Pwedeng hindi na basahin haha nasa mood lang ako dahil natutuwa talaga ako sa SeulMin.
________________
Special Chapter
"Unnie, online si Jimin dali!" Narinig kong sigaw ni Yeri mula sa salas.
Nabitawan ko ang librong binabasa ko sa kamamadali. Tumakbo ako papunta roon para maabutan si Jimin dahil ilang linggo ko na siyang hindi nakakausap. Hindi ko alam kung ano ang problema namin, wala naman siyang sinasabi sa akin.
"Tabi dyan, Wendy!" Sigaw ko saka hinawi ang katawan niya para lang makaupo ako sa couch.
Hinarap ko sa akin ang laptop saka sinubukan i-video call siya. Hindi ko na alintana na facebook ni Joy ang nakabukas, importante ay makausap ko si Jimin.
Inayos ko ang buhok ko saka chineck kung may muta ba ako o wala. Nakatali pataas ang buhok ko dahil tinatamad akong magayos. Kinagat-kagat ko ang labi ko para pumula iyon saka ngumiti ng pagkalawak-lawak.
Ngayon ay naintindihan ko na si Irene unnie noong panahong iniintindi niya si Taehyung kahit na paulit-ulit siya nitong sinasaktan. Ganun siguro talaga kung mahal mo. Handa kang magmukhang tanga, huwag lang siyang mawala sa iyo.
"Hi!" Bati ko nang sa wakas ay sinagot na niya ang tawag.
Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at napaawang ang labi niya. Hindi niya ini-expect na ako ang tatawag dahil nga facebook ni Joy ang naka-open. Nakita kong sumeryoso ang mukha niya kaya napawi ang ngiti ko.
"Seulgi, may gagawin pa ako..."
"Anong problema, Jimin?" Kunot noo kong tanong.
As much as possible, ayaw ko sanang magalit sa kaniya dahil nga namimiss ko na siya ngunit hindi ako manhid para hindi malaman na iniiwasan niya ako. Ang daling basahin ng pandak na ito at alam kong may problema kami ngayon!
"Wala... sige na, Seulgi."
Wala na akong nagawa nang ibaba niya ang tawag. Bumuntong hininga ko at ang lahat ng excitement na naramdaman ko kanina ay parang bulang naglaho. Ramdam na ramdam ko ang mga kutsilyong tumutusok sa dibdib ko. Hindi na ako makahinga ng maiigi dahil doon.
"Unnie..." nilapitan ako ni Joy at naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko ngunit mabilis ko iyong hinawi.
Tumayo ako saka pumanhik sa kwarto. Doon ko nilabas lahat ng nararamdaman ko. Sakit, inis, pagkalito. Lahat na yata ng masamang pakiramdam ay nararamdaman ko na ngayon. Dumapa ako saka sinubsob ang mukha ko sa unan.
"Akala mo naman may maipagmamalaki ka! Sa height pa nga lang, talong talo ka na tapos feeling gwapo ka pa ngayon? Bakit ba kita iniiyakan, eh ang panget mo naman?!"
Akala ko ay gagaan ang pakiramdam ko kapag nilait ko siya ngunit lalo lamang lumakas ang hikbi ko. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari bago niya ako iwasan. Nag-init ang pisngi ko saka humiga ng maayos at tumingala sa kisame habang ang mga alaala ay kusang bumabalik sa akin.
"Seulgi..." seryosong sambit ni Jimin pagkapasok sa kwarto namin ni Wendy.
Natawa ako habang nakatingin sa kaniya. May party na nagaganap sa baba dahil sa pagkapanalo ng BTS sa isang daesang. Napawi ang ngisi ko nang makita ko ang seryoso niyang mukha.
Lumapit siya sa akin saka hinapit ang baiwang ko. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg kaya napasinghap ako. Para akong malalagutan ng hininga sa ginagawa niya. Lalo na nang simulan niyang halikan ang leeg ko pababa sa aking collarbone.
"Jimin, stop!" Ngunit naging ungol lamang iyon.
Tumaas ang bibig niya para halikan ako sa labi. Nalasahan ko ang pinaghalong lasa ng alak at lasang mint sa kaniyang bibig. Nagsimulang gumalaw ang kamay niya. Malaya iyong nagtaas baba sa aking katawan kaya maagap kong hinawakan iyon para pigilan siya.
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanfictionMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!