"Bakit hindi mo sinabi na magka-comeback pala kayo?" Pagdating ko sa dorm namin ay sya agad ang sumalubong sa akin. Tamad ko syang tinignan.
Siguro kung nasa mood ako ay baka niloko ko pa sya pero nakakawalang gana na kasi.
"Surprise?" Hilaw akong ngumisi saka umakyat sa kwarto namin ni Yeri. Lumabas naman si Yeri nang makitang magkasama kami ni Taehyung. Bumuntong hininga ako. Gusto ko sanang mapag-isa muna.
"Ano bang problema mo? Galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong masama? Mali? Ano!" Tumabi sya sa akin sa kama.
"Wala. Magpapahinga na muna ako, Taehyung,"
"Sagutin mo muna mga tanong ko." Pinanuod nya ako nang mahiga ako, "Nagsasawa ka na ba?"
"Hindi. Bukas nalang tayo mag-usap dahil pagod ako..."
Matagal sya bago sumagot. Halos makatulog na nga ako sa sobrang tahimik.
"Please, pag-usapan naman natin to. Ayokong lumilipas ang gabi nang hindi tayo nagkakaayos..."
Dumilat ako, "Maayos naman tayo, a? Kaya sige na, umuwi ka na at matutulog na ako."
Malutong syang nagmura, "Bae Joohyun!"
Inis na bumangon ako, "Bakit hindi mo sinabi sa akin yung We Got Married mo?"
Nalaglag ang kanyang panga at sya naman ngayon ang nanahimik. Kaya ayoko sanang mag-usap kami ngayon dahil pagod ako at galit pa ako, baka kung ano ang masabi ko.
"Kasi ginagawan ko pa ng paraan para tanggihan yun. Ayokong makasal sa iba, Irene. Gusto ko sa'yo lang kaya magtiwala ka sa akin..."
Naguilty naman ako. Kahit naman hindi totoong kasal yun, masakit pa din para sa akin. Mukhang sincere din naman sya sa sinabi nya kaya mabilis ko syang niyakap.
"Talaga?"
"Oo. Sa'yo lang ako ikakasal..." Inamoy amoy nya ang aking leeg.
Humiwalay ako saka pinalo sya sa braso, "May tiwala ako sa'yo, Taehyung. Huwag mo akong biguin,"
"Yes, Ma'am!" Tumawa sya pero agad ding napawi nang may maalala sya, "Panuod ako ng Music Video..."
"Abangan mo nalang bukas sa TV," Tumawa ako. Kinuha naman nya ang laptop sa gilid saka dumapa sa kama at pinlay iyon.
Hiyang hiya ako dahil pagpinapakita ako ay tuwang tuwa sya. Hindi ko alam kung totoo ba o sarcastic sya.
"Sipsip!" Binatukan ko sya.
"Aray! Kapag hindi mo pinansin, nagagalit. Kapag pinuri mo, nagagalit pa din. Girls..." Umiling sya. Piningot ko naman ang tenga nya dahil sa sinabi nya. So, sarcastic nga lang lahat yun?
"Alien ka talaga, bwisit!"
Tumawa sya saka ngumuso. "Kiss mo ko! Tagal mo na akong hindi hinahalikan..."
"Hoy, Kim Taehyung tigilan mo ko sa kakanguso mo, a! Ingudngud kita dyan sa pader, makita mo!"
Tumawa sya. Humiga sya saka pumikit habang nakangisi pa din kaya pinalo ko na. Mamaya kung ano pala iniimagine nya.
"Ano nanaman?" Bumangon sya.
"Umuwi ka na, maaga pa ako bukas!"
"Saan ka nanaman pupunta?" Kunot noo nyang tanong. "May kikitain ka bang ibang lalaki bukas, ha?"
"Ang praning mo! May shoot kami ni Mino bukas..."
Nag-iwas sya ng tingin. May binulong-bulong pa sya na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung nagmumura na sya o ano.
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanfictionMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!
