Trenta One

902 38 21
                                        

Ang kamay ko na nakayakap sa bewang ni Jungkook ay biglang bumagsak. Ang saya nilang tignan, nagtatawanan sila at nagaasaran. Samantalang kaming dalawa ni Jimin ay kanina pa down na down.

"Irene, kaya kong maging rebound basta bigyan mo lang ako ng chance..."

Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Jungkook. Pinanuod ko lang si Taehyung at Seulgi na hindi kami napapansin dahil busy sila sa isa't isa.

"Jungkook..." tumama ang luha ko sa balikat nya kaya mabilis nya akong nilingon.

"Don't cry..." bulong nya. Sinapo nya ang magkabilang pisngi ko at pilit na pinupunasan ang luha ko kahit na tuloy tuloy pa din ang bagsak nun.

"Tangina, ano to?!" Rinig naming sigaw ni Taehyung saka biglang napahiga si Jungkook sa sahig. Nagulat sila sa loob kaya isa-isa silang lumabas ng bahay.

"Talaga tinatanong mo pa kung ano yung nakita mo? E pano kung itanong ko din sayo kung ano ginagawa mo?!" Ngumisi si Jungkook tanda ng inis at galit nya. Tumayo sya para bigyan din ng isang malakas na suntok sa mukha si Taehyung.

"Kookie!" Sigaw ni J-hope saka hinawakan ang balikat ni Jungkook. Sina Yuta naman ay si V ang hinawakan.

Tinignan ko si Jimin sa gilid dahil hindi manlang sumali para awatin ang dalawa. Malamig itong nakatingin kay Seulgi.

"I thought we're cool! Bakit nilalapitan mo nanaman si Irene?" Pilit na kumakawala si Taehyung kina Yuta.

"Hindi tayo magiging cool kapag tungkol kay Irene." Pinunasan nya ang dugo sa gilid ng labi nya saka ngumisi.

"Hindi mo alam kung sino ang pinapakawalan mo, Taehyung..."

Dahil sa sinabing yun ni Jungkook ay hindi nanlaban si Taehyung. Napatingin sya sa akin. Ang kaninang maangas at matigas nyang tingin ay biglang umamo at sinubukan nyang lumapit sa akin.

"Tangina, bitiwan nyo ako sabi e... Irene..."

Tulo ng tulo ang luha sa aking mata. Nilapitan ako ng mga girls at sinubukang pakalmahin, maging si Seulgi ay gusto akong lapitan pero pinigilan sya ni Wendy.

Nagulat ako nang hawakan ni Jimin ang wrist ko, "Let's go, noona..."

Pinigilan nila kami pero mukhang hindi papapigil si Jimin. Kami lang dalawa ang nagkakaintindihan ngayon, ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya.

Umupo kami sa swing. Hindi sya nagsalita. Hinilamos nya ang dalawang kamay sa mukha nya saka huminga ng malalim.

"Ang sakit, noona..." bulong nya at ramdam na ramdam ko ang sakit.

"Alam ko..."

Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang hikbi nya. Parang naubusan na ako ng luha dahil kahit anong sakit ang nararamdaman ko ngayon ay hindi na tumutulo ang luha ko.

"Anong gagawin mo, Jimin?" Hindi mapigilang tanong ko. Hindi ko din kasi alam ang gagawin ko lalo na ngayon, hindi ko pa alam ang side ni Taehyung.

"Hindi ko alam. Go with the flow nalang muna ako, noona kesa magdesisyon ng mag-isa..."

Bumalik kami sa dorm. Ang tanging naabutan namin sa sala ay si J-hope, Wendy, Jungkook at Yeri.

Nasan nanaman si Taehyung at Seulgi?

Agad na napatingin sa akin si Jungkook. Sinundan nya ako gamit ang kanyang kamay habang hawak ang kanyang labi.

Pagod na pagod ako ngayong araw. Ang katawan ko, ang isip ko, lalo na ng puso ko.

Tahimik na umupo kami ni Jimin sa couch. "Si Seulgi?" Biglang tanong ni Jimin.

"Nasa taas, kausap si Taehyung..." napapikit ako sa sinabi ni Yeri.

Bakit kailangang sa kwarto pa mag-usap? Pwede namang sa labas! Ganun na ba talaga sila ka-close para magsama sa iisang kwarto?

Nakakawalang gana.

"Irene, can we talk?" Tumayo si Jungkook at lumapit sa akin. Tinignan ko si Yeri na nakangiti ngayon at tumango sa akin.

Lumabas kami para makapag-usap. Apektadong apektado si Jungkook sa nangyayari.

"Hindi ako matahimik hangga't ganito ang kalagayan mo!" Agad na sabi nya.

Kumunot ang noo ko, "Anong ganito, Jungkook?"

Tinignan nya ako. Umigting ang panga nya saka nag-iwas ng tingin, "Ganito... pinakawalan kita hindi para gaguhin. Pinakawalan kita kasi alam kong ito ang magpapasaya sayo,"

Yumuko ako at pinaglaruan nalang ang mga daliri ko, "Ang tanga ko no?" Tumawa ako. Nilingon ko sya pero seryoso lamang syang nakatingin sa akin.

"Ang tanga kong naniwala pa ako sa kanya... naniwala pa ako sa relasyon namin kahit alam ko naman na una palang talo na."

Ang daming hadlang pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko para ipaglaban pa to.

Para akong nakikipaglaban sa hangin, kahit na anong lakas ang ibigay ko nagmumukha lang akong tanga.

"Try me... sa akin, hindi ka masasaktan..." bulong nya saka hinawakan ang kamay ko.

"Jungkook, mahirap ipilit kung wala talaga." Napakagat sya ng labi sa sinabi ko. Kumurap sya. Kuminang ang diamond earring sa kanang tenga nya nang tumama ang ilaw doon.

Ngumisi sya, "Nagsasalita ka na agad ng tapos, hindi mo pa ako binibigyan ng chance..."

Should I? Pagod ang puso ko ngayon at kahit anong gawin nya ay hindi ko iyon masusuklian.

"Bae Joohyun..." napalingon kami ni Jungkook sa likod ko at nakita ko si Taehyung na seryosong nakatingin sa amin ngayon. Hindi makita ang mukha nya dahil nasa likod nya ang ilaw pero alam kong matalim ang titig nya kay Jungkook.

"Mag-uusap lang kami, Jungkook... pwede?" Sarcastic nyang sabi.

"Ano nanamang pag-uusapan nyo? Lolokohin mo nanaman sya kasi alam mong mahal na mahal ka-"

"Jungkook..." tumango ako sa kanya.

Huminga sya ng malalim bago tumayo, "Last na to..." bulong nya saka umalis.

Umupo sa tabi ko si Taehyung. Tahimik lang kami at tanging mga huni lang ng malakas na hangin ang naririnig.

"No choice ako..." napapaos ang kanyang boses.

Napatingin ako sa kanya. Sapo nya ang kanyang noo at parang hindi din alam kung ano ang gagawin. Kumikinang ang hikaw sa kanyang tenga at namumula ang buong mukha.

"Kaya ba pumayag ka nalang?"

"I never agreed! Kahit di ako pumayag kung yun ang gusto ng BigHit kailangan kong gawin..." sabi ko na eto talaga ang idadahilan nya. Naiintindihan ko naman pero yung hindi nya sinabi sa akin na may ep 1 na pala? Shit lang!

"Taehyung, nasasaktan ako..."

"Alam ko..." bulong nya. He tried to reach my hands pero binawi ko iyon. Nagulat sya sa ginawa ko at lalong umamo ang kanyang mukha.

"I think we need a break..."

Kung patuloy kami sa ganitong sitwasyon ay baka hindi kayanin ng puso ko.

-----
Ayan na, sunod sunod na ang update haha! Vote, Comment and Enjoy! ♡

Sa mga NCT stan na nagbabasa, may NCT fanfic po ako baka gusto nyo basahin. :)

Deal ㅡ (NCT's Mark)
Once Again ㅡ (NCT's Taeyong)
Chase Me ㅡ (NCT din pero hindi ko pa alam kung sino)

Pero ang focus ko po talaga ngayon is yung GAME OVER. Thank you sa magbabasa. ;)

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon