Chapter 28

851 41 6
                                    

"Vince? Bakit ka andito?" May halong antok na tanong ni Meryl. 

Hindi na niya alam kung ilang oras siya nakatulog. Nadatnan na lamang niya si Vince na nakaupo sa kanyang tabi, nagbabantay habang naglalaro ng games sa kanyang phone.

"Gising ka na pala. Nagpresenta kasi akong bantayan ka muna. Pumayag naman yung parents mo so..." sagot ni Vince, "I hope okay lang."

Napangiti ang dalaga at masiglang sinabing, "oo naman. Thank you ha."

Tila nabura na naman sa kanyang isipan ang insidente bago siya madala sa ospital.

"Uh Vince, pwede mo ba kong tulungan? Gusto ko sana kasing maglakad sa labas..." 

"S-sure," sagot ni Vince at agad namang tumayo upang alalayan ang dalaga. Hindi pa kasi ito makakilos ng maayos dahil sa swerong nakakabit sa kanya. 


Nakahawak si Meryl sa braso ni Vince habang naglalakad sa hospital garden kung saan pwedeng mamasyal at magpahangin ang mga pasyente.

"Vince, naalala mo ba nu'ng birthday ng kapatid ko, si Jay-Jay? Tapos bigla mo 'kong nahanap sa CR."

"Oo naman," matipid na tugon ni Vince.

"Naalala mo ba nu'ng, magkasama tayo sa tree house kasi umalis ako sa'min? Tapos pumunta tayo sa sarili mong science lab,"

Tumango lamang ang binata. Hindi nito maintindihan kung bakit kailangan pang sabihi at ipaalala ni Meryl ang mga bagay na 'to. Iniisip na lang niya na matagal na panahon na rin naman ang lumipas simula nang magka-usap sila ng maayos.

"Meryl, inalis ko na 'yung tree house at science lab... nu'ng akala kong hindi ka nababalik.


"Alam ko. Nalaman ko nu'ng pumunta ako para bumisita, pero wala na pala." sagot ng dalaga. "Kaya ko lang naman 'to pinapaalala sa'yo para malaman mo na kahit may nagbago sa'kin, hindi kita nakalimutan. May mga bagay na hindi ko mapaliwanag sa'yo, kasi kahit ako mismo, naghahanap pa rin ng sagot."

Tumitig ang binata sa kausap. Ito ang babaeng una niyang pinagtuunan ng pansin at minahal. 

Naalala niyang minsan na niyang sinubukang iligtas ang buhay ni Meryl sa pamamagitan ng pagpaparamdam dito na may taong nagmamahal sa kanya.

Ayaw man niyang aminin sa sarili niya ngayon, ngunit alam niyang siya ang naging dahilan kung bakit nalabanan ni Meryl noon ang epekto ng mercy killing chip.

"Pati nga memory ko, hindi consistent e," natatawang sabi ni Meryl habang patuloy pa rin sa pagtitig si Vince sa kanya. 

"Alam mo ba kung anong mangyayari sa'yo?" mahinang tanong ni Vince, "kung... kung mawawala ako sa tabi mo?"

Ngumiti si Meryl at tumingin na rin sa binata. Panandalian muna silang tumigil sa paglalakad. 

"Masasaktan ako. It will be torture for me," bagamat nakangiti ay may namumuong luha pa rin sa mga mata ni Meryl. "Pero kung iba naman ang mahal mo, bakit ko pa ipipilit? Tulad nga ng sinabi mo, matagal na 'kong patay dapat. I've no life in the first place. I shouldn't have been born, because I can never live as a normal human being."

Sa mga sandaling iyon, walang ibang naisip gawin ang lalaki kundi hilain at halikan si Meryl.

Awa? Panghihinayang?

Hindi ito makaisip ng dahilan kung bakit niya 'to ginawa. Ngunit sa mga sandali ding 'yon ay naalala niya kung paano siya nangulila nang umalis si Meryl papuntang States.

Nahulog ni Japs ang bulaklak na hawak nang madatnan ang dalawa. Pinuntahan kasi nito ang kwarto ni Meryl upang bumisita, ngunit ang sabi ng nurse ay nasa garden nga siya. May dala din siyang mga prutas para mas mapadali ang paggaling ng kaibigan.

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon