Chapter 4

1.4K 53 0
                                    

Sa bawat hakbang ni Jan sa hallway ng kanilang paaralan ay sumisipol-sipol ito. Iyong sipol na hilig niyang gawin sa tuwing nararamdaman niyang may kulang sa kanyang buhay.


Exam week ngayon kaya maaga ang uwian. Ito na ang final quarter ng kanyang pagiging grade twelve, pagkatapos noon ay graduation na. Sa katunayan, sa edad niyang sixteen ay dapat nasa grade ten pa lang siya, kaya lang, dahil nga sa talinong angkin niya ay nirekomenda siyang i-accelerate.


Pagpasok niya sa library, naghanap siya ng bakanteng upuan at lamesa, kung saan kaunti lamang ang nagbabasa para mas makapag-focus ito sa pagbabasa. At dahil last day na nga ng exam week ngayon, sinusulit na niya ang tahimik na lugar ng eskwelahan.


"Uy, di ba yan yung anak ng baliw? Sumisipol-sipol pa, hindi kaya baliw din 'yan?" Rinig niyang bulong ng isang babae sa tahimik na library.


Agad na tumayo si Jan at tinitigan ng masama 'yung babae. 


"Cleo tara na, baka kung ano pang gawin sa'yo," natatakot na sabi ng kasama niya, saka hinila palayo mula kay Jan. 


"Cleo," bulong nito sa sarili. Hindi niya makakalimutan ang pangalang iyon.


***


"Hoy Vince, wala ka pa bang balak umuwi?" Tanong ng tropa niyang si Steven habang abala siya sa kanyang laptop. 


Nasa loob lamang ng classroom si Vince at nakatutok pa rin sa kanyang laptop kahit tapos na ang exam. "Una na kayo pre, may tatapusin lang ako."


"Sus, imbis na magcelebrate 'to at tapos na ang final exam, nag-aaral pa rin. Osiya, una na 'ko, hinihintay na 'ko nila Carlo."


"Sige pre, ingat." Sagot na lamang ni Vince at saka sumenyas para magpaalam. 


Napulot kasi nito ang mga nahulog na papers sa folder ni Jan noong nagmamadali siya ilang araw lang ang nakalipas. Dalawang newspaper ito, at puro mercy killing chip ang nilalaman. 


Dahil dito ay nagkaroon tuloy ng interes ang lalaki. Bakit nag-iipon ng mga article si Jan tungkol dito, at para saan ito?


Sa pagtingin-tingin niya ay may napansin siyang isa pang termino na tila naiiba. Ang 'love chip'. Nabasa niya sa article ang tungkol sa isang American scientist na inimbento ito para buhayin ang kanyang namayapang asawa. Hindi nga lang umepekto ito kaya hindi nabigyan ng recognition ang experiment. 


"...but otherwise, this love chip was proven to contradict the side effects of the mercy killing chip." Nang mabasa niya ang bandang conclusion ay napakunot na lamang ang kanyang noo. 


Paano pa magkakaroon ng side effects ang mercy killing chip kung within two days nga lang, ay maaari ng mamatay ang pasyenteng naturukan nito? Muli niyang inangat ang scroll at iniscan ang mga nakasulat.


Para kasing may pamilyar na salita siyang nabasa, at nang mahanap niya ang pangalan ng scientist na nag-imbento ng chip ay hininto niya ang scroll.

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon