frustrated and hopless.

"It's about Rain." mahinang saad niya. "I don't care. I gotta go." saka ko sinubukang umalis pero hinawakan niya ang braso ko at..."Sandra!" umiling siya. "Kung kailngan kong lumuhod makinig ka lang I'll do it! Please! Just listen!" umiiyak na saad niya at sinuklay ang blonde niyang buhok. Naaawa ako sa kalagayan niya. Siguro, di naman ako mamamatay kung makikinig ako right?

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon