"Unnie..." nanatili si Joy sa pintuan. Napatingin ako sa kanya habang nanunuod ng TV.
Isa-isang pumasok ang Twice sa bahay na parang nahihiya. Umupo ako ng maayos at binati sila.
"Naistorbo ba namin kayo, unnie?" tanong ni Jihyo. Well, this past few weeks, nagiging maayos na ang samahan ng Twice at Red Velvet.
Ngumiti ako, "Hindi naman. Okay lang..." umupo sa tabi ko sila Yeri habang nakaharap kaming apat sa Twice. Wala si Seulgi ngayon.
"Ano sadya nyo?" tanong ni Wendy.
Tahimik lang sila. Hindi nila alam kung sasabihin ba nila sa amin ang gusto nila o hindi kaya natawa kami.
"It's okay..." nakangiting sabi ko.
"Unnie..." parang batang lumapit sa akin si Tzuyu saka niyakap ako. Medyo nailang ako kasi hindi naman talaga kami close pero nakakatuwa sya.
"Nakakahiya talaga," rinig kong bulong ni Nayeon saka nagtakip ng mukha.
"May gusto si Tzuyu kay Mark..." agarang sabi ni Momo.
Nanlaki ang mata ko. "Sinong Mark?" may Mark sa NCT at meron din sa Got7 pero malakas ang kutob kong NCT to kasi paano namin sila tutulungan sa Got7, diba?"
Humagalpak sa tawa si Sana, "Mark ng NCT-U, NCT 127 and NCT Dream..."
"Pero... may girlfriend si Mark," sabi ni Yeri. Bigla kong naalala na may girlfriend nga pala yung batang yun.
"Aw iyak, Tzuyu!" kantyaw ni Chaeyeon.
Pagtapos nun ay nanatiling tahimik si Tzuyu. Hindi na muna namin sila pinaalis at inayang maglaro muna dito sa aming dorm. Tutal naman ay wala kaming schedule ngayon at tanging si Seulgi lang ata ang meron.
"Kapag galing sa SM talaga mahilig maglaro..." natatawang sabi ni Mina.
Saan pa ba kami magmamana? Syempre sa mga sunbaenims namin. Kahit sina Taeyeon unnie ay nakakarating pa dito sa aming dorm para lang makipaglaro.
Napuno ng tawa ang loob ng dorm namin. Masaya kasi marami kami tsaka tapos na ang issue about sa amin ng Twice.
"Baka mapadalas na ang punta namin dito," sabi ni Jungyeon.
"Okay lang, trupa trupa na us!" sigaw ni Joy saka pinalo palo ang pwet ni Yeri.
"Si Seulgi unnie pala?" tanong ni Tzuyu.
Napatingin ako kina Wendy. Hindi ko din alam kung saan nagpunta si Seulgi, paggising ko wala na sya dito sa dorm, ang sabi ay may schedule daw.
"A-ah... may pinuntahan lang!" tumatango nyang sabi saka umiwas ng tingin sa akin.
Nakaramdam ako ng kaba dahil pakiramdam ko ay may kinalaman iyon sa We got married nila ni Taehyung.
"Inaya ko ang NCT!" sigaw ni Yeri nang marinig na nagbukas ang pinto. Niluwa niyon si Taeyong, Taeil, Jaehyun, Winwin, Mark, Donghyuck, Chenle, Yuta at Ten.
Nagulat kami. May dala silang payong at medyo basa ang kanilang buhok at damit. Pinapagpag nila ang kanilang mga damit at ginulo gulo ang mga buhok. May dala silang plastic na hula ko ay mga pagkain.
"Lakas ng ulan sa labas!" ani Taeyong.
Madalas silang pumarito sa dorm kaya hindi na nila kailangang kumatok pa. Maging ang ibang SMrookies ay madalas dito katulad nina Hina, Lami, Herin at Koeun.
"Oh my God, unnie..." bulong ni Nayeon saka kumapit sa akin.
Hindi pa ata napapansin ng NCT ang mga tao sa loob dahil busy sila sa pagtanggal ng mga sapatos. Lumapit si Yeri at inabutan sila ng tig-iisang towel.
"Thank..." napahinto si Mark sa pagpupunas ng buhok nang mapatingin sa amin. Kinalabit nya si Donghyuck.
"Upo kayo, may bisita kami." sa pagkasabi ni Joy nun ay saka lang napatingin sa amin ang NCT. Nanlaki ang mata nila saka sabay sabay na nagbow.
"Ba't di mo sinabi?" bulong ni Jaehyun kay Yeri na nakangisi dahil sa reaction nila.
"Dami nyo arte, upo na kayo para makain na natin yang mga dala nyo..." sabi ko.
Ang kaninang magulong Twice ay naging parang tuta na hindi makapagsalita. Lalo na si Tzuyu, nakatingin lang sya kay Mark.
Isa isa namin silang pinakilala. Dakdak ng dakdak si Yuta about kay Sana na parehas nyang taga Osaka. Si Winwin naman ay si Tzuyu ang kinausap.
"Naglaro kayo?" tanong ni Taeil na nakatingin sa barahang nasa lamesa.
"Oo, kanina pa." sagot ni Wendy at nilapag ang juice na ginawa nya.
Kinuha ni Chenle ang remote sa gilid ko saka binuksan ang TV habang umiinom ng juice. Natahimik naman ang mga nag-uusap at nakinuod nalang din.
"Gusto ko din mag We got married..." kumento ni Ten nang ipalabas ang umpisa ng We got married.
Biglang kumabog ang puso ko sa kaba. Hindi na ako makasunod sa usapan nila at tutok ako sa kung sino ang bagong ikakasal.
"Gusto din ni Momo! Yiee..." kantyaw ni Jihyo saka sila nagtawanan. Hindi na ako makangisi.
"P-patayin na natin yang TV! Laro nalang tayo..." sabi ni Wendy pero hindi sya pinansin. Lalo akong kinabahan.
Hope for the best but expect the worst.
"A new We Got Married couple is born!"
"Sino kaya?" rinig kong bulong nila. Nagbibiruan pa sila na kinakabahan daw sila kung sino iyon.
"Mas nakakakaba pa kesa sa Hit the stage!" sabi ni Ten saka sila nagtawanan. Pinalo naman ni Momo si Ten sa braso sa sobrang tawa nya.
"Aray ah!" tumatawang sabi ni Ten.
"V debuted as a member of BTS in 2013..." napapikit ako sa aking narinig.
Rinig kong napasinghap silang lahat at tahimik na nanunuod. Biglang may tumayo at kinuha ang remote kay Chenle.
"Gusto ko manuod!" inosenteng sabi ni Chenle.
"Huwag na nga sabi..." si Taeyong. Seryoso ang kanyang boses kaya siguro binigay agad ni Chenle ang remote. Narinig ko nalang na na-off na ang TV.
Tahimik sila. Hindi ko alam kung nakatingin sila sa akin or what. Ang tanging hindi ko nakitaan ng pagkagulat ay ang mga members ko mismo.
"Wendy, alam mo?" Kunot noong tanong ko kahit na hindi ko pa binubuksan ang aking mata.
Hindi agad sya nakasagot. "A-ah..." at hindi pa nya alam kung ano ang isasagot nya.
Huminga ako ng malalim, "Akyat na muna ako."
Hindi ko na sila nilingon. Narinig ko pang tinawag nila ang aking pangalan pero hindi ko sila pinansin.
Acting lang naman yun, diba? Hindi naman makakasira sa relasyon namin dahil alam kong mahal ni Seulgi si Jimin.
Tumunog ang cellphone ko. Tamad na sinagot ko iyon.
"Hello?"
"Noona..." napadilat ako ng mata at sinilip kung sino ang pangalan.
Park Jimin.
-------
Bawe ako next chapter promise! Votes and comments. :)Biglang sumulpot ang Twice at NCT! Para kasing gusto ko sila i-ship kaso hindi ko alam kung sino-sino. :D
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanficMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!