Linggo ngayon at sama-samang naghahapunan ang pamilyang Danes. Napag-usapan kasi na tuwing Sabado ay susunduin ni Levi ang kanyang anak na si Meryl mula sa Manila.
"Kumusta naman ang first week mo sa school, Meryl?" tanong ni Levi, habang abala si Mia na pakainin ang kanilang bunsong anak na si Jay-Jay, ngayon ay kakadaos lang ng ika-apat na kaarawan.
"Okay naman po, nagkita na kami ni Vince," masiglang sabi ni Meryl, ngunit napawi din agad ang ngiti nang maalala niyang, "isang beses pa nga lang..."
"Baka naman busy pa siya, anak? May girlfriend na ba si Vince?" tugon naman ni Mia.
Maisip lang ni Levi kung paano umakto si Mia nang dahil sa love chip, ay hindi nito mapigilan ang matawa. Ngunit hindi rin nito magawang alisin ang pagkabahala dahil ngayon, ang sariling anak na niya ang nakakaranas nito.
Buti sana kung kasing bait niya ang Vince na nagustuhan ng anak.
"Opo, may girlfriend na po siya," malungkot na sagot ni Meryl.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Natatakot ang dalawa na baka sobrang masaktan ang anak, at iyon pa ang maging dahilan ng pagkawala ng epekto ng love chip.
"Meryl," seryosong wika ni Levi, at sunod-sunod na tinanong, "nagpakilala ka ba bilang girlfriend niya? niyakap mo na ba siya, hinalikan,"
"Hon!" agad na pinutol ni Mia si Levi, at baka kung ano pa ang masabi nito. Alam nila pareho kung gaano kalala si Mia noon, at maisip niya lamang 'yun ay namumula na siya sa hiya.
Buti na nga lang at unti-unting nabawasan ang epekto ng love chip noong panahon nila, kaya nabawasan ang pagiging agresibo niya.
"Opo, daddy, niyakap ko na rin po siya, tapos nagka-holding hands na rin kami..." sagot ni Meryl, "okay lang naman po sa'kin maging second girlfriend niya."
"Second girlfriend?!" Parehong sambit ng mag-asawa.
Sila na yata ang nasasaktan para sa anak. At kung pwede lang nilang baguhin ang sistema ng love chip ay hindi na sana kailangan pang maghirap ni Meryl.
"Opo, alam ko naman pong kami din ang magkakatuluyan sa huli."
"Anak, ganito ang gawin mo," determinado si Mia na matulungan ang anak, kaya by all means, ito na ang kanyang naging payo, "agawin mo. Maghihiwalay pa 'yun, mas maganda ka sa girlfriend niya ngayon."
"No, mommy. Ako po ang nauna, hindi ko siya kailangan agawin kasi kami naman talaga una pa lang."
Napaubo si Levi sa kanyang upuan. Kulang na lang ay mailuwa niya ang kinakain. "Kayo? Naging kayo?"
"Hindi po, but we already kissed before. Nagtabi na nga po kami nu'n e,"
"N-nagtabi...?" nauutal na sabi ni Levi. Hindi na niya talaga lubos maisip na sa murang edad ng anak ay natuto na itong lumandi.
Natatawa na lang si Jay-Jay sa reaksyon ng kanyang daddy. Hindi nga lang ito maka-relate sa kanilang usapan kaya pinagka-abalahan na lang niya ang pagkain.
"Yes, dad. May masama po ba du'n? Love ko naman siya,"
Napangiti na lamang si Mia at tila nakikita ang sarili sa anak. Hindi lang nito inaasahan na mukhang mas agresibo at mas makulit ito. Si Levi naman, pinag-iisipan nang mabuti kung paano muna mailalayo si Meryl sa binata nang hindi ito masasaktan.
***
"Ano kaya kung sunduin ko na lang siya araw-araw?" tanong ni Levi habang katabi ang asawa sa kama. "Wag na lang kaya siya mag-dorm?"
"Hon, mapapagod ka naman nu'n. Ang layo kaya ng Batangas sa Manila. Kaya 'yun ng anak mo, nakaya ko nga 'di ba?"
"What I'm worried the most is how she acts toward that guy. Nakita mo na ba 'yung lalaking 'yun? Paano kung hindi siya kasing bait, ka-understanding, kasing haba ng pasensya?" May pag-aalala niyang sabi, at saka nagdagdag, "isama na rin ang kasing gwapo."
"Wow! Perfect ka e." Natatawang sagot naman ni Mia.
"Bakit, hindi ba? Kaya ka nga na-inlove sa'kin. Para ka ngang linta kung makadikit noon." Pang-aasar naman nito.
"Ang ganda ko namang linta."
Buong gabi, bago matulog, ay nagkatuwaan lang ang mag-asawa. Ngunit sa gabi ring iyon ay naalala nanaman ni Mia ang unang beses na nalaman nilang hindi ordinaryong bata ang anak na si Jan.
Naalala niya ang mabilis na pagtakbo ng kanyang anak, nadungisan ng dugo ang damit at mukha nito.
Apat na taong gulang pa lamang ito, ngunit nagawa na nitong pumatay.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maisip na ito ang magiging epekto ng dalawang chip na pumasok sa kanyang katawan, at hindi rin niya inaasahang dahil dito, ay tila may pinagbuntis siyang isang halimaw. Ngunit wala siyang magagawa. Dahil anak pa rin niya si Meryl at biktima lang din ng kahayupang ginawa sa kanya ng kanyang mga magulang, ang mga Villegas.
**********
AN: Sa mga hindi pa po nakakabasa ng Programmed Girlfriend at nangahas basahin ang sequel (chos. haha), patay na po yung parents ni Mia, yun yung tinutukoy niyang mga 'Villegas'. Kung paano? bili kayo ng book please. hahahah <3 <3
BINABASA MO ANG
The Psycho's Daughter (TagLish Novel)
Mistero / ThrillerNatatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang masagot ang mga katanungang iniwan ng 'Programmed Girlfriend'? Basahin mo. *** Disclaimer: Photo us...