Please read my "My Maid" thank you! :)
--Ilang oras lang din kami natulog saka bumalik ulit kami sa PR. Madaming Rookies ngayon ang malalakas at baka kapag hindi kami mag comeback, matabunan kami.
"Hindi ako nirereplyan ni Jimin..." Binagsak ni Seulgi ang kanyang katawan sa blanket.
"Baka naman busy?" Sabi ni Joy na naka-harap ngayon sa kanyang cellphone.
Bigla kong naalala si Taehyung. Halos isang araw ko ng hindi binubuksan ang phone ko.
"Hindi no! Ngayon i-a-air yung My boss is watching kaya manunuod sila..."
Oh! Right. Tumayo agad ako at kinuha ang remote sa tabi ni Wendy saka binuksan ang TV.
Tumawa si Yeri, "LQ kayo, diba?"
"LQ lang, hindi break!" Seryoso kong sagot saka nag-focus na sa panunuod.
Humanda talaga sa akin yang si Taehyung kapag may nakita akong hindi ka-aya-aya!
Tahimik lang kaming lima habang nanunuod. Tumatawa kapag may nakaka-tawa.
"Sayang talaga! Gusto ko pa naman sumali sa ganyan..." Ani Yeri.
Halatang naiilang si Jungkook. Siguro dahil nandyan si Nayeon? Well, bagay sila. Mukhang gustong gusto sya ni Jungkook.
"Si J-hope mo, o!" Tinuro ni Seulgi si J-hope na ngiting ngiti ngayon sa performance ng Gfriend.
"Pakielam ko sa kabayo na yan? Ngumiti sya dyan mag-damag. Wala akong paki!"
Okay! Wala talaga syang paki pero inis na inis sya...
"Buti naman behave si Jimin. Hihihi!" Kilig na kilig na sabi ni Seulgi.
"Bakit madalas wala si Jimin, Seulgi?" Kunot noong tanong ko. Pwede pala yun?
"Kinakausap ko kasi sya..."
So, pwede nga. Bakit hindi ako kinakausap ni Taehyung?
Natapos ang My boss is watching na hindi naman nakasakit sa mata ko ang mga kilos ni Taehyung.
Well, si Wendy ang inis na inis dahil daw sa pagmumukha ni Hoseok. If I know, nagseselos lang sya kasi react ng react iyong kabayo sa mga girl groups.
Dumating sila Manager sa PR na may dalang pizza. Tuwang tuwa naman kami syempre.
"Joohyun, kailangan nyo pala magsama ni Mino sa isang variety show..." Ani Manager Four.
Mino?
"Mino? As in Song Minho ng Winner?" Gulat na tanong ni Joy.
Tumango si Manager Three, "Yup! And kailangan magmukha kayong close sa isa't-isa,"
Close? Ni hindi ko nga nakakausap ang mga YG, e. May nakapag sabi lang sa akin na may gusto daw sa akin iyong isa sa Big Bang sunbaenim at dalawa sa iKON.
"Kailan daw po?"
Siguro next next week, pagkatapos ng promotion namin ng comeback?
Speaking of comeback... hindi ko pa pala nasasabi may Taehyung. Kasi gusto ko surprise.
"Next week na,"
"H-huh? Paano po yung comeback?" Tanong ko.
"Jusko naman, Irene! Edi pagsabayin!" Tumawa si Manager Four.
"Magpaalam ka na ngayon kay V at baka sa iba pa nya malaman..."
Ganoon nga ang ginawa ko. Lumabas ako ng PR para tawagan si Taehyung...
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanfictionMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!