Chapter 40

793 35 1
                                    

"Jan Meryl! Dahan-dahan lang sa paglalaro!" Sigaw ni Mia habang pinapanood ang anak sa 'di kalayuan.

"Mommy!" Tumingin sa kanya ang batang si Meryl. 

Napatayo si Mia nang masilayan ang ngiti ng kanyang anak. How she wished that such sweet, innocent smile would last forever. 

"Halika, anak. Pahinga na tayo?" Tanong niya habang palapit sa kanyang anak. 

Ngunit sa bawat hakbang ni Mia, ay siya ring paghakbang ni Meryl palayo. "Jan? Let's go home." 

Tumawa lamang ang bata at binilisan ang pagtakbo. Kinabahan si Mia, kung kaya't agad din niyang hinabol ito. 

"Jan Meryl? A-anong ginagawa mo dyan?" Sa isang iglap, napansin niyang nasa ibabaw na pala sila ng building. 

Nanginginig nitong inabot ang kanyang kamay sa direksyon kung saan nakatayo ang kanyang anak. Pero ang batang si Meryl, masayang nakatingin lamang sa kanya.

"Jan... I'm sorry, I'm sorry, baby," She cried. She cried in fear of losing her daughter. "Halika, uwi na tayo, please?"

"Mommy, wala po kayong kasalanan." The little girl then spread her arms. "I want to be free, mommy."

Kitang-kita ni Mia kung paano tumalon ang bata mula sa mataas na building. Kasabay ng pagsigaw niya ay ang kanyang paggising mula sa isang panaginip.

Pawisan siya, at may mga namuo nang luha sa kanyang mata. "Meryl..." bulong niya. 

Nagising si Levi nang umupo ang asawa sa kama. Napansin niyang balisa ang mukha ni Mia.

"Hon? What's wrong?" 

"Napanaginipan ko si Meryl. Tumalon siya sa building." Nanginginig pa rin ang kamay ni Mia dahil sa epekto ng kanyang panaginip.

"Shh, hon," Iniupo din ni Levi ang sarili at hinawakan ang mga kamay ng asawa. "It's just a dream, okay? Bakit naman gagawin ni Meryl 'yun?"

"She wants to be free, Levi. 'Yun 'yung sabi niya sa'kin. A-ang sabi pa niya, wala daw akong kasalanan. P-paano kung... kung gawin niya 'yun?"

"Magpakamatay? Hon, hindi 'yun gagawin ni Meryl, okay? Panaginip lang 'yun. Wag ka nang masyadong maisip." Niyakap na lamang ni Levi ang asawa hanggang sa mahimasmasan ito. Ngunit para kay Mia, isa itong masamang pangitain.

***

Ipinasyal ni Japs si Meryl bandang alas tres ng hapon pagkatapos ng kanyang klase. After all, mas madali na niyang mapuntahan ang mga lugar na gusto niyang puntahan dahil sa kanyang bagong sasakyan.

"So, anong ginawa mo kanina sa bahay habang wala ako?" Tanong ni Japs habang naglilibot sila sa amusement park.

"Uhm, iniisip ko 'yung ginawa natin nu'ng umaga." 

Bigla na lamang napaubo si Japs. "Y-yung..."

"Oo! 'yon! Namumula ka nanaman," Natatawang sabi ni Meryl, "gusto mo ba idetalye ko pa kung anong iniisip ko?"

"S-sisa! Bagong flavor ng ice cream!" Para lang maiwasan ang topic, tumakbo si Japs papunta sa stall na may iba't-ibang flavor ng ice cream. Agad namang sumunod si Meryl.

"Kakakain lang natin ng ice cream kanina, ice cream ulit?"

"Ayaw mo? Okay lang naman sa'kin, panoorin mo na lang akong kumain, ha? Miss, isa nga po nito,"

Umirap si Meryl sa pang-aasar ni Japs at may sasabihin sana nang biglang magsalita ang nagtitinda. 

"Kuya, ang damot mo naman sa girlfriend mo. Pa'no mo napasagot?"

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon