Chapter 1
"You're stupid. Really, really stupid." Ani ng isang tinig. Napatingin naman ako sa nagsalita at inirapan siya. It's Nicole, one of my friends. Kasalukuyan silang andito sa bahay ko. Kakagaling lang kasi rito ni Rain at hindi ko alam kung papaano siya papaalisin kaya't nagpanic ako and I hosted a conference call. They were confused why I want them to shoo Rain away but when I explained everything they understood. Pero hindi sila nandito para kampihan ako. Actually, nahahati ang desisyon nila.
Cristine, April, And Nicole thinks I'm being stupid since pumunta na nga dito yung tao para makipag-ayos, tapos itinaboy ko para ipagpatuloy ang pagdadrama ko. Leann, Camille, and of course myself, thinks he deserves it. I mean he wanted space right? I already told him I'll give it to him.
"Gusto mo talagang lumayo?" napalingon ako kay Cristine na kasalukuyang ngumunguya ng kung anong chichirya.
"Bakit? Papautangin mo ako?"
Inirapan niya naman ako, "Tanga, hindi! May napanalunan kasi akong trip to Cebu eh hindi ko naman magagamit dahil...yeah. Ayoko munang mag-absent sa trabaho." Kibit-balikat niyang saad.
Tinapunan naman siya ng unan ni April, "Utut mo! May iniiwasan ka kamo!"
"Wala ah!"
"Pero di nga," napatingin naman lahat kay Cams, "Si Sen kasi ang may problema kaya tayo nandito, hindi tayo." Aniya at sinamaan ng tingin sina April at Tine na dumila lang naman sa kanya. "Tingin ko talaga makakabuti rin sa inyo na dumistansya muna. Hindi kasi 'yan maiintindihan ng mga NBSB." Aniya saka bumuntong hininga na para bang ang laki ng problema niya.
"Bwisit!" sigaw naman nina Tine, April at Nicole. Yung mga sinasabing mali daw ang desisyon ko kaya't nagkatawanan kami.
Pero hindi mawala sa isip ko 'yun. Cebu? Not bad. Matagal-tagal na rin mula nang pumunta ako doon. Huli kong punta doon ay noon nag-aaral pa ako sa college.
**
Pagkatapak ko sa Mactan International Airport ay sumalubong agad sa akin ang maraming tao sa entrada ng airport. Inilibot ko ang panginin ko. Wow. I never thought I'll miss Cebu! Nung nag-aaral pa ako sa University of Cebu noon, lagi kong sinasabi na sana makaalis na ako dito at makabalik na sa Manila.
Malaki ang ngiti ko ng sumakay sa cab papunta sa hotel na tutuluyan ko. I'm here to enjoy myself pati na rin ang nalalabing mga araw ko bilang isang single. No complications, no problems, and most of all no Rainier!
Pagkarating ko sa hotel ay agad akong nagcheck in papunta sa kwarto ko. Habang nag-aantay sa elevator nakarinig ako ng malanding tawa. I rolled my eyes. Wala bang hiya ang mga tao na 'to? I mean seriously? Are they going to flirt with each other sa antayan ng elevator? Tinapunan ko ng tingin ang lalaki at babae na nasa kabilang side kung saan nandoon ang dalawa. Napakunot ang noo ko ng makita ang lalaki na naka-tuxedo samantalang ang babae naman ay...well. Naka mini skirt at tank top.
Pagkabukas ng elevator ay agad akong pumasok. Hindi ko na muling tinapunan ng tingin ang dalawang mahaharot.
I was drying my hair when my phone rang. Nakita kong ang mga kaibigan ko pala 'yon at nagtetext lang. Kinakamusta ang unang araw ko. I laughed at Tine's message.
From: Tine
Maraming papabols diyan. Kapag sumobra na kesa sa kelangan mo, ipadala mo dito sa amin. Di lang ikaw ang may karapatang manlalaki!
I smirked at the thought. I know she's kidding but it would be fun to see my friends madly in love with someone.
Nawala ang ngiti ko nang makita ko kung sino pa ang nagtext aside sa mga kaibigan ko. It's Rainier.
From: Rain
Sen, honey. Let's talk, please.
I badly want to say yes. I really, do. I can imagine his face begging for us to talk. But we need this. We need space. Hangga't di pa kami naikakasal, we need to settle our business. Mahirap na magkaroon lang kami ng misunderstanding eh ganito ang magiging reaction namin. Three more years at lagpas na ako sa kalendaryo and we can't keep on acting like this. Lalo na kapag kasal na kami dahil ang kasal ay isang seryosong bagay. It's like a dead end. There's no turning back.
Napailing ako ng ulo. What happened to no complications and no Rainier vacation?
Nilapitan ko ang laptop ko at binuksan ito. I connected to the hotel's wifi and searched for a good bar here in Cebu. When one bar caught my attention, gumayak na ako and went out to go to that bar.
Pagkababa sa akin ng taxi sa sinabi kong lugar. Inilibot ko ang paningin ko. This is night life indeed. Nong nag-aaral pa ako dito sa Cebu, hindi naman tumatak sa isipan ko na mag-bar. A little drinking here and there won't hurt, right?
"Shtupid guy," I murmured. Ang kaunti ay nadagdagan ng nadagdagan kaya't eto ang resulta. Pakiramdam ko hinahalukay ang tyan ko. Hindi naman ako masyado gumagalaw para di ako mahilo ng sobra. I remembered one of my college friend told me that. Susundin ko siya, expert yun sa pag-inom e.
"Here," ani ko at inabot ang bayad sa bartender na kanina pa tuwang tuwa sa akin. Pano siya hindi matutuwa kung kahit nagkakaduling-duling na ako e nainom parin ako. Saka dagdag na rin 'yun sa income ng bar ano.
Hinilot ko ang sentido ko ng makalabas ako sa bar. Pakiramdam ko kahit papaano ay nabawasan ang sakit sa ulo ko. Naghahalo kasi ang amoy ng sigarilyo, alak at pawis sa loob kahit pa centralized naman ang bar. May lumulusot talagang anghit.
"Bakit ba walang taxi rito?" inis kong tanong sa sarili ko. Kung kelan mo kailangan, saka wala. Ganyan naman talaga sila lahat!
Hugot!
"Woah, miss are you okay?" tanong ng isang babae sa akin. "Oh my freakin'—no way, Jensen?" gulat niyang usisa at hinarap ako sa kanya. Medyo blurry siya sa paningin ko kaya't ngumiti lang ako at sumaludo.
"At your service ma'am!" saka ako nawalan ng malay sa sobrang hilo. Huli ko nalang narinig ang natatawang tili niya, if that was even possible, bago ako nilamon ng dilim.

BINABASA MO ANG
Love Affair ✅
General Fiction[RE-POSTED NOT EDITED][TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #1: Jensen Description: Jensen Alvarez is getting married with the guy she can see her future with. But three weeks before their wedding they had this huge fight that led them to cool off for a...