Wakas
"Stop it, Taehyung! Wala nang tayo..." tinulak ko siya.
Gulat siyang napatingin sa akin ngunit hindi umalis sa ibabaw ko. Umigting ang panga niya at nakipagtitigan sa akin.
"Susukuan mo agad ako, Irene?""Kasi wala ng patutunguhan ito, Taehyung. Tanggapin nalang natin na hindi talaga tayo para sa isa't isa."
Umalis siya sa ibabaw ko. Umupo siya sa gilid ng aking kama at umayos na rin ako sa pagkaka-upo.
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Wala!" sigaw ko.
Tinignan niya ako. Kitang kita ko ang sakit sa bawat tingin niya sa akin, "Wala na sa iyo lahat?"
Napalunok ako. Siyempre mahalaga pa rin siya sa akin. Mahalaga pa rin kung anong meron kami ngunit kung ipagpipilitan namin ito ay kami rin ang talo.
"Hindi mo kasi naiintindihan-"
"Fuck! Paano ko maiintindihan kung hindi mo pinapaliwanag?! Dahil ba ito sa WGM, okay, I'll quit. Ano pa?"
"Taehyung-"
"What else, Bae Joohyun!" napapikit ako sa sigaw niya.
Hindi ako nagsalita. Galit siya at galit rin ako, walang patutunguhan itong pag-uusap namin. Kailangan namin parehas magpalamig ng ulo.
"Ang galing mong manakit, Irene..." sabi niya at nagulat ako nang makita kong tumulo ang luha niya.
Si Kim Taehyung, umiiyak dahil sa akin?
"Hindi lang ikaw ang nasaktan, Taehyung,"
Natapos ang pag-uusap namin. Natanggap na niya at natanggap ko na rin ang nangyari sa amin. Nagpatuloy ang WGM nila, mataas ang ratings na nakukuha nila.
Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako nagseselos. Selos na selos ako pero wala na akong karapatan at kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng karapatan.
3 years later...
"Red Velvet! Red Velvet!" malalakas na sigaw ang naririnig namin habang inaayos ang mananalo sa Daesang.
Hindi kami nageexpect kahit na dumami ang fans namin. Lalaki naman ang madalas manalo sa mga ganitong award at kalaban pa namin ang BTS.
"And the Daesang award goes to..."
Pinakita kami sa white screen kaya nagtilian ang pinaghalong fanboys and fangirls.
"RED VELVET!"
Fuckshit. Nabulunan ako ng sarili kong laway sa narinig. Hindi ko alam kung tatayo ba ako o ano sa sobrang gulat.
Tuwang tuwa ang sila Joy at hinila ako ni Wendy. Nagbow sa amin ang mga artist na nadadaanan namin.
Nagspeech ako. Umiyak sina Joy sa gilid ko. Nagcheer ang ilang members ng BTS sa amin. Medyo nabulol pa ako sa mga sinabi ko.
"Celebrate! Libre niyo..." iyon agad ang bungad ng Twice at BTS sa amin sa backstage.
Ngumiti si Seulgi, "Tara sa dorm..."
Madaling araw na kami nakarating ng dorm. Bumili sila ng beer at kung anu-ano pang putan. Nagluto si Jin at Namjoon ng ramen sa kusina.
"Ramen ang gagawin niyo, ha? Hindi ano..." ngumisi si Dahyun sa kaniyang biro.
"Utak mo, madumi!"
Nasa gilid lang ako, tahimik na lumalagok sa beer. Si Jungkook at Yeri ay naguusap sa gilid at si Wendy at J-hope ay nag-aasaran pa rin.
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanfictionMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!