Labing tatlo

1K 54 1
                                    

"Pabalik na tayo ng seoul bukas." Napa tingin ako sa kanya at napa isip. Okay na din palang nag chill kami kahit isang araw lang.

"Buti naman naisip mo nang umuwi tayo. Sakit ka sa ulo, dami dami 'ko pang kailangang gawin." Ngumisi naman sya.

"Ulo?" Pilyong tanong nya.

"Oo!" Agarang sagot 'ko. Tumawa sya habang naka tingala. Umiling lang ako, sarap sapakin.

"Okay," napa kagat labi sya. Mukha syang manyak, seriously.

"Ano bang meron sa ulo?" Kunut noo 'kong tanong. Nilingon nya ako habang nag mamaneho.

"Wala! Ulo. Masakit ulo mo." Explain nya tapos tumawa uli.

Napa simangot nalang ako at tumingin sa bintana. Ano na nga ba kami? Kami pa rin ba? Parang nakaka pagod na 'tong ganitong set-up.

"Taehyung, ano 'tong relationship natin?" Tanong 'ko.

Hindi agad sya naka sagot kaya napa tingin ako sa kanya. Seryoso na syang naka tingin ngayon sa kalsada at pansin 'ko din ang mahigpit nyang pagkakahawak sa manibela dahil bumakat yung mga ugat sa kamay nya.

"Irene, alam mo namang-"

Ngumiti ako. "Alam 'ko namang mas mahalaga image mo? Oo, pero sana tinigilan mo na talaga ako."

Lumingon sa saglit sa akin. "Umaasa ka ba?"

Yumuko ako at pinag laruan ang mga daliri 'ko. "Hindi naman maiiwasan 'yun, e."

"Paano pigilan?" Ngumisi ako sa tanong nya. That's it, Irene! Hindi mo na kailangan pang umasa. Bored lang sya kaya hindi ka nya maiwan-iwan. Hindi din naman biro ang 6 months na relationship tapos 1 year na magkakilala kami.

Tumingin ako sa kanya. "Tigilan mo na ako."

He looked away tapos lumunok. "Yan ba talaga ang gusto mo?"

Tumawa ako. "Mahalaga pa ba kung ano ang gusto 'ko? Really Taehyung? Parang buong 6 months, ikaw lang nasunod."

"It's for your own good."

"Goodness, Taehyung! Alam 'ko kung ano ang makakabuti sa akin." Nakaka irita! Sawang sawa na ako sa line nyang 'yan! Excuses. Lame excuses.

"Believe me, Irene. Mas alam 'ko!"

"Bullshit!" Napa sapo ako sa noo 'ko. Hindi 'ko alam kung anong pinag gagagawa 'ko sa sarili 'ko para hayaan syang wasakin ako ng paulit-ulit.

"Baby, trust me." Tinigil nya yung sasakyan sa gilid ng high-way para lang maka pag usap kami ng matino.

"Trust you?" Tumawa ako. "Ilang beses na nga ba kitang pinagka tiwalaan, Taehyung? Napapagod din ako..."

"Just wait for me, okay? Ako nang bahala sa lahat, antayin mo lang ako." Nagka tinginan kami. Mata sa mata. Ano? Mahuhulog nanaman ako sa ganito nya?

Pumikit ako. "Hanggang kailan pa?"

"I don't know? Just trust me. Ako nang bahala sa lahat."

And for the first time, umiyak ako sa harap nya. Gusto 'kong sampalin 'yung mukha 'ko sa katangahan. Madaya talaga ang pag-ibig, pasasayahin ka tapos sasaktan ka din pag tapos.

"Fuck!" Biglang mura nya tapos hinampas 'yung manibela. "Don't cry..." pinunasan nya lahat ng luhang pumapatak galing sa mata 'ko.

"Hindi 'ko kaya, Taehyung."

Life Behind the CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon