Twenty Syete

851 34 3
                                    

Napaangat ng tingin sa akin si Mino habang humihigop ng soup nya. Kumunot ang noo nya nang padabog akong umupo.

"What's wrong?" Tanong nya.

Tinapunan ko sya ng tingin at hindi sinasadyang tignan sya ng masama.

"Ow!" Agad na react nya saka umiwas ng tingin.

Hindi na nga okay sa akin na tago ang relasyon namin, tapos hindi mo pa maaasahan si Taehyung sa mga ganitong bagay.

Gusto kong malaman kung may gusto si Taehyung kay Hi pero hindi ko alam kung paano. Kutob ko talaga na may something sya sa babaeng iyon.

Napatingin ako kay Mino. Lalaki sya kaya baka alam nya kung paano malaman.

"Psst!" Tawag ko.

Gulat na nilingon nya ako. "Wow, first time akong tinawag nyang ganyan, a? Angas mo..."

Hindi ko pinansin yung sinabi nya, "May itatanong lang ako."

Sinandal nya ang dalawang braso sa mesa saka lumapit sa akin. Tumango sya, "Go on..."

"Hmm, p-paano malaman kapag ang isang tao, may crush?" Natawa sya sa sinabi ko.

"Sorry... Nakakatawa yung term na ginamit mo." Aniya saka nagpatuloy sa pag tawa. Hinampas ko naman sya kaya nagseryoso sya kahit na medyo natatawa pa din.

"Bakit? May gusto sa iba yung crush mo?" Parang bata ako ng tanungin nya.

Inirapan ko sya. "Sagutin mo nalang!"

"Well..." Umupo sya ng maayos habang nasa batok nya ang kanyang kamay. "Kapag lagi nyang binabanggit yung babae..."

Tumango-tango ako. Ngayon lang naman nabanggit ni Taehyung si Hi kaya okay pa.

"Pero mas kabahan ka kapag hindi na nya binabanggit yung babae."

Huh? Paanong mas kakabahan? Mas ayos nga iyon para hindi na magselos, diba? Ibig sabihin, wala na syang gusto doon or hindi na importante sa kanya.

"Bakit?"

"Kasi may iba na. Matatakot syang ma-open up iyon at para maiwasan ang tanong..."

"So, ibig mong sabihin, may something na?"

Tumango sya. "Ganun na nga!"

May point sya. Ganoon naman kapag may mali ng ginagawa ang isang tao, hindi ba? Iiwasan at iiwasan nya talaga iyong mga tanong. Lalo na kapag masyadong guilty na sya.

"Cut!" Kumunot ang noo ko at napatingin sa staffs. Oh great! May camera.

Umirap ako kay Mino nang tumawa sya. Inabutan nya ako ng isang prutas saka tumingin sa dagat. Hinayaan nalang din namin sila na kuhanan kami ng video.

"Naghihinala ka ba sa boyfriend mo?" Tanong nya. Mahina lang iyon at alam kong hindi rinig ng camera.

Nilingon ko sya. Malalim ang tingin nya sa dagat at seryosong seryoso sya.

"Hindi naman..." Kahit oo!

Uminom sya ng tubig saka tumingin sa akin. Natatakpan ng buhok ko ang aking mukha dahil sa lakas ng hangin.

"Kapag alam mong may mali na, umiwas ka na. Mahirap masaktan..."

Ilang beses na akong nasaktan ni Taehyung. Hindi ko alam kung nasaktan ko na din ba sya pero ang alam ko, sobra sobra na ang naidulot nya sa akin. Kahit ganoon pa man ay mahal ko pa din naman sya.

"Unnie! Grabe, mukhang nakakaganda dyan sa isla na iyan, a? Gumaganda ka lalo." Napatawa ako.

Nasa sala silang lahat ngayon kasama si Manager three. Tumawag sila sa skype kaya nasa seashore nanaman ako.

"Siopao, bola bola!"

Nagkwento lang sila tungkol sa araw-araw nila. Isang linggo ata kami dito ni Manager four tapos babalik kami ng Seoul para ipagpatuloy ang promotion. Kapag maganda ang feed backs ng netizens, dadami ang episodes na gagawin namin.

Meaning, mas magiging busy pa ako.

"Nakausap mo na si Four?" Ngayon, si Manager three nalang ang kausap ko.

Kumunot ang noo ko. Sinabi kagabi ni Manager four na kakausapin nya ako kaso dahil ata sa pagod ay maaga na syang natulog.

Umiling ako. "Hindi pa po..."

Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may hindi magandang balita. Lagi namang ganoon kapag kinakausap nila ako. Mahirap maging leader pero tuwing nakakareceive kami ng awards, ako ang pinakamasaya.

Nilapitan ko si Manager four matapos ang tawag. Nilingon nya ako saka ngumiti. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam nya na kahit ako ay nahahawa na din.

"Manager, kakausapin nyo daw po ako?"

"Maupo ka, Irene..." Umupo ako sa katabing upuan nya.

Matagal syang nanahimik na parang iniisip kung ano ang dapat sabihin, kung paano sasabihin.

"May natanggap kaming letter ni three..."

"Tungkol saan po?"

Huminga sya ng malalim, "We got married..."

Napangiti ako. Nakakaexcite kaya iyon! Inggit na inggit nga ako kay Joy lalo na't boyfriend nya pa ang kapareha nya. Sino naman kaya ngayon at anong group ang lalaki?

"And?"

"Red Velvet x BTS..."

Lalo akong napangiti. Kunti nalang ay magsisigaw sigaw na ako tuwa!

"Hindi ba magandang balita iyon, Manager? Excited na ako!"

Alam na kaya ng Bangtan to? Alam na kaya ni Taehyung? Oh my! May mga dates na mangyayari doon tulad ng sa amin ng BTOB noon.

"Maganda kasi may exposure kayo..."

Mamatay matay na ako sa tuwa pero tuwing nakikita ko ang itsura ni Manager four ay nahahawa ako sa pagiging kabado nya.

"Sino po ba? Hindi naman siguro ako." Baka ako tapos hindi si Taehyung yung groom?

Kung sabagay, nakakalungkot nga naman iyon. Lalo na kapag kailangan naming maging sweet ng groom. Alam kong scripted yun pero hindi mo mapipigilan ang mga fans na iship or ihate ang couple nyo.

Umiling si Manager. "Hindi ikaw..."

Nakahinga ako ng mabuti. Kahit na hindi na ako mag We got married kung hindi si Taehyung ang partner ko.

"Sino pala?"

Pumikit si Manager. "Si Seulgi..."

Wow! Seulgi at Jimin? Swerte naman. Sana may ganyan din akong chance. Yung tipong kaming dalawa ni Taehyung.

"Seulgi at V..."

Para naman kahit sa ganoong bagay ay maging public ang-

Teka

Napatigil ako at napawi ang ngiti ko. Gulat na napatingin ako kay Manager, umiling lang sya at malungkot na tumingin sa akin.

O-okay lang naman iyon, hindi ba? Pareho silang committed.

May Jimin si Seulgi, diba? Kung okay lang kay Jimin, magiging okay lang din naman sa akin. Lalo na, medyo close din talaga sila dahil na din syempre sa sari-sarili nilang relasyon.

Diba, Irene? Kaya mo naman. Scripted yun at alam mong ikaw lang ang mahal ni Taehyung. Iniyakan ka ng ng gagong iyon kaya mapanatag ka!

Pero kahit na anong sabihin ko sa sarili ko ay napapang-hinaan talaga ako ng loob. Pwede naman'g ako? Bakit si Seulgi pa? O kaya naman, pwedeng si Jimin at Seulgi...

Nakakaselos at inggit.

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon