Labing dalawa

1.1K 67 5
                                        

Hindi ko alam kung bakit kahit super busy at super pagod ako ngayon, e mag uupdate ako. Wala pa kong tulog, tatlong araw na </3

FYI po, may Completed Vrene story po ako. Baka gusto nyo basahin :) "Shhh.. It's a secret"
------------------------

Taehyung's POV

Tumalikod ako sa kanya para maghanap nang drug store. Saan kaya pwede bumili nang salonpas? Baka magtatanong tanong nalang ako.

Napatigil ako sa pag linga nang maramdaman kong may pinipisil pisil sya. Shit.

"Irene..." nilingon ko sya. Nanlaki din ang mata nya at namula ang buong mukha.

Shit. Wag ngayon, kaibigan. Baka hindi kita mapigilan.

Umubo sya at yumuko. "S-sorry!"

Umiling ako at umalis na doon. Baka kung ano pa ang magawa ko. Shit! Ano bang ginagawa nya? Lalaki lang ako syempre, nakakaramdam din!

Hinawakan ko ang puson ko. Sabing wag ngayon, e. Kailangan ko pang maghanap nang drug store! Pumikit ako habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero kailangan kong lumayo muna sa kanya.

Nagtanong ako sa nadaanan kong nagtitinda nang fishball and luckily, malapit na ako.

"Oh," inabot ko sa kanya yung salonpas tsaka tinalikuran.

"A-ano, salamat." Tumango lang ako. "Ah eh, saan ka bumili?" Tanong nya. Siguro para magkaroon kami nang topic at hindi mailang sa isa't isa. Well, it's working.

Humarap ako sa kanya. Kahit papaano ay naibsan ang pagka awkward. "Doon lang sa kabilang kanto. Punta ka muna sa sasakyan at ilagay yan." Syempre, hindi naman ako tanga para payagan sya na dito sa park sya mag lagay.

Tumango sya. "Siguro mamaya nalang."

"Bakit ka ba kasi nadulas?" Tanong ko. Sumimangot naman sya at napa tingin sa akin nang masama. Ano? Bawal na bang mag tanong?

"Kagabi kasi nasa seoul pa ako, bakit nasa Daegu na ako? Tsaka yung phone ko pala!" Ay oo nga pala, pinag palit ko yung phone namin. Okay naman kasi wala syang nirereplyan sa mga natetext sa kanya.

"Palit muna tayo."

"Ayoko nga! Sino ka ba? Ano ba kita?"

"Ako si Kim Taehyung, ang lalaking mahal ni Bae Joohyun." Ngumisi ako.

"Ang kapal din talaga ng mukha mo no, Taehyung?" Ngumiti sya nang sarcastic.

"Ideny pa kasi, totoo naman! Chansing ka pa kanina." Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag ngisi. Tang ina lang!

Namula ang pisngi nya. "H-ha?" Sinamaan nya ako nang tingin. "Dyan ka na nga!" Nag lakad na sya papuntang sasakyan.

Umiling nalang ako at hinayaan sya. Baka maglalagay na nang salonpas, hindi naman ako kasing manyak nya na silipan sya.

Irene's POV

Nakakainis talaga! Bakit pati sa kanya, gumagana ang pagiging butt lover ko!

Pero infairness ha, ang lambot at ang laki. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko next time. Pero syempre, joke lang!

Tinawagan ko si Seulgi gamit ang phone ni Taehyung.

"Hello V?" Si Jimin.

"Irene to." Natahimik ang kabilang linya. Luh? Snob ako ni Jimin pandak? Hindi pwede to! "HOY unano!"

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon