Abala si Dr. Yago sa paghahanap ng mga kailangan niyang gamot sa loob ng stock room. Bagama't kumikita na siya sa pagiging psychiatrist niya dito, ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag-aaral ng kaso ni Jan. Nabalitaan din niyang papunta dito ang bata, kaya hinanda na niya ang formula. Salamat na rin sa tulong ng ilang scientist.
"Doc, your patient is here." Wika ng secretary, isang Indonesian ngunit American citizen na rin.
Paglabas ni Dr. Yago ay nakaupo na ang pasyente sa mahabang sofa, habang si Levi ay tumitingin-tingin ng mga libro sa malaking bookshelf.
"Dr. Yago," bati ni Levi at lumapit dito upang kamayan.
Isang malawak na kwarto ang office ni Dr. Yago. Sobra pa nga para sa iilan niyang kagamitan. At sa loob pa ng kwartong iyon ay may dalawa pa, ang isa ay 'yung stock room, at ang isa naman ay ang mismong clinic, kung saan nakalagay ang mga equipment na kailangan niya upang ma-diagnose ang pasyente.
"Good to see you again," bati naman pabalik ni Dr. Yago, pagkatapos ay nilapitan ang batang si Jan, na ngayon ay dalaga na pala.
"How are you, Jan?" Tanong nito.
"Worst." Ito lamang ang kanyang naging sagot na ikinagulat ng kanyang ama.
Naalala ni Dr. Yago ang nakakakilabot na titig nito. Panandalian nga lang ang epekto ng gamot na binibigay niya, at nayong natigil na siya sa pag-inom ay tila mas lumala nga ang kalagayan ng bata.
***
"Okay, just relax." Pinahiga na ni Dr. Yago sa isang inclined bed si Jan, habang inaayos ang formula na ituturok sa kanya.
"Have you ever been in love, Jan? Maliban sa mga magulang mo?"
Naisip ni Jan si Vince. Siya lang naman ang bagay sa tinutukoy ni Dr. Yago.
"Yes,"
"Good. Pwede mo bang sabihin kung anong pangalan niya?"
Walang pag-aalinlangang sumagot si Jan, "Vince."
"Vince." Pag-uulit ng doktor. "Now, I need you to think of him. Pwede mong banggitin ang pangalan niya hanggang makatulog ka. Will you do that, Jan?"
"Ano 'yan?" Tanong nito habang tinitignan ang injection na papalapit sa kanya.
"This is a chip that activates your neurons. It will help your cardiac cells to function properly. This, is what they called, love chip."
Bago ito maiturok ni Dr. Yago ay muli siyang nagsalita, "now, can you say his name? Vince?"
Sumunod naman si Jan, at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng lalaki, hanggang sa tuluyan na itong makatulog.
***
Matapos ang mahigit isang oras ay lumabas ang doktor mula sa clinic. Napatayo naman si Levi mula sa sofa upang kumustahin ang anak.
"She's sleeping now,"
"Kailan siya magigising, doc?" Alam ni Levi ang paraan ng paggamot ng doktor, at malaki naman ang tiwala niya dito. Ngunit nag-aalala pa rin ito para sa anak.
Hindi na rin naman kasi bago sa kanya ang love chip. Siya man mismo ay ginamit ito upang tulungan si Mia. Ngunit tulad nga ng findings dati, maliit lamang ang probablity na gumana ito.
"She'll be in a comma for no one knows how long. Base sa estimate ko, it will take years before she wakes up again."
"Years?" Gulat na sabi ni Levi.
"Yes, that's how the love chip will work effectively. Plus, she's a product of two chips combined." Paliwanag ni Dr. Yago at ipinakita ang mga record ni Jan. "It just so happened na masyadong mahina ang love chip; the very reason why the other chip becomes dominant, affecting the left side of her brain."
"So, does it also mean, mawawala na rin 'yung iba pang epekto ng mercy killing chip? I mean, I want an assurance that she won't die anytime soon."
"Apparently, the dominant chip has also weakened her heart. Kaya tuwing nakakaramdam ito ng galit, her brain functions automatically, and all it could think of is to kill. But I'm afriad, that this would also affect her unknown time of death. Ito 'yung isa pang side na hindi ko pa napag-aaralan."
"Isa pang side?" Inisip mabuti ni Levi ang side effects na naranasan ni Mia dahil sa love chip. "Too much pain, too much anger. This could kill her, tama ba 'ko?"
"Yes, ngunit hindi pa proven. Ang sabi ko nga, based on your family history, and your father's recommendation, maliit lang ang probability ang meron ito,"
"But I saw it happened to my wife. It didn't kill her, though, but the depression became worse."
Sinulat ito ng doktor sa papel, at siniguradong on ang recorder. Maaaring magamit niya ang impormasyong ito sa kanyang pag-aaral.
"Well then, I'll do my best to find out. But right now, the best I can recommend you, at base na rin sa mga sinabi mo, is to take care of your daughter once she wakes up."
BINABASA MO ANG
The Psycho's Daughter (TagLish Novel)
Misterio / SuspensoNatatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang masagot ang mga katanungang iniwan ng 'Programmed Girlfriend'? Basahin mo. *** Disclaimer: Photo us...