"Mukhang bestfriend ulit si Jungkook at Taehyung..." Nakataas ang paa ni Yeri sa lamesa habang hawak ang cellphone at nagte-text.
"Bakit?" Tanong ko.
"May taping sila ng My Boss is Watching ngayon." Kumunot ang noo ko.
Alam ko. Nagpaalam nga si Taehyung sa akin na hindi muna na ako mate-text.
Ni-hindi ko pa nga sya nasesermunan tungkol sa pagbugbog nya kay Jungkook.
"Tapos?" Tamad na tanong ni Seulgi habang nakatingin sa TV.
"Nanuod silang dalawa rehearsal ng Twice... take note, silang dalawa lang."
Tumaas lahat ng dugo ko papunta sa aking ulo.
"What the! Paano mo nalaman?" Tanong ni Wendy.
"Duh? Bestfriend ko si Jungkook!"
Iniisip ko na kung paano ko papatayin mamaya si Taehyung. Siguro pahihirapan ko muna sya. Yung tipong mauubusan sya ng dugo.
Or ilibing ko kaya ng buhay?
Babalatan ko muna siguro sya bago ilibing.
Tama! Kokontakin ko nalang yung murang morgue mamaya.
"Unnie!" Bumalik ako sa ulirat ko ng sigawan ako ni Seulgi.
"W-what?" Feeling ko ay narinig nila ang iniisip ko kanina.
Natatakot akong malaman nila na ako ang papatay kay Taehyung.
"Sabi ko, ngiting ngiti si Taehyung oh!" Pinakita nya sa akin ang pictures ni Taehyung at Jungkook.
Kumunot naman ang noo ko sa napansin ko. "Yeri, hindi ba talaga si Jungkook at Nayeon?"
Umiling sya. "Nope! Pero baka malapit na."
"Paano mo nasabi?" Tanong ni Joy.
"Duh! Jungkook na yan, te! International playboy..." Umirap sya.
"Selos ka nanaman! Umamin ka na kasi." Biro ni Seulgi.
Kinuha ko ang cellphone ko. Kahit alam kong busy sya ay sinubukan ko pa ding tawagan sya.
Nagulat naman ako dahil tatlong ring palang ay sinagot na nya.
"Hi!" Parang nabura lahat ng planong naiisip ko kanina.
"Break time nyo?"
"Uh yeah? Natatawa ako sa BTOB!" Humagalpak na sya sa tawa.
Bukas pa kasi i-air yung palabas. Kumbaga, taping palang ngayon. Ininvite din kami kaso medyo busy din kami.
"Bakit?"
"Sinayaw nila yung Dumb Dumb!" Nanlaki ang mata ko. Iniimagine ko palang, mahihimatay na ako sa tawa.
"Joy! Sinayaw daw ng BTOB yung Dumb Dumb!" Sigaw ko.
"Ah talaga?" Amaze na amaze si Wendy.
"Alam ko, Unnie. Nasabi na ni Sungjae kaso wala sya doon..."
"Sino lang pala?" Tanong ni Yeri.
"Basta! Apat lang sila dun."
"Galing nga din ng Twice e..." Ngayong na-mention nya ang Twice, parang gusto ko ng mangyari ngayon yung plano ko.
"Good job, Taehyung! Sige lang."
Tumawa naman sya.
"Damn! Wanna see you right now..."
"Heh! Baka makapatay ako ng tao ngayon, Taehyung."
"Really... parang gusto kong mamatay, basta ikaw ang papatay."
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanfictionMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!
