Chapter 11

1.1K 17 2
                                    

Chapter 11

"What?" nabato ata ako dito sa pwesto ko. He's kidding right? He can't love me! I mean..."I said I love you. I still love you. Di nagbago yun." napatayo ako at pumunta sa lababo. "No. You're just confuse! You can't love me!" napakunot naman ang noo niya. "And why not? I loved you before! Naghiwalay lang tayo pero yung pagmamahal ko sa'yo eh hindi nawala." umiling ako at humalukipkip. "Basta! Are you crazy!? Kakahiwalay pa lang namin ni Rain! Tapos biglang ganto?!" malalim na titig ang ipinukol niya sa akin. Oh please wag mo akong tingnan nang ganyan. "Minahal mo ba si Rain?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Pumayag ako sa proposal niya." ewan ko pero hindi ko siya masagot ng diretso. Para bang may panghihinayangan ako pag sinagot ko siya. "Minahal mo ba si Rainier?" napasinghap ako. He's not going to stop is he? Umiling ako at binaba sa lababo ang baso. "You know what? Aakyat na ako." saka ako n=umakmang lalakad. Pero, pinigilan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang kanang braso ko. "Ouch!" di ko parin siya matingnan sa mata. Kirby let me go! "Answer me, Jensen! Damn it!" humarap ako sa kanya. "Yes, Kirby! I loved him! Happy!? Now let me go!" nabato naman siya sa kinatatayuan niya. He has this pained expression written all over his handsome face. No, Jensen! You have to go now! Nang hinila ko ang braso ko ay di niya na ako pinigilan. Patakbo akong umakyat sa kwarto ko. Pagkasara ko nang pinto ay humiga ako sa kama ko. Nagisip isip pa ako hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala agad ako.

**

NAALIMPUNGATAN ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. anong oras na ba? Paglingon ko sa orasan sa tabi ko ay nagulat ako nang makita ko ang oras. "9:30 AM!?" ganun ako katagal natulog? Anong araw ba ngayon? What the!? MONDAY NGAYON!? May pasok pa ako! Dali-dali naman akong naligo at ginawa ang kung-ano anong ritwal na ginagawa ng isang babae. Nagmadali din akong kumain at nang matapos ako ay halos paliparin ko ang kotse ko papuntang office.

"Miss Alvarez you're late." sabi ko na nga ba. Itong matandang hukluban na ito ang sasalubong sa akin. "Ito ba ang oras nang pagpasok mo?" napayuko naman ako. "Sorry sir." Kasalanan to ni Kirby eh! Kung di niya ako binagabag edi sana nakatulog ako ng maayos! "Anong oras na ba, ha? Miss Alvarez?" mukha ba akong orasan sir? Okay sige. Kalma ka lang Jensen. Whoo! "What's happening here?" Acck! Boss ko nga pala siya! Anak ng hinubarang kabayo naman, oo! Ba't ba ang malas ko? "Well, si Miss Alvarez po kasi sir ay late kaya kinakausap ko siya." nakita ko namang tumango si Kirby. "Okay. Ako na ang bahala sa kanya. Send her to my office may dadaanan lang ako." at sinong dadaanan niya? Babae niya? Ay teka, pakialam ko ba? Dapat iwasan ko siya. Oo yun nga ang nararapat na gawin!

"You heard that, Miss Alvarez? Now, GO!" napatalon naman ako sa gulat. "Yes sir!" narinig ko pang natawa ang mga katrabaho ko sa akin. Oh shut up please. Tss. Nakarating naman agad ako sa office ni Kirby--oh wait nasa office kami kaya SIR Kirby. Kumatok ako para tingnan kung may tao ba pero nang buksan ko ay wala. Wala din ang secretary niya sa labas. Asan naman kaya yung buntis niyang secretary? Pumasok ako sa loob ng office niya. Ang boring naman ng kulay. As usual plain black and white lang yung makikita mo tapos yung bintana na kita mo yung buong lugar. "Kanina ka pa?"tanong ng isang boses. "Yikes!" napatalon naman agad ako sa gulat. Gusto ata akong patayin ng lalaking ito eh. Tiningnan ko siya ng masama pero parang wala lang sa kanya. Prente lang siyang umupo sa sofa niya dito sa office niya.

Tumikhim ako kunyare at inayos ang damit ko. "Anong kailangan niyo, SIR?" binigyang diin ko ang pagkakabigkas ng salitang SIR. Kumunot naman ang noo niya. "What's with you, Jensen?" ako nanaman ang nakakunot noo ngayon. "What sir?" tumayo siya at niluwagan ang neck tie niya. Napalunok ako nang mapansin kong lumalapit siya sa akin at..."Amoy alak ka." turo ko sa kanya. Pero halata kong hindi siya lasing. Ngumisi siya. "Oo, uminom ako pero di ako lasing kung yun ang iniisip mo." tumigil siya ng isang metro nalang ang layo namin. "Alam kong di ka lasing, sir." naglakad ako palayo sa kanya at ako na naman ang pumuwesto sa sofa. Ba't ba ang init dito? Katapat ko naman ang aircon ah?

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon