Okay I have to admit, I missed Kirby and Jensen. Plus, the real Jensen requested for a special chapter so here it is!
--------------------------------------------
Special Chapter
"Dear?" Naiiritang tawag ko kay Kirby. Asan na ba kasi yun? Kanina ko pa siya gustong makita kainis! Nakita ko namang medyo sinilip niya ang ulo niya sa pinto kaya't nairita na naman ako. "Yes dear?" sagot niya sa akin. Inirapan ko lang siya.
"Kirby, diba mayaman kayo? Bakit kasi hindi ka magparetoke nakakainis talaga yang mukha mo. Ang sakit sa mata." ani ko sabay irap sa kanya. Tumayo ako at sinuklay ang buhok ni Kirsen. Kumunot ang noo ko habang nakikitang nakikipaglaro siya kay Jonir ng toy cars. Kinarga ko siya, "Baby you're a girl and you're supposed to play barbie dolls not car." puna ko dito.
"Yeah! Stop playing with my cars. You're a sissy so act like one." ani Jonir. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng anak ko. They are now five years old at limang taon na ring sumasakit ang ulo ko sa kanila. Don't get me wrong mahal na mahal ko ang mga anak ko pero nakakaloka lang talaga sila minsan.
For example, ang lalaki kong si Jonir ay sobrang landi na sa murang edad. No, I'm not exaggerating! Nagugulat ako kasi kapag nakakita siya ng babae or kahit isang dalaga--take note DALAGA na sexy ay sinisipulan niya. I'll take it that he got it from Francis. I mean really, kahit ang anak nila ni Wifey na si Rafael ay kasing landi rin ng anak ko na lalaki. To think na four years old palang ang batang yun! Ang matino nalang ata ay yung anak ni Tine na si Thoren. Magsi-six na naman yun ngayon.
Binatukan naman ni Kirsen ang kapatid niya at napafacepalm naman ako. Isa pa to sa problema ko e. Kung gaano ako kababae gumalaw ganun naman ang kinabaligtad ng anak kong si Kirsen. I mean sa totoo lang minsan tatalunin niya pa si Jonir e. Minsan tuloy umiiyak si Jonir dahil daw niwrestling siya ng ate niya. "You're the sissy one. Scaredy cat! Scared of cats!" saka siya dumila. Jonir glared at his sister. I guess si Kirsen naman ay nagmana sa ninang Nicole niya. Wala namang ibang amazona sa amin kundi iyon e.
"Kids. Chill. Dun na nga lang kayo sa mga kwarto niyo. Sakit niyo sa ulo. Magbihis kayo may pupuntahan tayo, okay?" tumayo naman sila at humalik sa pisngi ko bago tumungo sa pinto kung saan nakatayo ang panget nilang tatay.
I mean, seriously, why did I even marry this guy? He's so ugly! Nakakasuka yung mukha niya. "Napagalitan na naman kayo ng nanay niyo?" tanong ni Kirby sa mga bata at tumango lang sila. I glared at Kirby pero hindi niya naman nakita. Nakakainis! Bakit ayaw niya akong pansinin!?
"Letse ka! Bakit ba ayaw mo ako pansinin?" sigaw ko sa kanya. Nagulat naman siya at lumapit sa akin. "Teka, mababaliw na ako sa mood swings mo, dear. Ayos ka lang ba?"
Suminghot ako at pinalo siya, "Oo. Nakakainis ka lang! Nagpapapansin ako sa'yo tapos dinedma mo lang ako!"
Napailing naman siya.
Natigilan ako sa pagdadrama ng may marealize ako. Shit!
"Ah dear? Puntahan ko muna si Camille ha? Bye!" Saka ko siya hinalikan sa pisngi at dali-daling unalis.
"Crap!" Sigaw ko sa loob ng cr nina Camille. Buti na lang at wala ang asawa niya. "Hey, Wifey? Ayos ka lang?"
Agad akong lumabas at tinapon kay Camille ang stick na hawak ko. Nang makita niya ito ay nagtatalon naman siya. "Oh my gosh!"
"Hoy buntis! Magtigil ka nga baka mapaanak ka ng wala sa oras!" Sigaw ko sa walong buwan na buntis na si Camille.
"Ikaw ang magtigil! Magiging ganito din ang tiyan mo kalaunan!' Tumakbo siya papalapit sa phone, "Tatawagan ko ang iba!"
"Congrats!" Tawanan nila. Inirapan ko lang silang lahat.
"Baka kambal na naman yan ha?" Pangaasar ni Nicole. Sinamaan ko siya ng tingin, "Alam mo ba kung gano kahirap mag-alaga ng kambal?"
"Oo sa akin mo pinapabantay yung dalawa e," inirapan ko ulit siya. "Smart ass,"
"Alam na ni Kirby?" Tanong ni April. Umiling ako, "Hindi," napatakip ako ng bibig, "Crap, ilang araw ko na pa naman yung inaaway. Nababaliw na daw siya sa mood swings ko,"
"Ano pang ginagawa mo dito? Layas na!" Sigaw ni Tine.
"Matutuwa si Leann pag nalaman niya ito," ani Cams. Malungkot naman akong ngumiti. It's been two years mula ng umalis si Leann.
"Sige uuwi muna ako nang masabihan ko si Kirby. Baka nawindang na yun,"
"Bye!"
**
Pagdating ko sa bahay nagtaka ako kung bakit madilim. Dahan dahan akong pumasok. Brown out ba?
"Ay!" Napatalon ako ng makarinig ako ng music na biglang nagplay sa living room. Horror ba ito?
"Dear?" Asan si Kirby? "Kids?" Hala nasaan ang mga anak ko?
"Beautiful girls
All over the world
I could be chasing
But my time would be wasted
They got nothing on you, mommy
Nothing on you, mommy!"
Napangiti ako ng makita ko ang kambal na kumakanta. Nakadress pa si Kirsen! Ano naman kayang pinakain dito?
"Happy Anniversary dear," ani Kirby. Napatutop naman ako ng bibig. "Cr--Crocodile! Nakalimutan ko!" Agad na bawi ko sa mura na lalabas sana sa bibig ko. May mga bata.
"It's fine. You've been weird lately pero I used that as an advantage. Sid you like it?" Tukoy niya sa ginawa niya sa dining table namin at sa pagkanta ng kambal.
I kissed him, "I love it!"
"Stop eating each other's face!" Sigaw ni Kirsen pero tinakpan ni Jonir ang mata ng ate niya. "Ano ba Nir!"
"Bawal sa bata, ate!" nagtawanan naman kami ni Kir. There's no dull moments kapag kasama mo ang kambal.
"Kainan na!"
**
"Kanina ka pa tahimik, dear. Ayos ka lang?" Tanong ni Kir habang kumakain kami. Napabuntong hininga ako at ginilid ang kutsara ko. "Teka, di ba masarap? paborito mo yan diba?" Nagtataka niyang tanong. He even mumbled something about nasobrahan na ingredients.
"No dear, it's fine. Trust me. Napakasarap. Magaling ka na magluto," pasimpleng pangaasar ko para iiwas ang subject. As if maiiwas ko ang subject e lolobo rin naman ang tyan ko after ilang months!
"Marunong naman talaga ako magluto," aniya at umismid, "Saka wag mong ibahin ang topic. Kilala kita. Anong problema?"
"Hindi naman 'to problema eh," ani ko at tumayo saka lumapit sa kinalalagyan ng purse kong pinaglayan ko ng pregnancy test ko kanina.
"May regalo ako sa'yo timing na rin siguro na anniversary natin ko ibibigay," nakangiti kong saad at inabot sa kanya ang PT test.
Kumunot ang noo niya nung una nang makita ang kulay pero kalaunan ay napanganga siya at napangisi. Saka dumapo ang mata niya sa tyan ko, "Totoo?"
Tumango ako, "Yup, all those mood swings says it all. Idagdag mo pang late ako sa period ko. You're going to be a dad again!" Sigaw ko at niyakap siya.
"Ay!" Napatili ako ng iangat niya ako bago napatawa. Parang first baby lang namin e.
"Narinig niyo yun, Kiddos? Magiging ate at kuya na kayo!" Nakangiting saad ni Kir sa mga bata.
"Really? May kalaro na ako sa cars!" Sigaw ni Jonir. Inirapan siya ni Kirsen, "Ako ang makakalaaro niya sa cars! Hindi ikaw!"
"Ako!"
"Ako!"
"Ako nga!"
"Hindi! Ako sabi, diba? Mama si ate!"
Natawa lang kami ni Kir sa anak namin. Napangiti ako ng halikan niya ang pisngi ko. "Thank you,"
"I love you,"
"And, I love you," then he captured my lips.
BINABASA MO ANG
Love Affair ✅
Ficção Geral[RE-POSTED NOT EDITED][TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #1: Jensen Description: Jensen Alvarez is getting married with the guy she can see her future with. But three weeks before their wedding they had this huge fight that led them to cool off for a...