Vote and Comment! Nabeastmode ako sa "Moments" na napanuod ko sa Youtube kaya nag UD ako para kahit papaano ay makumbinsi ko ang sarili ko na mas real ang Bangtan Velvet HAHA!
--"Unnieeeeee!" Isa-isa nila akong nilapitan. Napa-tawa ako ng makita kong paiyak na si Yeri.
"Sorry! Di kami nag-iisip..." si Wendy ang nag-salita sabay yakap sa akin.
"Every friendship needs arguments, just to see how stable it really is."
"Di naman sana aabot sa ganito kung nag tiwala kami sa'yo..." si Seulgi naman ang yumakap sa akin.
"It's okay!"
Naayos na namin ang away bago pumunta ng Idol Star Athletics Championship.
Hindi na kasi kami nakapag usap kahapon dahil nung umalis sila Taehyung, pinagpahinga na muna nila ako.
"Uy bestfriend nyo!" Kantyaw ko sa kanila nang makita namin ang Twice.
Umirap si Joy, "Mga walang hiyang plastic! May gusto pala si Dahyun kay Taehyung!"
Nagulat naman si Yeri. "Ah talaga? Paano mo nalaman?"
"Hello? May bibig si Dahyun, may tenga ako."
"Hindi naman sya gusto ni Taehyung kaya shut up nalang sya..." Sabi ko.
"Tss! Nayeon..."
Napa-lingon kaming apat kay Yeri ng banggitin nya ang pangalan ni Nayeon. Inis na inis pa sya na akala mo may ginawang masama sa kanya yung tao.
"Oh? Ano meron kay Nayeon?" Tanong ni Seulgi.
"Type ni Jungkook!" Umirap sya.
Ilang minuto kaming natahimik. Type nya? Talaga? Baka pang front lang?
"Bilis mag move-on, ha!" Si Joy ang bumasag ng katahimikan.
"Tinalo si TS!" Humagalpak na sa tawa si Seulgi.
"Pero ang tanong, Yeri..." napa tingin silang apat sa akin, "Bakit ka naiinis?" Ngumisi ako.
Ngumisi din si Joy saka binalingan ng tingin si Yeri na pulang pula na ngayon.
"H-hoy! Mas lalaki pa ako kay Jungkook, no!" Pero hindi namin sya tinantanan kaya naman sinamaan nya kami ng tingin.
Team Red kami tapos ang BTS naman ay Team Blue, at kung mang inis nga naman ang staffs, ka-team nila ang Twice!
Nauna ang Men's Wrestling. Syempre kasama ang BTS. Hindi nga lang kami makapag cheer kasi ang daming fans na nakapalibot sa amin.
Halos mapatayo ako nang mapatumba agad ni Taehyung si Eunkwang. Tawa naman ng tawa si Joy.
Ngayon si Jungkook na. Napatumba nya din si Changsub.
Ang pogi ni Jungkook!
Naglaban sa huli ang VIXX at BTS. Pinalo ako ni Yeri sa braso ng manalo ang VIXX dahil natumba si Taehyung at Jin.
Sumunod naman ang Women's Wrestling. Kasama ang Twice.
Well, magaling sila, natalo nila ang APink sunbaenim.
Nakita ko pa kung paano tumayo si Jungkook nang mapatumba ni Nayeon si Hayoung.
"Hindi ko alam kung sinusuportahan ni Jungkook ang Twice dahil ka-team nila or talaga may gusto na sya kay Nayeon?" Nakapa lumbabang sabi ni Seulgi habang naka tingin sa masayang masayang si Jungkook.
"Told yah, guys! May gusto nga kasi sya... sinabi na nya sa akin dati."
"Dati? As in nung may gusto na sya kay Unnie?" Tanong ni Wendy.
Tumango naman si Yeri. "Hindi naman kasi nya gusto si Unnie!"
"Ha? Ang gulo ni Ilong, ha! Ano lang pala?" Kunot noong tanong ni Joy.
Tinignan naman kami ni Yeri na parang sinasabi nyang, hindi-nyo-pa-ba-gets-look. Saka sya bumuntong hininga.
"Mahal nya kasi si Unnie..."
Natahimik naman kami at nanuod nalang. Tinignan ko naman si Taehyung na walang pakielam sa paligid habang katabi nya si Jimin na tawa ng tawa kay Jungkook.
Naglaban ang Twice at EXID sunbaenim.
Malakas sila, huh?
Agaw pansin ang pag cheer ni Jungkook sa Twice. Di ba sya natatakot sa mga fancams? Tss!
Talo ang Twice.
Next naman ang Archery, which is kasali kami ni Yeri at Seulgi. First place lang kami.
"Bati na ba si Jungkook at Taehyung?" Biglang tanong ko ng maupo kami sa mono block.
"Kahapon pa!" Sagot ni Joy.
"Infairness, tagong tago ng BB cream yung pasa nya sa mukha, a?" Sabi ni Yeri habang pinapanuod si Jungkook na ngayon ay nagre-ready na para sa 400M Relay Race.
"Pasa?" Kunot noong tanong ko. May naiisip na akong dahilan pero ayakong mag assume.
"You know... yung issue,"
Sabi na, e. Humanda ka sa akin mamaya, Kim Taehyung!
"You mean, nag suntukan sila?"
"Uh-ha! Pero si Taehyung lang sumuntok. Bago sya pumunta sa dorm nung hinika ka..." sagot ni Seulgi.
Tahimik lang akong nanuod habang si Yeri ay hindi na napigilang mag cheer. Tumalon talon sya ng manalo ang BTS.
Parang gusto ko ng umuwi sa dami ng iniisip ko ngayon.
Nag vibrate ang phone ko kaya pasimple kong sinilip iyon.
Taehyung:
Ang galing ko, ano? ;)
Hinanap ko naman sya sa buong gym at nakita kong naka ngisi na sya sa akin. Umiling ako at ngumiti na rin. Mamaya ko nalang sya aawayin.
Ako:
Bawal mag-phone.
Tinignan ko ulit sya matapos mag send ang reply ko. Tumawa sya at kinagat ang lower lip habang nag titipa ng reply.
Taehyung:
Well, I can break the rules for you :*
"Bawal yan!" Halos mahagis ko sa mukha ni Joy ang phone ko.
"Kainis ka naman, e!" Pinalo ko sya.
Tumawa naman sya. "Bawal yan, Unnie! Mamaya na ang landi..."
Inirapan ko sya at tinago nalang ang phone ko.
Mamaya na nga lang!
Nilingon ko si Taehyung. Mukhang nakita nyang hindi na ako mag rereply sa kanya.
Nag-pout naman sya sa akin kaya nag-pout din ako sa kaya, tapos sabay kaming natawa.
Haynako, Kim Taehyung...
![](https://img.wattpad.com/cover/58532145-288-k99908.jpg)
BINABASA MO ANG
Life Behind the Camera
FanfictionMahirap maging isang taong hinahangaan 'nang lahat, dahil isang pagkaka mali mo lang, lahat aalis na sa'yo. Pati na rin ang taong akala mo tatayo sa tabi mo sa oras na walang wala ka na. -Czezelle Lu!