"Unnie?! Nakaka cancer daw tong brand na to!" Sigaw sa akin ni Yeri habang hawak yung napkin na binili ko. Hindi ko sya pinansin. Ako na nga pinahirapan nila, sila pa may ganang mag reklamo? Aba.
"Diba sabi ko, colgate! Bakit buy one take one na toothbrush tong binili mo, unnie?!" Pumapadyak padyak pa si Seulgi.
Umupo ako sa sala nang naka taas ang paa habang kumakain ng popcorn. "Wala na nga kayong binigay na pera sa akin, magrereklamo pa kayo!? Manahimik nga kayo at nanunuod ako ng OTWOL!"
Nanahimik naman sila. Kainis, e! Mga echusera! Naki nuod nalang din kasama ko si Joy at Wendy habang yung dalawa, e, tinititigan yung binili ko.
"Silent niiiiiiiiight~"
"Ay pusang kinalbo!" Nabato ko pa yung hawak kong popcorn sa gulat.
"Punyeta, feb na may nangangaroling pa din!?" Inis na sabi ni Wendy at sinilip yung bintana.
"Holy niiiiiiight~"
"Paksyet mag tago na tayo!" Natatarantang sabi ni Wendy.
"Eh? Bakit? Sino ba yun?" Tanong ni Joy. Sinilip naming lahat yung bintana at halos mabato ko na sa kanila yung vase na nasa tabi ko.
Si Jimin yung kumakanta. Kasama si Hoseok na sumasayaw at si V na naggigitara, at ang matindi pa, naka puting sutana pa sila at may hawak na kandila! Anong trip ng mga to!?
"All is calm, all is briiiiiiiight~"
Binuksan ko yung pinto. Ngumisi naman agad sa akin si Taehyung kaya inirapan ko sya. "Umalis na kayo bago pa kami mag tawag ng pulis!"
"Bakit ba? Hindi naman ikaw hinaharana ko!" Reklamo ni Jimin.
"Anong harana? Nangangaroling ka po! Tapos na ang pasko, pwede ba!?" Inis na sabi ko. May abnoy!
"Seulbear!" Sigaw pa ni Jimin. Bwisit tong dagul na to, a? Hindi na nahiya sa kapit-bahay.
"Wala sya dito! Umalis na nga kayo, mga takas sa mental!" Akmang isasarado ko na yung gate nang tumakbo si Taehyung at pinigilan ako.
"Babe naman! Pakipot ka masyado, hehe." Nilingon nya sila Hoseok. "Pasok na kayo, paveve lang tong asawa ko, ako ng bahala sa kanya."
"Uy talaga? Salamat sa pagiging paveve, Irene, ah? Muah!" Ngiting ngiting sabi ni Hoseok at pumasok na sila ni Jimin sa loob.
Binatukan ko agad si Taehyung. "Umalis ka na nga dito! Wala kang kwenta!"
"Aray! Teka, naiinitan na ako." Aniya tapos ginalaw nya yung sutanang suot nya.
"Paanong hindi ka maiinitan, e ganyan suot mo! Ano nanaman bang pumasok sa isip nyo!"
Ngumiti sya sa akin. "Sa isip ko? Ikaw ang pumasok. Ewan ko lang dun sa dalawa."
Umirap ako at pumasok na sa loob. Para lang akong kumaka usap ng tao sa mental bwisit alien talaga!
"Tanggapin mo na kasi." Rinig kong sabi ni Jimin. Sapilitan nyang binibigay kay Seulgi yung bulalak at chocolates na dala nya. Luh! Saan galing yan? Parang kanina, kandila lang hawak nya, a? Amazing!
"Ayoko nga! Baka tumaba ako!" Tumaba agad? E isang plastic lang ng choey choco yung binibigay nya at santan na parang pinitas lang sa daan.
"Tss... hindi kasi kinakain yung bulaklak, yung choey choco lang. Wag kang patay gutom!" Nagkamot pa ng batok si gago.
"Pakyu!" Umalis si Seulgi sa sobrang inis kay Jimin.
"Anong problema nun?" Takang tanong ni Jimin.
"Hoy unano! Baka nakakalimutan mo, binreak mo kahapon si Seulgi tapos nakikipag landian pa kayo sa Lovelyz." Sabat ni Wendy.
"Kaya nga kami nandito, e. Para mag sorry sya, wag ka ngang epal." Mataray na sabi ni Hoseok.
"Hala sya! Magsi uwi na nga kayo, baka hinahanap na kayo sa mental, e." Tinulak tulak ko pa si Taehyung.
"Sayang naman effort at idea mo, pre." Malungkot na sabi ni Hoseok.
"Ay putㅡ! Effort daw! Wow ha, effort yan?!" Tinuro turo pa ni Joy yung suot nila.
"Oo kaya! Ninakaw pa to ni Namjoon hyung sa simabahan. Tapos... okay lang yan, pre. Wala ka ng magagawa. Parang height mo, kahit anong gawin mo, hindi ka na tatangkad." Binatukan ko naman si Taehyung sa sinabi nya.
Naguilty naman ako sa mukha ni Jimin kaya pinag stay ko pa sila. Pinapunta ko si Wendy sa kwarto para kausapin si Seulgi na kung pwede, kausapin na nya tong si dagul.
"Irene..."
"Ano?!" Inis na sagot ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong nya.
Umirap ako. "Tumatambling." Sarcastic na sagot ko. Kitang nag aahit ako ng kilay, e. Tapos tatanungin nya kung ano ginagawa ko?!
"Bakit may hawak kang tiyani?" Napa face palm ako. Nag aahit nga ako, bulag ba sya!? Hindi ko nalang sinagot yung tanong nya, wala namang sense!
"Masakit ba yan?" Tanong nya. Papansin talaga!
"Try ko sayo?" Tanong ko. Tumango naman sya.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ko yung ulo nya. Binunot ko yung isang buhok sa kilay nya.
"Aray masakit!" Sigaw nya kaya natawa ako.
"Isa pa!" Excited na sabi ko. Inalis nya yung kamay ko sa ulo nya at yumuko habang namumula. "Luh oa mo po, koya!"
"Bully!" Inis na sambit nya. Pulang pula yung mukha nya! Nilabas ko yung phone ko at pinitsuran sya.
"Ang bully mo, Irene! Tss..."
"Asar ka na nyan?" Inis ko sa kanya. Sinamaan nya ako ng tingin kaya nginitian ko lang sya ng pagka tamis tamis.
"Sakit..." Maluha luha pa yung mata nya. Ang oa naman! Hindi naman masakit mag tiyani ng kilay, a?
"Hala ka, unnie! Mamamatay na si Taehyung!" Asar ni Joy. Tawa lang ako ng tawa sa reaction nya. Ayan, ha! Ang kulit kasi!
Nagulat naman ako nang bumukas yung pinto. Galit na galit si manager three, hala!
"Anong ginagawa nila dito!?"
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanfictionMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!