Irene's POV
"Let's go?" Aya ni Tiffany unnie. Masayang tumango naman sila Seulgi at tumatalon talon pa.
Tamad naman akong bumangon sa couch at sumunod sa kanila. May parang intrams kasi kaming mga idols, secret lang sa mga fans para naman makapag chill.
Ilang araw na kaming hindi nanunuod, dahil ayaw 'ko manuod. E ayaw din naman nila akong iwan, kaya 'nung nag aya sila Unnie, wala na din akong nagawa.
"Hindi ka bitter, okay? Wala sa lahi natin ang bitter, tandaan mo 'yan!" Pangangaral sa akin ni Taeyeon Unnie. Wala na din sila ni Baekhyun pero parang sila pa din, wala lang commitment.
Ngumiti lang ako. Ang laban ngayon, BTS vs iKON. Akala 'ko nga hindi nanaman sasali ang iKON sa mga ganito, kadalasan kasi, YG ent ang wala.
Naka cap at shades kami, baka kasi masundan kami. Kwentuhan sila ng kwentuhan 'kung gaano sila ka-excited. Simula kasi 'nung nagka usap kami ni Taehyung, hindi na kami nagpapansinan. Ewan 'ko din, maayos naman usapan namin, may closure naman kaya nagtataka ako kung bakit ilang kami sa isa't-isa.
Nagwawarm-up palang ang dalawang team pagkarating namin. Agad namang kumaway si Jimin at Jungkook sa amin.
"Lapitan mo na nga!" Inis na sabi 'ko kay Seulgi. Nagpapalitan kasi sila ng flying kiss!
Tumayo sya. "Eto na!" Tsaka sya nagpabebeng takbo papunta kay Jimin. Napa iling lang ako.
"Irin!" Napa lingon ako kay Jungkook. Ano? Magfflying kiss din sya?!
Tumawa sya dahil siguro sa naka kunot 'kong noo. Tumakbo sya papunta sa amin, nakita 'ko pang natigil si Taehyung sa pagwawarm-up.
"Ano?" Naka taas kilay 'kong sabi 'nang hingal syang nakalapit sa akin.
"Nalaman mo lang na maglalaro kami, nanuod ka na." Naka ngising sabi nya. Ngumiti lang ako ng sarcastic sa kanya.
"Feeling mo!" Inirapan 'ko sya. Tinignan 'ko nalang ang iKON na nag wawarm-up, medyo awkward pa sila kasi minsan lang naman sila maki-halo bilo sa kapwa nila artist.
Tumabi sya sa akin. "Sus! Ayun 'yung Taehyung mo, o! Binigyan ni Sujeong ng tubig!" Napa tingin ako. Nahihiyang inabot ni Sujeong 'yung tubig kay Taehyung tapos naka ngiti namang inabot 'yun ni Taehyung.
"Sweet," sakit sa mata! Kaya napa tingin uli ako sa iKON. Matagal ng crush ni Sujeong si Taehyung kaso alam nyang may girlfriend si Taehyung kaya iwas sya. Siguro ngayon, nabalitaan nyang wala na kami.
"Selos ka lang, e! Alam mo, kung naghahanap ka ng gwapo, tingin ka lang sa gilid mo." Tumingin naman ako sa gilid 'ko, which is sila Taeyeon unnie.
"San? Puro naman babae, e."
"Dito!" Hinila nya pa ang ulo 'ko para mapa tingin ako sa kanya. Sabay naman kaming natawa sa ginawa nya.
"Oo na," tinapunan 'ko ng tingin si Taehyung. Malalim ang tingin nya sa amin habang umiinom ng tubig. Pakielam 'ko sayo! Maki pag landian nalang sya, tutal dun naman sya magaling.
"Icheer mo kami mamaya, a?"
"Dun ka na nga! Mag warm-up ka na." Umirap kasi si Taehyung at halatang wala na sa mood. Kilala 'ko pa naman sya pag beast mode, baka maka sira lang sa laro nila.
Kumindat pa sya sa akin habang tumatakbo pabalik sa team nya.
Nag simula na ang game, bangtan ang chini-cheer nila unnie dahil sa BTS sila close. Tahimik lang ako, ayokong may panigan.
First five si Yoongi, Taehyung, Namjoon, Jungkook at Jimin. Sa kabila naman, si Junhoe, Jinhwan, B.I, Bobby at Chanwoo.
Lamang ang iKON kaya halata talaga ang pagka beast mode ni Taehyung. Minsan nasisiko na nya ang kabila.
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
ספרות חובביםMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!
