Please read @exo_chanyeols_wife story guys! And vote, comment and enjoy! ❤
----------------------Irene's POV
"Wendy, tae ka ba?" Napairap ako. Kanina pa sya hindi pinapansin ni Wendy kaya nagpapapansin gamit ang mga pick-up lines nya.
"Hindi."
"Hindi kasi kita kayang pag laruan." Kinikilig na sabi ni Hoseok.
"Tigilan mo nga ako, J-hope! Naiirita na ako, ha? Sasampalin na kita." Napa iling nalang ako. Advise 'ko din kasi kay Hoseok na mag papansin pero hindi 'ko sinabing mag pick-up lines sya.
"Hoseok! Akala 'ko sa damo ka mahilig, bakit parang purgang purga ka sa mais!?" Iritang sabi 'ko. Tinry 'kong wag syang pahiyain sa harap ni Wendy, pero nakakainis na din kasi talaga mga pinag sasabi nya.
Nilingon nya ako. "Ha ha ha! Ayan tatlong tawa para sa'yo, paki budget nalang hanggang bukas, ha?"
Napa iling nalang ako at pumunta sa kusina para mag luto ng lunch. Dagdag palamunin si Jimin at Hoseok! Sayang budget.
Hinatid ako ni Taehyung hanggang dito sa dorm. Gabi na din kami naka rating kaya si Seulgi nalang ang gising. Syempre, kausap si Jimin. Malapit na din ang laban namin sa Volley ball dahil tapos na ang mga boys sa laro.
Hindi pa napunta sila Managers dito sa dorm kaya hindi pa nila ako nakaka usap. Hindi din sinasabi sa akin ng mga girls kung ano yung reasons na dinahilan nila.
"Unnie!" Nilingon 'ko si Yeri. Galing sya sa school at naka uniform pa.
"Oh? Akala 'ko mamayang 3 pa uwi mo?" Tanong 'ko. Sinimangutan nya lang ako at hinila nya yung upuan tsaka umupo.
"Yeri!" Napa lingon ako sa dumating. Hingal na hingal si Jungkook. Napa tingin sya sa akin pero agad ding tinignan si Yeri.
"Bakit Jungkook?" Tanong 'ko pero hindi nya ako pinansin.
"Bro! Hayaan mo nga sila." Tinapik nya ang braso ni Yeri na naka simangot.
"Nakaka inis kasi!" Sagot ni Yeri. Bumuntong hininga ako at hinarap na ulit yung niluluto 'ko. Hinayaan 'ko lang silang mag usap.
"Pre, hindi naman tayo talo diba, diba? Wag ka ngang papa apekto sa mga yun!" Narinig 'kong tumunog ang upuan. Siguro umupo si Jungkook sa tabi nya.
Partners in crime yang dalawang yan. Walang talo talo dahil sa paningin ni Jungkook, lalaki si Yeri. Nakakainsulto pero sobrang close lang talaga nila.
"Oo nga! Pero nakakainis dude! Nandun yung crush 'ko!" Napa taas ako ng kilay. Alam 'kong boyish kumilos si Yeri pero ramdam 'ko naman na hindi sya tumboy.
Tumawa si Jungkook. "Naisahan mo ako dun, a? Ang ganda nung crush mo!"
"Akin na yun. Mag hanap ka ng iba, tsaka maganda naman si Unnie, a?" Maangas na sabi ni Yeri. Napa tingin sa akin ng saglit si Jungkook. Napa iling nalang ako. Mga bata nga naman.
Dumating sila Manager na parang walang nang yare. Hindi nila ako pagagalitan? Habang kumakain kami ay naka tingin lang ako sa kanila. Ang weird. Lalo tuloy akong nacurious kung ano ang ginawang reasons ng mga girls.
Napilit na din ni Jungkook si Yeri na pumasok ulit para sa pang hapon nilang klase. Tinignan muna ako ni Jungkook bago sila umalis.
"Irene! Kamusta yung mga gamit mo? May nakuha ba sila?" Ha? Anong pinagsasabi nila Manager? Narinig 'ko naman ang tawa ni Joy.
"Nahold-up ka daw kaya ka umuwi sainyo." Sabi ni Manager Four. Tumingin ako ng masama sa mga girls, isa isa naman silang umiwas nang tingin. Seriously?! Nahold-up ako? Wala na ba silang magandang reasons na nasabi?
"A-ah. Okay naman po ako," ngumiti ako. Sasakyan 'ko nalang at mag papasalamat na hindi ako napa galitan.
"Buti hindi ka natrauma." Tumatangong sabi ni Manager Three. Humanda talaga sila sa akin mamaya!
"Buti nga naniwala sila, e." Proud na sabi ni Seulgi nang maka alis sila Manager.
"Akala 'ko ba maganda reasons nyo? Gusto nyo pa ata akong mapa hamak!"
"Maganda naman, a? Galing nga umarte netong si Joy, e." Sabi ni Wendy.
"Ulitin mo nga," tumatawang sabi ni Seulgi.
"Managers! Si Unnie po nahold-up kanina! Umiiyak po sya dahil sa takot. Wala naman daw pong nakuha pero parang na trauma sya kaya umuwi nalang sa kanila." Nagtawanan sila pag tapos ng drama ni Joy.
"Nakakatawa!" Sarcastic 'kong sabi.
"Pero anong nangyare sainyo ni Taehyung? Uyyy, may something nanaman sainyo, ano?" Kinikilig na sabi ni Seulgi.
"Wala,"
"Nahihiya pa yan mag kwento, hayaan na natin." Umirap ako sa sinabi ni Wendy.
"Ingat nalang kayo. Mainit ang mata sainyo ng mga tao sa paligid, pag hihiwalayin nanaman kayo." Ani Joy. Hindi 'ko din alam kung bakit kami lang ang pinag hiwalay. May nagshiship na din kay Seulgi at Jimin, pero bakit kami pa din?
Jungkook's POV
"Bakit sinabi mong si Irene ang crush 'ko!?" Binatukan 'ko si Yeri habang nag lalakad kami sa loob ng school.
"Hoy Jungkook, wag kang OA, ha! Feeling mo naman manhid si Unnie para hindi nya malaman na crush mo sya."
"Bro! Kahit na. Palibhasa kasi hanggang tingin ka lang sa crush mo." Pabirong inambaan 'ko sya nang suntok.
"Sya ang lalapit sa akin, maniwala ka! Ikaw, ang torpe mo! Bro, galaw galaw din, ha?" Nainsulto naman ako sa sinabi nya. Kung walang Taehyung baka malaya akong maka porma kay Irene.
"Bro, may sabit."
"Kailan ka pa natakot sa sabit? Kahit nga ata mag asawa, mapag hihiwalay mo kapag nanlandi ka!"
"Bro, wag ganun. Mabait akong tao." Ngumisi ako.
"Mabait mo mukha mo. Wag ako, Jung-" natigilan kami nang dumaan sa harap namin yung crush nya. Pasimple 'ko syang siniko pero hindi nya ako pinansin.
"Hi, Yeri!"
"H-hi," pinigilan 'kong tumawa dahil masisira ang diskarte ni pareng Yeri.
"Busy ka ba? Kasi papasama sana ako." Ngumiti yung babae kasabay nang ngiti ni Yeri.
"Sure, wala na akong klase, e. Saan ba?" Anong walang klase? May dalawa pa kaming klase ngayon! Iba talaga ang pag ibig.
"Ah, hindi naman ngayon. Mamayang uwian sana," ngumiwi yung babae sa hiya tapos sumulyap sa akin.
"No prob!"
Inakbayan 'ko si Yeri at ginulo ang buhok nya pagka alis na pagka alis nung crush nya.
"Sabi sa'yo, Bro, sya ang papansin sa akin." Proud na sabi nya. Nagbro fist kami.
"Isa kang alamat, Yeri! Paturo ako, iaaply 'ko lang kay Irene." Siniko 'ko sya.
------------------
Sorry hindi Vrene! Haha natuwa kasi ako kay Jungkook kaya ayun. COMMENT COMMENT PLEASUEEEEEE! ♥
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanficMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!