Taehyung's POV
"Anong sinabi mo?" binasag ni Namjoon hyung ang matagal naming pananahimik.
"Naka contract ako, hyung." sabi 'ko habang ginugulo ang buhok 'ko.
"Ipag laban mo kaya," napatingin ako kay Jungkook na parang ang dali dali lang sa kanya netong problema 'ko, namin.
"Easy for you to say-"
"Mahal mo diba? Ba't hindi mo kaya?" seryoso kaming lahat pero masasabi 'kong mas seryoso si Jungkook.
"Easy, man. Mahirap sa part nya ang mamili." tinapik ni Hoseok hyung ang balikat ni Jungkook.
"Madali lang naman ang choices, Irene or Career?" ngumisi pa sya. Sinamaan 'ko sya ng tingin. Hindi 'ko naman hinihinge ang opinyon nya.
"Try to put yourself in my shoes then tell me kung madali nga," hamon 'ko sa kanya. Makukulong ako kasi pumirma ako sa kontrata na susundin 'ko kung ano ang iuutos ng CEO.
Ngumisi sya. "If I were in your shoes? Ipaglalaban 'ko sya," tumayo at umalis na sya bago 'ko pa sya masuntok.
Irene's POV
"Kamusta na kayo ni Taehyung?" walang expression na tanong ni manager three habang kumakain.
Kumunot ang noo 'ko, "Okay naman po. Bakit?" ngayon lang sya nag tanong simula 'nung naging kami ni Taehyung.
Umiling sya at ngumisi. "Four, tingin mo nasabi na nya?" tanong ni manager three kay manager four.
Nakatuon naman ang buong attention ni manager four sa phone nya. "I think so,"
Weird. Nacucuious ako pero parang ayokong malaman kung ano 'yung pinag uusapan nila. Baka some issues lang, sasabihan naman nila ako kung may problema man.
'Nung nalaman nila 'yung sa amin ni Taehyung, syempre sinermonan ako. Pero pinayuhan din na kung hindi naman daw ako susunod sa kanila na hiwalayan si Taehyung, e umiwas at mag ingat nalang daw kami.
To: Unggoy <3
Ang weird ng managers namin. Anw, kumain ka na?
Mukha namang hindi ako kailangan sa usapan nila manager kaya pinuntahan 'ko nalang sila Seulgi sa sala.
"Ano sabi?" salubong agad sa akin ni Wendy.
Umupo ako sa tabi nya, "Kinamusta lang kami ni Taehyung."
From: Unggoy <3
Oo, kumain na ako.
Napa kunot ako sa reply ni Taehyung. Bakit ang ikli? Ah baka busy?
Ako:
Good. Busy ka?
"Mabuti nalang talaga gabi pa Inkigayo ngayon. Makakapag pahinga pa ako." humiga si Yeri sa couch at pumikit. Inaantay nalang namin sila manager tapos diretsyo Inkigayo na din kami.
"Seulgi, katext mo si Jimin?" tanong 'ko. Ang tagal kasi magreply ni Taehyung, kung natatagalan man sya dati, nagpapaalam agad sya.
Tumango sya. "Oo, para ngang walang ginagawa."
Sya:
Medyo.
Tinitigan 'ko ng matagal 'yung reply ni Taehyung. Ano 'to? Paano 'ko rereplyan 'tong gantong reply? Ginagalit mo ba talaga ako Taehyung?!
Ako:
Liar. :( Katext ni Seulgi si Jimin.
Napa buntong hininga ako. Nagsasawa na ba sya? Sabagay, 6 months na din naman kami. Sino ba namang hindi? To think na madami syang nakikitang magagandang babae sa paligid nya.
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanfictionMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!
