Chapter 10

1K 50 1
                                    

Tatlong taon na ang dumaan. Tatlong taon na iisang pangalan lamang ang tumatakbo sa isip ni Jan. 

Habang nagtatype ang doktor sa kanyang laptop ay bigla na lamang tumunog ang alarm mula sa kanyang clinic. Agad nitong kinuha ang kanyang orasan, iniwan sandali ang mga ginagawa, at pumasok sa kinaroroonan ni Jan.

Time check: 8:30 am.

Bumubula ang tubig na nakakabit sa pasyente, sa monitor naman ay kitang-kita ang pagbilis ng tibok ng puso nito. Pinihit ni Dr. Yago ang extra oxygen na kinailangan ng pasyente dahil baka ma-suffocate lamang ito lalo pa at malakas ang kutob niyang ngayon na ito magigising.

Hawak ang kanyang wristwatch ay bumilang ang doktor. 

5...

4...

3...

2...

1...

Tumigil ang pagbula, at umayos ang takbo ng tibok ng puso.

Unti-unti siyang nakahinga ng maluwag, hanggang sa binuksan ng pasyente ang kanyang mga mata. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya, at maingat na inalis ang mga nakakabit na kable. 

"Vince,"

Nang marinig ni Dr. Yago ang binulong na pangalan ng bata ay natuwa ito. Ibig sabihin, naging matagumpay ang kanyang experiment. 

Pagkaalis ng mga kable ay unti-unting bumangon ang pasyente. Mabigat ang kanyang pakiramdam dahil na rin sa haba ng kanyang pagtulog, ngunit nagawa pa rin nitong igalaw ang sarili, dahil na rin sa mga kable na pinapanatiling active ang kanyang mga cell sa katawan.

"Alam mo ba kung nasaan ka ngayon?" Mahinahong tanong ni Dr. Yago. At tulad ng una nilang pagkikita, kumuha siya ng upuan, hinarap ang sarili sa pasyente, at pinindot ang recorder.

"Opo," matipid niyang sagot, ngunit ibang-iba sa paraan ng pagsagot ng dating Jan. 

"Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Masaya po. Para akong pinanganak ulit," Nakangiti nitong sabi.

"Natatandaan mo ba 'yung pamilya mo? Mga magulang at kapatid mo?"

"Opo, excited na nga po akong makita sila." Naalala niya ang kanyang kapatid, at pakiramdam niya ay magkakasundo sila oras na magkita ulit sila.

Kumuha ng isang pendulum si Dr. Yago, at nagpatugtog ng music na madalas niyang gamitin sa hypnosis. Tinapat niya ang dumuduyan na bagay sa harap ng mga mata ng kanyang pasyente.

Malumanay itong nagsalita, na parang nagpapatulog ng isang sanggol.

"Ikaw si Meryl. Makakalimutan mo lahat ng masasamang alaala bilang si Jan. Kakalimutan mo ang dating Jan, 

Isa kang masayahin at masunurin na bata, mapagmahal, at mabait. Hindi ka nananakit ng iyong kapwa.

Ikaw... si Meryl."

***

Tamang-tama ang pagbabalik ni Levi sa States, dahil isang araw pa lang ang nakalipas ay tumawag si Dr. Yago upang ibahagi ang magandang balita. 

Gising na ang kanyang anak. Gising na si Jan.

"Dad, I'll be going now." Paalam niya sa kanyang ama na ngayon ay nanonood ng football game kasama ang kanyang asawa, ang stepmother ni Levi.

Sa ngayon ay nagtuturo na lamang ito sa isang unibersidad sa America, ngunit hilig pa rin talaga niya ang mag-imbento ng mga bagay-bagay. 

"All right, take care son." Tugon ng kanyang ama at sinamahan na siya palabas. 

"Thanks dad, for your, uh, help." Siya na rin kasi ang sumagot ng travel expenses ni Levi at ang mga binabayad sa pagpapagamot kay Jan.

"Well, you're lucky to have me as your father."

"Will you visit us in the Philippines?"

"Yes, of course, I will. I'll tell you when." 

***

Bago pa man makarating ng office si Levi ay tinawagan siya ni Dr. Yago at sinabing wala sila sa clinic, kundi sa pinakamalapit lang ng Burger House.

Kumunot naman ang noo niya. Paano nangyaring andu'n sila ngayon?

"Daddy!" Masiglang bati ni Meryl nang masilayan niya ang kanyang ama, palapit sa kanilang table. 

Agad namang nagtaka si Levi, at mas lalo pa itong nagulat nang yumakap ang kanyang anak sa kanya. "J-Jan...?"

Natatawang pinagmamasdan ni Dr. Yago ang scenario. "Here, have a seat. Gutom na gutom ang anak mo kaya heto, dinala ko muna dito para kumain."

"Uh, healthy ba 'to? I mean, kakagising lang niya tapos ito agad?"

"She's healthy, there's nothing to worry about." depensa naman ng doktor.

"Dad, na-miss ko po kayo, na-miss niyo din po ba ako?" Malambing nitong tugon habang nakakapit pa rin sa braso ng kanyang ama.

Iisa lang ang naaalala ni Levi sa oras na ito. Si Mia at ang love chip.

"Doc, did you just create another Mia?" tanong niya.

"Well, I myself am surprised. But isn't she better than her previous self? And Levi," sabi ni Dr. Yago, "she's not Jan. She's Meryl. I'll explain to you the need of it later." 

***

AN: Let's all welcome the new Programmed Girlfriend: Meryl! 

Hahahaha. Sorry guys, guto ko talaga ang pangalan ni Jan. Mas cool kasi pakinggan, 'di ba? Kaya lang kasi, tatlong story ko na yata na ito ang pangalan na gamit ko. Tsaka mas mabait at maamo kasi pakinggan ang Meryl, so simula ngayon Meryl na ang gagamitin ko. haha.

Vote, comment please :)

Lovelots :*



The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon