Chapter 21
"Finally! Engaged na din kayo!" saad ni Nadina, our highschool batchmate. "Sabi na talaga kayo din sa huli e." napangiti nalang ako sa sinabi niya. We were fourth year hishchool back then nung kumalat sa batch naming MU na kami. Ganun naman talaga pag mga bagets diba?
"Oh yeah, naalala mo pa nung reunion natin nung 1st year college tayo? Diba nagkatampuhan yang dalawa kasi nga pinansin ni Jensen yung si Carlos? Eh patay na patay sa kanya yun?" natatawang saad ni Ramon saka kami sabay na natawa. Oo nga naalala ko yun. Nilingon ko si Kirby at nakitang nakakunot ang noo niya habang umiiwas ng tingin. "Oh bakit, dear? Naaalala mo ba ang kahihiyan mo?" saka ako natawa.
Nilingon niya naman ako saka umirap. "Yaan mo na, mahal naman kita e. Kahit seloso ka." Saka ako kumindat sa kanya. "Ayieee!" tukso ng mga kabatch namin. Nailing na lang ako at nag-excuse. Ang dami naman kasi ng bisita.
"Habit mo talagang ipahiya ako ano?" saad ni Kirby habang nakapulupot ang braso sa bewang ko. Natawa ako. "Hindi kaya ako ang nagsimula. Yaan mo na. Cute ka naman pagnamumula e. PArang teenager lang." saka ako humalakhak.
"Aba! Teenager pa naman talaga ako a? Ikaw lang naman tong mukhang matanda sa atin. Kaya ko pa kaya makipagsabayan sa mga teenager na yan. Yang si Daniel Padilla ba yan? Yang batang yan? Kaya ko pa yang talunin!" pagyayabang niya. Nagkunware akong nashock. "Wow! Ang yabang! May ipagyayabang naman ba?" saad ko saka kami nagkatinginan pero kalaunan ay natawa din naman. Ganto kami noon. Para ngang di kami noon e. Parang magkaibigan lang, nag-aasaran. Nagpapalamangan pero, mahal naming ang isa't isa.
"Oh love birds? Baka pwedeng paghiwalayin ko muna kayo ano? Hihiramin ko muna tong soon to be son-in-law ko at ipagmamayabang ko lang doon sa mga amiga ko." Natawa naman ako kay Mama. Saka sumenyas ng go on. Hinalikan lang ako ni Kirby sa pisngi saka nagpaalam. "Dear, dun muna ako." Saad niya kaya tumango ako. Parang noon lang talaga, 'dear' din kasi ang tawagan naming noon. Ang pinagkaiba lang, engaged na kami ngayon.
"Oh! Ba't solo ka?" napalingon naman ako sa nagsalita. "Asela?" nanlalaki ang mata kong saad. "Bestfriend!" sigaw niya. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. She's back! Oh my goodness! "Kelan ka pa nakabalik?" tanong ko habang niyayakap parin siya.
"Hoy, bestfriend di ako makahinga!" niluwagan ko ang yakap ko. "Nung isang araw lang naman. 2 weeks nga lang ako dito e. May trabaho pa kasi ako doon." Ngumiti siya ng malungkot.
"Oh wag ka na malungkot! Shet ba't ka nandito? I mean paano?" binatukan niya naman ako. "Tungaks! Baka nakakalimutan mong insan ko yang si Kirby? Syempre updated ako sa inyo! Oh my God! After 5 freaking years na nagkahiwalay kayo, sakalan este kasalan parin ang ending niyo!" saka niya ako pinalo. "Taray ha!"
Kumibit balikat ako. "Wala eh. True love e." ngumisi naman siya. "Naks, gumaganon?" saka siya natawa. "Hoy, balita ko may mga friends ka nang iba? Pakilala mo naman ako! Aba selfish to!" natawa ako sa kanya. "Syempre naman! Ipapakilala kita. Magkakasundo kayo." Saka ko siya hinila papunta kina Leann.
**
"Cams, Leann, Nicole, Tin, April this is my bestfriend. Asela." Ngumisi naman siya saka nagtatalon. "Hello!" nakita ko naman ngumisi si Tin. "Hi! Ako si Cristine! Cute for short este Tine for short." Saka siya kumindat at nakipagkamay. "Hey, I'm Nicole." Saad ni Nicole saka ngumiti. "Hello!" balik saad ni Asela. Nagbatian lang sila nang batian.
"Bestfriend! Di mo naman sinabi na may cool friends ka pala dito! Ayo slang pala kahit wala ako e!" saad niya saka bumalik sa pakikipagchika kay Tine at Cams. "Bilis nilang magclick tatlo." Saad ni Nicole habang umiinom ng whiskey. "Hoy, ano yang iniinom?" tanong ko sabay turo sa iniinom niya. Tinaas niya naman yun. "Whiskey?" saka siya ngumisi. "Malasing ka ha?" saad ko saka uminom ng wine. Narinig ko siyang natawa. "Sus. Ayo slang. Wala namang magtatangka nang masama sa akin." Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at nanghila ng lalaki papunta sa dance floor. What the actual hell? Napailing ako. She can really be weird at times.
"Is that Glendee?" gulat na saad ni April. Natigilan naman sa pagtatawanan sina Cams at Tine saka nilingon ako tinuro ni April. "Wala naman ah?" saad ni Tine. "Nakita ko! Andun!" nakahinga naman ako ng maluwag. No! I will not let that girl ruin my life again!
"Excuse me, CR lang ako. Naiihi ako e." kumindat ako saka tumungo na sa cr. Pagpasok ko sa cr walang tao sa harap ng salamin pero may isang cubicle na nakasara. Pumasok na din naman ako sa katabing cubicle na siyang kasabay nang paglabas ng babae sa kabilang cubicle.
Palabas na sana ako ng bilging magring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang caller ID eh number lang ang nakalagay. Sino naman kaya to? "Hello?" nagsalit ako ulit. "Hello?" nang tingnan ko ang cellphone ko nakaconnect parin, pero di siya nagsasalita. "Sino to?" narinig kong tumunog ang pinto meaning lumabas na yung babae at ako na lang mag-isa dito. Pinatay ko nalang ang tawag saka lumabas.
Nagulat ako nang may makita ako sa salamin na nakasulat gamit ang red lipstick.
'DIE, BITCH. DIE!' yan ang nakasulat sa salamin. Di ko alam kung para sa akin yan o ano kaya di ko nalang pinansin. Weird.
Nang makabalik ako sa table namin kanina ay nakita ko si Kirby with some unfamiliar faces kasama nina Cams. "Oh saan ka galing?" tanong niya saka ako pinaupo sa tabi niya. "Sa cr lang dear. Namiss mo agad ako?" natatawang tanong ko.
"Hoy leche! Wag kayo dito maglambingan. Nakngpatatas." Saad ni Nicole saka nilagok ang whiskey. "Bitter!" saad ng katabi niya. "Shut up, Nathaniel." Teka yan yung lalaking hinila niya kanina ah? "May love life ka na naman ah? Ayang katabi mo e pwede!" bigla naman siyang natigilan. "Ikakasal na yan." Saad niya saka lumagok ulit. Oh, I smell something bitter. Lumalabas talaga ang totoong kulay at nararamdaman ng isang tao pag lasing e ano?
"So? What do we have here?" natigilan ako nang marinig ko ang isang boses. "Glendee..." sabay naming saad ni Kirby.
"Surprise!" nakangisi niyang saad. Akala ko si Asela lang ang unexpected guest. May isa pa pala. Damn.
BINABASA MO ANG
Love Affair ✅
Ficção Geral[RE-POSTED NOT EDITED][TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #1: Jensen Description: Jensen Alvarez is getting married with the guy she can see her future with. But three weeks before their wedding they had this huge fight that led them to cool off for a...