Chapter 14

1K 49 0
                                    

Sa bilyaran matatagpuan ang Alpha Beta fraternity brothers, ang organisasyong kinabibilangan ni Vince. Dito rin sila madalas tumambay tuwing napagkasunduan nilang mag-cutting sa klase.

"Tol, kumusta kayo ng trophy girlfriend mo?" Tanong ng pinaka-loko, ngunit isa sa pinakamalapit na member ng frat kay Vince. Si Raymundo, binansagang Mundo ng kanilang leader na may palayaw na Oz.

"Dalhin mo naman dito minsan," usad nito sabay akbay sa balikat ng kaibigan. Naka-pwesto na ngayon si Vince para tumira.

"Tss, 'di na baka pagtripan niyo pa," sagot nito habang nag-iisip ng susunod na strategy. Kahit dala lang ng dare ang panliligaw niya kay Zayne, hindi pa rin niya hahayaang mabastos ito ng kahit sino.

Naging bad boy man ang tingin sa kanya ng marami, siya pa rin ang Vince na may respeto lalong-lalo na sa mga babae.

"Hoy Fermano, baka nakakalimutan mong kung wala kami, wala din kayo ng girlfriend mo," pagsingit naman ni Xander, myembro din ng Alpha Beta.

Naka-upo lang si Oz sa isang tabi habang nakikipaglandian sa isang babae nang marinig niya ang usapan ng mga 'kapatid'.

"Kailan ba 'yung usapan nating ibebreak niya?" Wika nito. Parte kasi ng initiation nila ang magbigay ng dare, at nagkataong ito ang napag-usapang ibigay kay Vince.

"Hanggang dalawa o tatlong buwan lang usapan natin e, ilang buwan na nga ulit kayo?"

Hindi muna agad naka-imik si Vince. Ayaw niya sana talagang saktan ang babae, ngunit kailangan niyang panindigan ang kanyang salita, at mas unahin ang organisasyon kaysa anumang bagay.

"I-break mo na pre, 'wag mo nang patagalin pa para hindi lumalim ang sakit." Natatawang sabi ni Oz. Siya mismo ay hindi seryoso sa pagkakaroon ng ka-relasyon. Bilang leader din kasi ng frat, mas kailangan niyang unahin ang tinuring na pamilya.

Sumang-ayon at nagsitawanan din ang ilan. May mga bagong recruit sila, ngunit hindi pa opisyal na myembro ng frat dahil kailangan magtagal muna ito ng ilang buwan, at may kalakip na mga pagsubok.

Panghuling pagsubok na ito ni Vince, at nu'ng nagawa niyang pasagutin si Zayne, ay opisyal na siyang tinanggap sa Alpha Beta.

"Bibigyan ka namin ng two weeks para gawin 'yun,"

"Mahaba pa 'yung two weeks, boss." Pagyayabang ni Vince.

***

"Zayne, hindi ka pa ba uuwi? May quiz pa tayo bukas, kailangan ko na mauna sa'yo." May pag-aalalang sabi ni Karen.

Kanina pa kasi nakatingin sa phone ang kanyang best friend, at tila may hinihintay na hindi naman dumadating. Ilang araw na itong nababalisa ng ganito.

"Si Vince nanaman ba? Haynako, sinabi ko naman kasi sa'yong manloloko ang taong 'yun. Wala pang future."

"Shut up, Karen," inis na wika ni Zayne habang nakakunot pa rin ang noo.

Ilang beses na rin niyang nirerefresh ang kanyang inbox at baka biglang may dumating na message mula sa kanyang boyfriend. Kahit simpleng babe, hindi muna kita masusundo ngayon sana ay kaya na niyang tanggapin, 'wag lang itong mawala sa kanya.

"Nakita mo naman kung gaano siya ka-pursigido nu'ng nanliligaw siya, 'di ba?"

"E ganu'n naman talaga ang mga lalaki, 'di ba? Sa una lang mabait? Kapag nakuha na ang gusto, wala na." Sabi naman ni Karen, matauhan lang ang kanyang kaibigan.

"Wag ka ngang ampalaya. Mauna ka na, alam kong dadating ang boyfriend ko." Mariing tugon ni Zayne, kahit sa loob niya ay gustong-gusto na niyang umiyak.

"Hay, bahala ka girl. Wag na wag kang iiyak bukas. Think of your worth." Iyon na lamang ang naipayo sa kanya ni Karen at lumakad na rin pauwi.

Para sa kanya, importante pa rin ang pag-aaral, at hindi niya kailangan magka-boyfriend para maging masaya.

Sa kabilang bench na halos katabi lang ng kinauupuan ni Zayne ay nakaupo si Meryl. Kanina pa siya nakikinig sa usapan ng dalawang babae, lalo na nang banggitin ang pangalan ni Vince.

Pagkaalis ni Karen ay dali-dali itong lumapit at tumabi kay Zayne.

"Hi," nakangiti nitong sabi.

Umirap lamang si Zayne. Wala ito sa mood makipagkwentuhan.

"Hello," muling nagsalita si Meryl na mas kinainis ng babae.

"Ano ba? Do I know you?"

"Ikaw ba 'yung babae ng boyfriend ko?"

"W-what?" Gulat na tanong ni Zayne pabalik. Tinitigan niya mabuti kung nagsasabi ba ng totoo ang babaeng katabi niya. Natural ang ganda nito, hindi katulad niya na kailangan pa ng make-up, kaya hindi malabong magkagusto si Vince sa kanya.

Ngunit natatakot siyang maging totoo ang hinala niya. Hindi pa niya kayang pakawalan si Vince.

"Anong boyfriend mo?"

"Si Vince, narinig kong pinag-uusapan niyo siya."

"At ano namang kinalaman mo du'n, ha? Vince is mine. Only mine."

Nakaramdam ng inis si Meryl sa sinabi ni Zayne. Tila nag-init ang dugo nito nang sabihing pagmamay-ari niya lamang si Vince.

"E asaan siya ngayon?" Tanong niya at binawi na lamang sa pang-aasar, "di ba hindi ka na niya pinupuntahan? Iniwan ka na niya. Alam mo kung bakit," mas nilapit pa nito ang kanyang mukha sa paiyak na si Zayne.

"Kasi pinili na niya ko, at mas mahal niya ako." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya upang umalis, at nang hindi pa nakuntento ay dinagdagan pa ang pang-aasar, "bye! Pupuntahan ko lang 'yung boyfriend ko,"

Tuluyan nang tumulo ang luha ni Zayne. Puno ng inis at galit ang puso niya. Hindi siya binabastos ng kahit sinong lalaki. Hindi siya ang iniiwan. Ngayon ay sinisiguro niyang pagbabayaran ni Vince ang lahat ng ito.

"Assh*le." Bulong nito sa sarili, pagkatapos ay napagdesisyunan na ring umuwi.

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon