sugatopps! Thankyou sa book cover! <3
Irene's POV
Inabutan ako 'nang kape ni Bugom. Nasa dressing room namin sya, tulog sila Seulgi tapos heto kami ni Bugom, nagpapractice for our script.
"Oh, tapos? Hindi ka naman hinarm ng mga fans nila?" tanong nya. Naikwento 'ko kasi ang lahat sa kanya, kaibigan din naman sya ni Taehyung.
"Hindi naman," napangiwi ako sa iniimagine 'ko. Nakita 'ko kasi kung gaano umiyak si Taeyeon unnie dahil sa ginawa ng mga fans. Baka ganun din mang yari sa akin kapag nalaman nila na dating kami ni Taehyung.
Tumawa si Bugom, "Takot ka 'no?" nag taas baba pa ang kanyang kilay.
Napa simangot ako. "Sino ba namang hindi. Alam mo naman kung paano manakit ang mga fans," tanggap kaya ako ng mga army? Almost 5 years din kasi ang tanda 'ko kay Taehyung.
"Hindi ka naman siguro hahayaan ni Taehyung masaktan." alam 'ko naman, kaya medyo panatag din ako.
Nag start na ang Music Bank kaya nag start na din kami ni Bugom. Mahirap maging MC sa simula lalo na't mahiyain ako.
"Nabulol ka nanaman," natatawang sabi ni Bugom 'nang matapos kami sa opening. Napa simangot lang ako, lagi nya akong inaasar sa pagiging bulol 'ko, e.
Napa ngiti ako 'nang inabot ng staff 'yung phone namin. May text si Taehyung!
Unggoy <3:
It's okay, Bae. Fighting! <3
"Yiee! Pinapanuod sya," napa tingin ako kay Bugom na naka dungaw din sa phone 'ko. Chusera!
"Inggit ka? Ligawan mo si Hyeri." ang sweet kaya nila panuorin.
Napa sandal naman sya sa upuan nya. "Baby sister 'ko lang 'yun," chusera talaga 'tong Bugom na'to! Baby sister? Tapos kung maka tingin akala mo kakainin na nya?
Umirap ako. "Arte mo po,"
Sumyenyans naman sa amin 'yung mga staffs na puntahan na namin 'yung dressing room ng BTS para sa interview. Kinakabahan na ako.
"Kinikilig na si Noona," ngiting ngiting sabi nya.
"Stop calling me Noona! Bata pa ako." hinampas 'ko sya ng cue card.
"Gising uy! 25 ka na po." hindi 'ko na sya pinansin. Kainis, e. Baby face naman ako!
Pinag buksan kami ni Jungkook ng pinto. "Taehyung hyung, may dalaw ka!" sigaw nya.
Napa tingin naman sa amin si Taehyung na inaayusan ng buhok. Ngumiti sya ng pagka lawak lawak.
Tumayo sya at nilapitan kami. "Nagpadala ako ng pagkain sa dressing room nyo, natanggap mo?" tanong nya.
Napa kunot noo ako. "Wala, anong oras ka nagpadala?"
"Nakita mo 'yung kinakain ni Joy kanina?" tanong naman ni Bugom. Panira naman 'to! Kitang iba pinag uusapan namin, e. Anong paki 'ko sa kinakain ni Joy! Eh lagi namang kumakain 'yun.
"Eh ano?" mataray na sagot 'ko.
"'Yun 'yung pinadala ni Taehyung. Nasa cr ka kasi kanina," pagka tapos nya sabihin 'yun ay tinalikuran nya kami para batiin sila Yoongi.
"Huh?" takang tanong 'ko. Alam 'kong matakaw si Joy, pero bigay 'yun ni Taehyung!
Tumawa naman si Taehyung. "Hayaan mo na, papadala nalang ako uli sa Inkigayo,"
Nag pout ako. "Hindi mo naman kasi tinext, e."
Kinurot nya ilong 'ko, "Nagtext po ako. Busy lang talaga ang baby 'ko kaya hindi nya siguro nabasa,"
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
Fiksi PenggemarMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!