Chapter 3

1.5K 78 0
                                    

"Jan Meryl, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Mia sa kanyang anak na abala sa pagtatype sa kanyang laptop. 


Hindi na naman lingid sa kaalaman ni Mia ang hilig ng anak sa pagpupuyat lalo na noong nagdalaga na, kaya lang may pasok din naman kasi siya bukas. 


"Tinatapos ko lang po itong assignment ko mommy, isang page na lang naman po." 


Running for valedictorian kasi si Jan, kaya pursigido ito sa pag-aaral. Ayon nga sa mga guro niya, ipinanganak na raw yatang matalino ang bata. Mahusay kasi ito sa klase, lalo na sa subject na science. 


"Mana talaga sa'kin ang anak ko," pagkasabi nito ni Mia ay lumapit ito sa anak upang tumabi sa kanya sa kama. Agad namang nagbago ng tab si Jan upang maitago ang kanyang pinagkaka-abalahan. 


"Talaga mommy, mana ako sa inyo? Valedictorian ka rin ba nu'ng gumraduate ka?" 


Bahagyang napangiti at napayuko lamang si Mia. Hindi kasi alam ng kanyang anak ang buong detalye sa buhay niya. Ayaw din naman niya itong sabihin lalo pa at isa itong mapait na alaala.


Ngunit kahit ganoon ay nagpapasalamat pa rin siya. Kasi dahil doon, nakilala niya si Levi, at nagkaanak ng dalawang anghel. 


"Oo naman, ako yata ang pinaka-matalino sa klase. Tanong mo pa sa daddy mo." 


"Mahilig ka din po ba sa science?" interesadong sabi ni Jan. 


"Oo, scientist kasi ang daddy ko, 'yung lolo mo. Kaya 'yung mga chemicals na 'yan, sisiw na lang sa'kin 'yan." Pagyayabang ni Mia. Kung dati ay kinatatakutan at iniiyakan niya ito, ngayon, tinatawanan na lang niya halos. 


"Mommy, nu'ng pinagbubuntis niyo po ba ako, may gamot kayong iniinom?"


Natigilan si Mia sa tanong ng anak. Paniguradong hindi nito magugustuhan ang kanyang magiging sagot kaya hindi na lamang niya sinabi ang totoo. "Vitamins. Pero mas madami akong kinakain na prutas noon, kasi syempre gusto kong maging healthy ka."


"Ah, familiar po ba kayo sa," napahinto at napaisip si Jan. Kung hindi pa handang umamin ang kanyang ina, baka mas lalong hindi pa rin siya handa sa itatanong niya. 


"Saan?"


"Sa ano po, sa trumpo." Wala na kasi itong maisip, kaya 'yung lumang laruan na lang ng mga bata dati ang nabanggit niya. Nabasa kasi niya sa isang article 'yung mga laro noong 90s.


"Oo naman, bakit mo naman naitanong 'yan?" Pagtataka ni Mia.


"Ay, wala po mommy, nabasa ko lang po kasi kanina," Nang masabi niya iyon ay bigla namang umiyak ang sanggol na si Jay-Jay, kaya mukhang kailangan nang bumalik ni Mia sa kwarto. 


"Sige anak, hinahanap na 'ko ng kapatid mo. Tulog ka na ha," tugon nito at hinalikan ang anak sa noo.


"Okay po mommy, goodnight po." 


***


Nadatnan ni Mia na umiiyak si Jay-Jay kaya binuhat niya ito sa kanyang bisig. Kakapasok lang ni Levi sa kwarto at mukhang nagmadali sa pagligo. 


"Akala ko wala ka sa kwarto, nagmadali pa naman ako, akala ko walang kasama si baby."


"Ah ganun ba, sige balik ka na ulit. " Sagot naman ni Mia na medyo natatawa sa itsura ng asawa. Gulo-gulo kasi ang buhok nito, pero nananatili pa rin siyang gwapo sa kanyang paningin.


"Pinagtatawanan mo na lang ako ngayon ha, samantalang dati nagwawala ka na, mawala lang ako sa paningin mo."


"Grabe ka naman sa pagwawala, ang sweet ko kaya. Gustong-gusto mo pa nga, 'di ba?"


Nang kumalma na si Jay-Jay ay hiniga na siya muli ni Mia sa kanyang crib. "Ayan tulog na siya, 'wag ka nang masyadong maingay."


Pagkatapos magbihis ni Levi ay humiga na ito sa kanilang kama. Napagod na rin ito sa trabaho at gusto na lamang magpahinga. 


"Hon," bulong ni Mia, yumakap kay Levi, at sinandal ang ulo sa kanyang dibdib. "Hindi kaya tama 'yung doktor? At tama 'yung hinala ko tungkol kay Jan?"


"Yung mercy killing chip pa rin ba?"


"Levi, hindi kaya may alam na 'yung bata? Kanina kasi may gusto siyang itanong sa'kin, pero hindi niya nagawa."


"Masyado ka lang nag-iisip, hon. Magaling na si Jan. Nakita na naman natin pareho 'yung pagbabago niya 'di ba? Tsaka, wala naman tayong sapat na prueba na na-apektuhan siya ng chip na 'yun." Sagot ni Levi, at para lang mas gumaan ang pakiramdam ng asawa ay nagawa pang magbiro, "Tignan mo, hindi na siya pumapatay ng aso." 


"Haynako, ayan ka nanaman." 


"O bakit, totoo naman 'di ba? Alam mo, nakakatanda 'yang isip ng isip. Tignan mo may wrinkles ka na."


"Ang kapal mo!" gulat na sabi ni Mia sabay hampas sa asawa.


"Shh, magigising si baby."


***

Arturo Villegas receives award for inventing a chip that allows a person...

Mercy killing chip is the new invention...

Scientist Arturo Villegas is dead.

***


Ilan lamang iyan sa mga newspaper na mayroon si Jan. Hindi pa kasi ulit siya nagkakaroon ng pagkakataong pumasok sa kwarto ng kanyang mga magulang para muling maghanap ng mga impormasyon tungkol sa nire-research niya.


Ang totoo niyan, hindi naman talaga siya gumagawa ng assignment. Nagbabasa lang siya ng mga related article tungkol sa chip na pinaghihinalaan niyang naging dahilan ng paggamit niya ng dahas sa tuwing hindi niya nagugustuhan ang isang tao.


Buti na nga lang at may gamot na binigay sa kanya si Dr. Yago, na nagtungo sa States ngayon upang mas mapag-aralan pa niya ang kaso ni Jan. 


Panandalian lang naman kasi ang bisa ng gamot, at taon-taon ay siya mismo ang nagpapadala kay Jan nang hindi nalalaman ng kanyang mga magulang. Si Jan na kasi ang nakiusap na huwag nang ipaalam, dahil gusto niyang ipakita na okay na siya, na magaling na siya, at hindi siya mamamatay tao. 


Ang kaso, ilang linggo na lang ay paubos na ang gamot, at hindi pa rin nagpapadala ang doktor. 




The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon