Nanahimik sya sa sinabi ko, para bang alam na nya na yun ang decisyon ko once na malaman ko ang about sa WGM.
"I understand..." mahinang sabi ko. He cleared his throat and tried to reach my right hand.
Pinaglaruan nya ang mga daliri ko hanggang sa maramdaman ko ang isang malamig na bagay na gawa sa metal.
Ngumisi sya, "Kanina ko pa sana ibibigay to kaso nawala kayo ni Jimin e..."
"Taehyung, ayoko na!"
"I know... ikaw na ang bahala kung susuotin mo yan o hindi," binitawan nya ang kamay ko at iniwan ang isang silver ring na kaparehas ng suot nya.
Parang gusto kong bawiin ang decisyon ko dahil lang sa ginagawa nya sa akin ngayon. Tinignan ko sya at nagulat ako nang dampihan nya ng halik ang aking labi.
"Last..." kinagat nya ang labi nya saka ngumiti sa akin. Namumula ang kanyang mata at tenga. Malakas syang bumuntong hininga at sumighot bago tumayo. Hinila nya din ako para mayakap.
"Basta huwag sa BTS..." bulong nya sa aking tenga. Nanghihina ngayon ang braso nya pero pinipilit nya pa din akong yakapin ng mahigpit.
Pwede ko syang palitan pero huwag sa BTS? Bakit? Kasi matatapakan ang pride nya?
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. Namumula na din pati ang ilong nya pero kahit isang tulo ng luha ay wala akong nakita.
"Sige na, pumasok ka na sa loob... baka hindi ako makatiis." Pilit syang ngumisi at tinulak ako papasok sa loob.
"Hindi makatiis saan?" Inosenteng tanong ko.
Kinagat nya ang labi nya saka hinawakan ang baba ko para iangat. Nginuso nya ang labi ko.
"Baka mahalikan kita at this time, hindi na kita pakawalan..."
Buong gabi, hindi ako nakatulog. Iniisip ko kung tama ba mga decisyon ko at ang nakakapagtaka ay bakit ang bilis pumayag ni Taehyung, samantalang dati ay todo pigil sya.
Kinabukasan ay naabutan kong nanunuod ng TV sila Wendy. Wala nanaman si Seulgi at alam na naming lahat kung saan sya nagpunta.
"Unnie dali!" Hinila ako pababa ni Yeri habang kumakain sya ng cereal.
Kunot noo akong umupo sa tabi ni Joy. Para akong zombie na nakalutang ngayon sa ere, nanginginig pa ang buong katawan ko.
"Comeback ng BTS!"
Nagising ang diwa ko nang magsimula ang music video. Sigaw ng sigaw sila Wendy tuwing may magandang scene.
Nung part na ni Taehyung ay parang gusto kong hilingin na maging kumot nalang. Ang hot nya! Balikan ko kaya? Pero syempre, joke lang yun...
"Ang pogi ni Jimin!" Umiiling na sabi ni Wendy.
Parang si Jimin nga ang nag-shine sa comeback na to para sa akin. Dumapo ang tingin ko sa daliri ni Taehyung, nakita ko doon ang singsing na katulad nang bigay nya sa akin. Hinawakan ko ang singsing na nasa akin, hindi naman siguro masamang suotin kahit hindi na kami, diba?
"Lakas ng dating ni Taehyung!"
"Hindi kaya nanghihinayang yung isa dyan?" Pagpaparinig ni Yeri.
"Ah ganun? Gusto mo sagutin ko si Jungkook para ikaw yung manghinayang?" Biro ko sa kanya.
Nanlaki ang mata nya at umiwas ng tingin, "Bakit naman ako manghihinayang? Hindi ko naman trip yung ilong na yun..."
Ngumisi nalang ako at umiling. Nang mga hapon ay biglang dumating si Jungkook, Jimin at J-hope. Hindi manlang nagpaalam na pupunta kaya agad na naligo kami at nagbihis.
"Dito nalang kaya kayo tumira, ano?" Sarcastic na sabi ko saka nagpatuyo ng buhok malapit sa electric fan.
"May sasabihin kasi ako, noona..." seryosong sabi ni Jimin.
"Luh? Ano yun?"
Tumayo ako. Mainit sa labas kung doon kami maguusap kaya sa kwarto ko nalang sya pinunta. Umupo agad sya sa kama.
"Nae pi ttam nunmul, nae chagaun sumeul da gajyeoga ga~" ginaya ko pa ang sayaw nila kaya tawa sya ng tawa. Yung tawa pa man din nya, parang ipit kaya tawa din ako ng tawa.
"Seryoso na kasi, Jimin! Ano nga yun?"
"Teka!" Sinampal nya ang sarili para mapigilan sa pagtawa. "Anong nangyari sa inyo ni Taehyung kagabi?"
"Wala... bakit?"
Kumunot ang noo nya, "Wala? E bakit umiiyak yun kagabi?"
"Umiyak sya?" Gulat na tanong ko.
Tumango sya, "Pulang pula nga mata at ilong pagkagising e... lagot ka!"
Sasagot pa lang sana ako sa sinabi nya nang may malakas na kumatok sa pintuan ng kwarto. Tumayo ako at binuksan.
Hinihingal sya at matalim ang titig sa amin ni Jimin. Kinwelyuhan nya si Jimin at hinila patayo.
"Ano? Ikaw din?" Inis na sabi nya gamit ang malalim nyang boses.
Tumawa si Jimin, "Loyal ako kay Seulgi, pre..."
"Taehyung, bitiwan mo nga si Jimin! Kitang nag-uusap kami e..." hinawakan ko ang tenga nya para pingutin.
"Aw!" Pinikit nya ang isang mata habang iniinda ang sakit.
"Sige na, Jimin. Maguusap lang kami netong ex-boyfriend ko..."
Natawa si Jimin pero umalis din. Binitawan ko ang tenga ni Taehyung at pinaupo sya sa kama.
"Kala ko ba break na tayo? Bakit nangingielam ka pa?" Namaywang ako sa harapan nya.
"Sabi ko diba huwag sa BTS!" Inirapan nya ako habang hinahaplos ang tenga. Dumako ang tingin nya sa kanang kamay ko at sumilay ang isang ngisi kaya nahihiyang tinago ko iyon sa likod ko.
"Umalis ka na dito! Tapos na tayo!"
Imbes na umalis sya ay prenteng humiga sya sa kama. Ginawa nyang unan ang dalawang braso at tinitigan ako habang kagat ang labi.
"Paano tayo matatapos kung pinapakilig mo ako?" Pilyong sabi nya.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Kunot noong tanong ko. Hindi nya ako sinagot, nginuso nya lang ang kamay kong nakatago sa aking likod.
Umupo sya ng maayos at hinila ako pahiga kaya nakapatong ako sa kanya. Tumili ako pero lalo nya pang hinigpitan ang yakap habang tinititigan ako.
"I love you, Irene... hindi na kita papakawalan..." sabi nya saka sinunggaban ako ng isang mainit na halik.
------
Nagdadalawang isip ako kung lalagyan ko ng BS next chapter haha pero if ever lagyan ko, baka iprivate ko nalang sya. :D
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanfictionMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!
