Taehyung's POV
"Hindi nanaman ata pupunta sila Irene." Napa angat ako ng tingin kay Jungkook at Jimin habang nag sasapatos.
"Ang nega mo, dude!" Nilabas ni Jimin ang phone nya at may binasa, "Ayon sa babe 'ko, pumayag na daw si Irene." Inabot nya kay Jungkook ang phone nya para ipa basa, inagaw 'ko naman 'yun para makita 'yung text.
Pupunta nga sila. Binalik 'ko agad kay Jimin pagka tapos 'ko mabasa, nag kibit balikat naman sila at nagpa tuloy sa kwentuhan. Hindi 'ko mapigilang hindi ngumisi. Pupunta sya!
"10 minutes warm-up!" Tumayo naman ako at nagjog at nagsimulang mag warm-up. Ginanahan tuloy ako.
Lalong lumawak ang ngiti 'ko 'nang makita 'kong papasok na sila. Tumingin agad sya kay Jungkook at nagpalitan sila ng ngiti. Pinigilan 'ko ang sarili 'kong puntahan sya.
"V!" Napa tingin ako kay Sujeong at ngumiti.
"Uy, cheer mo ako, ha?" Sabi 'ko. Nagulat sya sa sinabi 'ko. Usually kasi, sinusungitan or ini-snob 'ko sya pero dahil ata good mood ako kaya ayun ang nasabi 'ko.
Ngumiti sya at inabutan nya ako ng tubig. "Oo naman! Ikaw pa!"
Ininom 'ko 'yun at napa tingin kay Irene. Halos ibuga 'ko ang ininom 'kong tubig ng makitang hinawakan ni Jungkook 'yung ulo nya at nag ngitian sila.
Nandilim ang paningin 'ko. Hiniwalayan 'ko sya hindi para ibigay sa ibang lalaki, it's for her own good! Para sa kanya 'yun.
Damn! Get a life, Jungkook! Alam mo ang dahilan kung bakit tapos ikaw pa 'tong pupurma sa kanya?!
Bulakbol akong nag laro. Wala akong pakielam kung matalo o manalo kami. Para san pa? Hindi din naman nya ako babatiin!
"For you, Irene! Wag kang lilingon, kasi ikaw lang naman." Tinignan 'ko si Jungkook, fvck yourself, dude! This is driving me up the wall!
"Ano ba, V? Ikaw ang captain tapos ikaw pa 'tong ganto mag laro ngayon?" Sermon sa akin 'nung mag time out. I don't fvcking care!
"Dude, ayusin mo." Tinapik ni Jin hyung 'yung balikat 'ko. Napa tingin ako kay Jungkook, gustong gusto 'ko ng basagin ang mukha nya! Kaya 'nung nasiko 'ko sya kanina, gusto 'ko pang dagdagan.
Natalo kami. Okay lang, lagi naman akong talo, e. Damnshit! Umalis na ako sa gym 'nung lumapit sila Irene. Kung malayo palang naiinis na ako, paano pa pag sa harap 'ko na sila naglandian? Baka mabasag 'ko na talaga ng tuluyan ang mukha ni Jungkook.
Nilabas 'ko ang phone 'ko at tinext sya. Nag bago ako ng number pero memorize 'ko parin ang number nya.
Ako:
Cheer me, next time.
Gusto 'ko ako lang! Hindi ang team 'ko, kundi ako! Si Kim Taehyung! Walang Jungkook, walang BTS, walang iba, ako lang!
"O? Ang aga mo? Kamusta game?" Nag kakape si manager two sa sala habang nanunuod.
"Talo kami," nilapag 'ko ang bag 'ko. Umupo ako sa couch at tumingala.
"Bakit?" Tanong ni manager one. Umiling ako at pumikit. "Anyway, nagpunta ba dun ang Red velvet?" Tumango ako. Ayoko magsalita.
"So how was it? Nagka usap ba kayo? Baka naman nakipag balikan ka?!" Dinilat 'ko ang mata 'ko at sinamaan silang dalawa ng tingin.
"Tingin nyo, makikipag balikan ako?" Sarcastic 'kong sagot at umiling. Alam naman nila tapos nag tanong pa!
"Sorry, Taehyung. Utos ni CEO, e." Umiiling na sabi ni manager one.
"Para naman sainyo 'to." Nag taas ako ng kilay kay manager two.
"Sa akin?" Sarcastic na tanong 'ko at umiling. "Para sa kanya 'to!" Madiin na sabi 'ko. Kung sa akin lang, hinding hindi 'ko 'yun gagawin! Pero damay sya dito!
Naputol ang titigan naming tatlo 'nang bumukas ang pinto at pumasok sila Namjoon hyung.
"Bigla kang umalis, hindi ka manlang nagsabi." Ani Jimin at tumabi sa akin.
"Busy ka kasi," ang landi mo!
"Managers! Next week na 'yung vacation namin." Paalam ni Yoongi hyung.
Prenteng tinaas ni manager two ang paa nya habang nag kakape padin. "One month, walang sakit ng ulo!"
Next week na pala. Sasama pa din kaya sya?
Irene's POV
"Unnie! Napag usapan na natin 'to, bawal mag back-out!" Umiirap na sabi ni Yeri sa akin. Bukas na kasi ang vacation namin, parang ayokong sumama.
"Nandun naman kayo, kaya nyo na 'yan!" Sabi 'ko. Tumayo si Wendy kaya napa tingin kami sa kanya.
"Alam mo, unnie? Naiinis na ako sayo. Nadadamay mo kami sa pagiging affected mo kay Taehyung!" Inis na sabi nya.
"Bakit ba? Hindi nyo naman ako yaya! Hindi nyo din ako nanay, bakit kailangan pa ako?" Tapos ako lalabas na mali? E sa ayaw 'ko nga!
"Really? Hindi ganto ang Irene na kilala 'ko!" Nag walk-out sya. Napa tingin ako jay Seulgi na tumayo.
"Sorry, tama si Wendy." Sabi nya at nag walk-out din. Walang sabi sabi namang umalis si Joy.
"Unnie, bitter ka ba?" Tanong ni Yeri.
"I'm not!"
"You're acting like one." Mahinahong sabi nya.
"Okay, then! Oo na, sasama na." Pumasok na din ako ng kwarto. Hindi nga talaga tama na dinadamay 'ko sila sa pagbbreak namin ni Taehyung.
Nagprepare na ako ng gamit. Pati sarili 'ko, hinanda 'ko na din.
Kinabukasan, hindi padin ako pinapansin ni Wendy. Nag handa na ako ng baon namin habang naliligo sila.
"Unnie! Patawag naman si Jimin, patanong kung nasan na?" Sigaw ni Seulgi na nasa banyo.
Kinuha 'ko ang phone nya at tinawagan si Jimin. Naka tatlong ring lang at may sumagot na."Chim chim! Nasan na kayo?" Bungad 'ko. Wala namang sumagot kaya ni-double check 'ko kung nasagot ba, pero on call naman.
"Unnie, ano daw?" Tanong ni Yeri.
"Hindi nga sumasagot, e." Nilapit 'ko uli 'yung phone sa tainga 'ko. "Hello? Jimin?"
"Erm, hello? Na-naliligo palang sila," napa kunot ang noo 'ko. Hindi 'to si Jimin. Malalim ang boses neto, nanlaki agad ang mata 'ko 'nang marealize 'ko kung sino sya.
"Ah o-okay. Patext naman ano, hm, patext kami pag aalis na kayo." Putol putol na sabi 'ko. Bakit kasi sya pa ang naka sagot?! Pwede namang si Jin, Namjoon, Yoongi, Hoseok, Jungkook at Jimin! Bakit sya pa?!
Akmang papatayin 'ko na ang tawag 'nang magsalita sya. "Sasama ka?"
"Yup. Bakit naman hindi?" Napa kagat ako ng labi.
"Okay. Ingat kayo." Napa pikit ako at napa hinga ng malalim nung narinig 'kong namatay na ang tawag. Awkward!
Napa hawak ako sa dibdib 'ko. Parang aalis na ang puso 'ko sa sobrang lakas ng tibok neto.
"Anong sabi?" Naka tapis si Seulgi habang may hinahalungkat sa phone nya. Gusto 'ko sya murahin, bakit kasi hindi si Yeri ang pina tawag nya!
"Naliligo palang," sagot 'ko. Tumango naman sya at pumunta na sa kwarto para mag bihis.
Ala una palang ng madaling araw nasa tapat na ng dorm namin ang van nila.
"Wala na ba tayong naka limutan? Toothbrush nyo? Towel? Underwear? Charger? Phone?" Paalala 'ko habang nilolock ang pinto.
"Okay na!"
Pag pasok namin sa van, biglang sumigaw si Yoongi. "Swag, check!"
Napa iling ako. Pumwesto ako sa bintana, katabi ni Jungkook.
"Okay na?" Tanong ni Jin. Sya ang driver namin, nasa kabila naman si Namjoon, kumakanta.
"Taehyung, tanggalin mo 'yang earphone mo! KJ!" Sigaw ni Hoseok. Napa tingin ako sa likod, at nahampas 'ko ang braso ni Jungkook. Gusto 'ko syang murahin ng walang dahilan, nasa likod 'ko lang pala si Taehyung!
"Uy ano ba? Bakit?" Iritang tanong ni Jungkook habang hawak 'yung braso.
Tinanggal nya ang earphone nya at bumaba ang tingin sa akin. Inirapan nya ako saka tumingin sya sa bintana. Jerk!
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanfictionMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!