Chapter 18

936 19 3
                                    

Chapter 18

Third Person's Point of View

Nakatulala ngayon si Kirby habang umiinom ng brandy nang may biglang pumasok sa condo niya at hinalikan ang naka-awang niyang labi. "Hey, Kirbabes." saad niya. Tiningnan niya naman ito ng masama. "What is it this time, Glendee?" tanong niya at lumagok ng konti mula sa baso. Ngumuso si Glendee. "You really should practice yourself calling me 'babe' because soon enough I'll be Mrs. Kirby---" di na natapos ni Glendee ang sasabihin niya nang padabog na ibaba ni Kirby ang baso niya. "You may now go." saad niya na haltang nanggigigil. Ngumisi naman si Glendee.

"Oh sure." pero bago siya umalis ay bumalik muna siya sa harapan ni Kirby at hinalikan ang labi nito. "Why don't you invite Jensen sa wedding natin?" nakangisi nitong saad at lumakad na palabas. Naibato naman ni Kirby ang baso. "Damn it!" napalingn naman si Kirby sa pinto nang may kumatok dito. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Tumambad sa kanya ang tauhan ng papa niya na binayaran niya upang alamin kung tunay ngang anak niya ang dinadala ni Glendee. "Sir..." panimulang saad ng lalaki. Inayos ni Kirby ag pagkakabuka ng pinto at pinapasok sa loob ang panauhin.

"So?" ngumiti ang tauhan nang kanyang ama. "May nakuha akong mga litrato sir. Kayo na hong bahala humusga." tiningnan niya muna ang lalaki bago ibinaling ang paningin sa brown envelope na nasa harapan niya. Humugot muna siya nang malalim na hininga saka binuksan ang envelope. Halos manlaki ang mata niya sa nakikita. Humanga siya sa tauhan ng ama. Nakuha nito halos na ata lahat ng pinag-gagawa ni Glendee. Nakita din niyang may picture ito sa loob nang bar. "Kelan to kinunan?" nagtataka niyang sambit.

Sinong matinong buntis ang makikipaglandian sa bar at umiinom pa nang vodka. Bawal sa bata yun! asar na saad niya sa kanyang isipan. "Actually sir. I got that picture last tuesday." nanlaki ang mata niya nang marelaize niyang thursday ngayon. "What!?" tumango ang lalaki. "Nakuha ko rin po yung ibang details and sir, may nalaman ako..." saad nito at iniabot ang isang cd. Lumapit naman agad si Kirby sa laptop niya at doon isinaksak ang cd.

"Hey, babe." saad ng isang babae, which is obviously Glendee. Nakita niyang napangisi ang lalaki. Nakita sa video na inaayos ang camera. Ngayon ay kitang-kita niya na ang babae. "Hahahaha!" tawa nito na para bang may ginagawang nakakatawa ang lalaki. "Ano yung narinig ko na buntis ka?" nakita niyang natigilan si Glendee. "J-Jake..." humiyaw ang lalaki. "Tatay na ako?" bakas ang kasiyahan sa mukha ng lalaki. Lumayo si Glendee. "I...I'm using the baby to get Kirby!" nawala ang kaninang masayang ngisi ng lalaki. "What? THAT'S OUR FCKIN' BABY GLENDEE!" umiling si Glendee. "I'm sorry! I don't love you! I'm sorry." saka ito tumakbo at saka naman na-off ang camera.

"So the baby's not mine?" nakangising tanong ni Kirby. Tumango ang lalaki. "Kelan mo to kinuhaan?" ngumiti ang lalaki. "Nung isang gabi sir. The day after ko mapicture-an si ma'am Glendee sa isang bar. Ang lalaking kasama niya that time is the same guy na kausap niya dyan. He's name is Jake Angeles." tumango siya. He really don't care kung sino yung lalaki pero nagpapasalamat siyang hindi siya ang ama.

Bigla niyang naalala ang mukha ni Jensen nang huli silang magkita. Kita niya kung paano ngumiti ng mapakla at tumango-tango. Nanikip ang dibdib niya. Di niya aakalain dahil sa simpleng kalokohan lamang ni Glendee. Speaking of Glendee, may bigla siyang naalala. Damn! Bakit di ko naisip na dalawang buwan na ang nakakalipas mula nung bumalik ako dito sa Pilipinas? Tapos isang buwan pa lang ang bata. Imposible naman talagang akin yun! Damn, Kirby where did your brain go?!

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon