"And... cut!" Napahinga ako ng malalim. Hirap nun, a!
Hirap mag panggap.
Hindi na ako nagpaalam sa mga kasama naming idols. Diretso agad ako sa seashore saka dinial ang number ni Taehyung.
Yes, you're right. Nasa island kami ngayon. Parang Law of the jungle pero hindi.
"Taehyung!"
"Hi!" He chuckled. Aw pagod si Baby Taehyung...
"Sorry, tumawag pa ako. Kasi katatapos lang ng shoot..."
"Oh c'mon, it's okay... Tapos na din ang concert namin. Grabe talaga ang mga filipino armys..."
"Pagod ka siguro. Pahinga ka muna?"
"Okay lang! Kwentuhan mo ako..."
Napangiti ako, "Ayun, nagpanggap kaming close ni Mino. Okay naman kasi nandito din mga SM staffs kaya di ako kinakabahan."
"Behave, ha?"
Ilang oras din kaming nagusap. Maggagabi na nang bumalik ako sa tent na inihanda para sa amin.
"Oh? Nandito ka lang pala, Irene, kanina ka pa hinahanap. Kakain na," Nakasalubong ko ang isa sa SM staff. Tumango ako at pumanhik na sa sinabi nyang lugar.
Isang manager lang ang kasama ko, si manager four dahil kailangan din ng manager ng natitirang members.
"Manager four!" Lumingon sya habang sinusubo ang isda'ng ulam nya. Umusog sya ng unti at tinapik iyon na sinasabing, doon ako maupo.
"Pinahanap kita kay Mino sa tent kanina, a? Wala ka daw. Saan ka nagpunta?" Napalingon ako kay Mino.
Well, okay naman sya. Akala ko mayabang, e. Pero napaka down to earth.
"Sa seashore lang po, tinawagan ko si Taehyung..." Bigla syang sumeryoso.
"Mamaya, maguusap tayo."
Nagkwentuhan silang lahat doon habang kumakain. Tahimik lang akong nakikinig at tatawa kapag nakakatawa yung usapan.
"Nagkasama na kayo ni Mino, diba? Sa moves like jagger?" Tanong ni Bomi ng Apink.
Tumango ako. "Actually, sya iyong partner ko doon..."
Nailang ako sa lalim ng tingin sa akin ni Mino. Hindi sya ngumingiti, pinapanuod nya lang ang bawat galaw ko.
"Edi mas madali nalang na magsama kayo ngayon?" Tanong ng isang hindi ko kilala. Ba't ba nasa akin ang tanong?
"Ayos naman..." Ngumisi ako.
Nagpasya sila na magbonfire kaya nag simula na ang boys sa pagaayos doon.
"Girls, mauuna na kaming matulog. Iseset nalang namin yung camera sa bonfire para hindi sayang yung usapan nyo..."
Tumango naman kami. Kahit ang mga manager namin ay nagpaalam na. Kahit pagod kami, paninindigan nalang namin iyong napagpasyahan namin.
"May camera talaga? Sayang naman, madami pa naman akong itatanong na private..." Simangot ni SinB.
"Edi pretend nalang tayo na walang camera." Suggest ni Hani.
"Hindi pwede, girl!" Pinalo ni Bomi si Hani.
Tinawag na kami ng boys matapos nilang maayos ang bonfire. Umupo kami doon, katapat ko si Mino.
Pinagtulakan ng mga boys si Mino palapit sa akin. "Tabihan mo na!"
Tumayo si Mino na tumatawa. Pinagpag nya ang kanyang pwetan saka tumabi sa akin.
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
Hayran KurguMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!