Irene's POV
"Irin! Nasa baba si Taehyung." Nagising ako sa isang sigaw.
"Sige, Ma! Paki sabi, wait lang kamo" Sigaw ko din pabalik. Ang sakit nang ulo ko...
Nanlaki ang mata ko nang marealize ko ang lahat. Bakit narinig ko si Mommy?! Bakit nasa baba si Taehyung!? Bakit wala ako sa dorm!? Halaaaa!
Nananaginip ba ako? Tumayo ako at hindi na tinignan ang sarili sa salamin. Sumilip ako sa baba at ngisi ni Taehyung ang una kong nakita. Shit! Totoo nga!
Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at dahil ang malas ko, nadulas pa ako! Shocks!
"Hoy, ano ba yan!" Rinig kong sigaw ni Mommy. Shit ang sakit nang pwet ko!
Mabilis akong naligo at nag ayos nang sarili. Ano bang ginagawa mo sa buhay, ha, Irin?! Bwisit talaga!
Hinanap ko ang phone ko sa mga gamit ko pero wala. Tangeng phone lang ni Taehyung ang nandoon, wag mo sabihing nakipag palit sya!?
Bumaba ako na magkasalubong ang kilay ko. Hindi manlang ako inform sa lahat nang nangyayare ngayon!
"My phone?!" Inabot ko sa kanya yung phone nya pero tinignan nya lang eto saka ngumisi sa akin.
"Goodmorning, my Bae!" Tumayo sya at hinawakan nya ang kamay ko.
"Hoy, ano ba?" Bakit ba nandito to ngayon? Bakit nasa Daegu kami? Ang alam ko lang magkasama sila ni Sujeong, a?
"Tita, alis na po kami." Paalam nya tsaka ako hinila palabas.
"Sige, ingat kayo." Sagot naman ni Mama.
"Taehyung!" Sigaw ko pero hindi nya ako pinansin. Binuksan nya yung pinto at pinapasok ako.
"Pasok na," tinulak nya ako.
"Ayaw!" Pwersahang tinulak nya ako papasok kaya wala na akong nagawa. Napangiwi ako sa sakit nang pwet ko!
"Aray...." nakangiwi lang ako habang sapo ko ang pwet ko. Ang sakit! Parang nadulas uli ako.
"Oh? Anong inaarte arte mo dyan? Hindi namam malakas, e." Instart nya yung sasakyan. Tinignan ko lang sya nang masama habang namimilipit ako sa sakit.
Kunting galaw ko lang kumikirot na yung pwet ko. Pati ata likod ko, napuruhan kanina. Kainis naman kasi! Nang gugulat.
"Masakit ba talaga?" Tanong nya. Sinusulyapan nya ako nang tingin.
"Obvious ba?" Mataray na sabi ko. Hindi naman ako magaling umarte! Tsaka anong mapapala ko kung hindi naman talaga masakit yung pwet ko?!
"Patingin nga," ngumisi sya sa akin kaya kinurot ko sya sa tagiliran. "Aray! Joke lang naman." Iritang sabi nya.
"Bwisit kasi! Bakit ba tayo nandito? Maccomeback pa kami, baka nakalimutan mo!"
"Kami din naman, e." Kanina pa hindi nawawala ang ngisi sa labi nya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya, naglalaro din ang mga mata nya na para bang tuwang tuwa sya sa nangyayare.
"Bakit ba tayo nandito? Bakit ikaw kasama ko? Nasan si Wendy?"
"Gusto mo ipaalala ko sayo ang mga nangyare kagabi?" Hinampas ko sya. "Aray... kanina ka pa, a. Hahalikan na kita."
"Seryoso kasi!"
"Seryoso naman yun. Hinalikan mo pa nga ako kagabi tapos gusto mo pang hubaran ako-" sinabunutan ko sya.
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
Fiksi PenggemarMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!