Chapter 13
"What!? Abnormal ka!" sigaw ko at binatukan siya. Pipikutin ako!? Tumawa naman siya ng tumawa. "Aba! Eh ikaw eh. Pakipot ka." tiningnan ko siya ng masama. "Seriously, Kirby? You're creeping me out!" tinawanan niya lang ako at hinalikan sa noo. "Tingin mo magagawa kitang pikutin?" ngumiti siya. "Di na kailangan yun. Kasi alam ko na isang tingin ko lang sa'yo mahuhulog na ulit ang loob mo." napataas naman ang kilay ko. "Taas ng self-confidence natin ah? Ano nahit-hit mo. Atsaka, paano ka ba nakakasiguro na mamahalin ulit kita?" ngumisi siya at naglakad pabalik sa upuan niya. "I just know."
"Whaaaaaat!? Nagbanta siya ng ganun!? Wahahahahaha! That's amazing!" halakhak ni Tin. Andito kami ngayon sa bahay ni Cams sa tagaytay. Sosyalera ano? Nakuwento ko na din kasi sa kanila kung anong nangyare kagabi. Speaking of kagabi. Naspeechless talaga ako dun. Walangya talaga yung lalaking yon. Ang manyak eh! "Seriously? Sinabi niya yon? Hahaha. That's epic! Hahaha!" segunda naman ni April. Tawa lang sila nang tawa maliban sa akin--no, maliban sa amin ni Cams. Pinatigil ko sila sa pagtawa at tinuro ko si Cams na may kausap sa phone. I know masamang mag-eavesdrop pero curiosity kills the cat diba nga?
"Fine! May choice ba ako? I'm stuck with you!" saka niya binaba ang tawag. Nilihis naman agad namin ang paningin namin at nagkunwaring may ginagawa. "Oh please. Di na yan eepekto sa akin. Alam kong nakinig kayo." umiling si Nicole. "Di ako nakinig." umirap naman si Cams. "Yeah yeah. Whatever." saka uminom ng juice niya. "Sino yun?" tanong ni April habang may kinukulikot sa bag niya. "Boyfriend ko. Teka ano bang hinahanap mo jan?" nabulunan naman ako ng iniinom kong juice. Napatigil naman sila sa ginagawa nila at sabay sabay kaming nagsalita. "May boyfriend ka!?" uminom muna siya bago tumango. "Kakasabi lang diba?" lumabi naman si Nicole. "Hoy! Pakilala mo naman siya sa amin! Madaya to!" tumayo ako at kinuha sa bag ko ang sunblock. "Yes. Ipapakilala ko nga siya. Actually, pupunta siya dito bukas. Kasama ang mga kaibigan niya."
"Cams mahal mo?" tanong ko nang maiwan kaming dalawa dito sa loob. Lumingon naman siya sa gawi ko. Wala na akasi yung iba at nagliwaliw na sa tubig. "Ha?" ngumiti ako. "Yang boyfriend mo?" ngumisi siya. "Oo naman." sandali siyang napatitig sa sahig. Pero mukhang may naalala siya kaya nawala ang ngiti niya sa labi. Tumikhim siya at inaya ako. "Tara na?" I know may iniiwasan siya at di ko na lang siya kukulitin tungkol dito.
"What took you so long?" tanong ni Leann. Si Leann ay nakasuot ng violet na two piece walanjo. Ang se-sexy talaga ng mga batang ito. "Ate Sen! Halika na!" yaya ni Nicole. Saka ngumiti. "Okay fine whatever." I said as I give up. Saka ko hinubad ang patong ko. It's swimming time!
Kirby's Point of View
"So what's your plan? Don't tell me pipikutin mo nga siya?" tanong ni Jason. Sumimangot ako saka suminghap. "the hell? No! Panakot ko lang yun sa kanya. Di naman ako ganun ka desperado." ngumisi naman si Francis. "Talaga lang pare ha? Anong nangyari dun sa Kirby na nakukuha ang gusto niya. Naalala mo yung babae sa Canada? Si..Glenda ba yun?" nagtagis ang bagang ko. "Glendee." umiling ako. "Nachallenge ako sa kanya oo. Pero I didn't love her." napangiwi ako kapag naaalala ko yung babaeng yun. She's crazy! "Pero pare aminin! Nag-ONS kayo." dagdag naman ni Michael.
Pakiramdam ko nanayo lahat ng balahibo ko sa katawam. "ONS? One Night Stand? I was drunk that time." saka ko ininom ang beer na hawak ko. Kinikilabutan ako ng tuwing naalala ko yun. Di ko naman sinadya yun eh. "Pero pare what if bumalik yung baliw na yun?" umiling ako. "Imposible." humalakhak naman si Dilan. "What if nga kuya diba?"
"Teka nga. Ba't ba siya ang topic natin?" kumibit balikat lang naman ang mga gago. "Oy, mga pare punta tayo sa tagaytay bukas ah? Maghanda na kayo ng susuotin." ngumisi si Jason. "Gusto kong pumunta pero di ako pwede eh. Next time nalang pare." nabatukan ko naman siya. "Ano ka ba naman! Ang KJ! Bihira ka na ngang makasabay sa amin e!" ngumiti lang siya. "May inaabangan kasi ako." sabay taas baba ng kilay niya. "Asus. chikababes. Haha. Sige para magkalove-life ka na din." tapik sa kanya ni Michael sa braso. Natawa naman kami dun. Sa amin kasi si Jason ang pinakamabait. Pano puro future ang iniisip at ito pa! Matipid yan! Mayaman naman pero ang simple nang suot tapos nagjijeep. Oh diba?
"Pero pre, ano namang gagawin natin sa tagaytay? Wala ka namang biniling rest house dun ah?" ngumisi si Francis."Wala nga pero may kaibigan ako na doon nakatira." napailing si Dilan. "Kaibigan? O Ka-ibigan?" nakipag-appear naman kami kay Dilan nun. "She's my friend." walang emosyong saad niya. Di nalang namin siya kinausap tungkol dun baka mawalan ng gana e. "Basta ha? Pumunta na lang kayo?" tumango nalang kami hanggang sa nagkayayaan nang umuwi.
Nang makarating ako sa bahay ay pabagsak akong nahiga sa kama at minasahe ang batok ko. Di pa naman ako lasing pagod lang talaga. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya't napalingon ako dito. Sa pag-aakalang si taba ang nagtext ay dali-dali ko itong binuksan ngunit parang binuhusan angh ng malamig na yelo sa nabasa ko. This can't be happening. No! Damn no!
From: +639071234567
Hey Kirbabes. See you soon.
Iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng Kirbabes. Mahina akong napamura sa isip ko nang mapagtanto kung sino ito. How? I mean, paano niya nalaman ang numero ko? At base sa number na ginamit niya na pangtext sa akin ay nasa Pilipinas siya. "Damn it. Glendee." The psychopath has arrived. What does she want this time?
----------------------------------
TBC

BINABASA MO ANG
Love Affair ✅
Aktuelle Literatur[RE-POSTED NOT EDITED][TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #1: Jensen Description: Jensen Alvarez is getting married with the guy she can see her future with. But three weeks before their wedding they had this huge fight that led them to cool off for a...