Kitang-kita ni Japs kung paano ngumiti si Meryl nang kumustahin siya ni Vince, lalo na nang maglapat pa ang kanilang mga kamay.
Napamura na lang ito sa kanyang isip at minabuti pang lumabas na lang. Tutal andun na naman yung mga taong kailangan ng kanyang kaibigan.
Kaibigan.
Iyon lang naman siya. At si Vince?
Siya kasi yung boyfriend. Siya kasi yung gusto.
"Bakit lumabas si Japs?" Pagtataka ni Meryl.
Hindi niya ito napansin agad dahil natuon ang kanyang pansin kay Vince. Abala naman ang kanyang mga magulang na kausapin ang kanyang doktor.
"Baka magpapahangin lang. Pupuntahan ko lang din saglit," tugon ni Vince. Gusto din kasi niyang makipag-ayos na sa binata, lalo na't ngayon na hindi na siya kabilang sa Alpha Beta at si Japs na lang ang natitirang matalik niyang kaibigan.
Tumango lamang si Meryl at hinayaang lumabas ang lalaki.
"Pre," wika ni Vince saka sumandal sa pader katabi ng kinatatayuan ni Japs.
"Pa'no mo nagagawa yun, Vince?" Tanong ni Japs.
Kung si Vince ay gustong makipag-ayos, si Japs naman pigil na pigil na gulpihin ang dating kaibigan. Hindi na niya kaya pang konsintehin ang ginagawang panloloko nito, lalo na't espesyal na si Meryl para sa kanya.
"Anong nagagawa?" Inosenteng tanong ni Vince, "look Japs, I'm trying, okay? Nag-quit na 'ko sa frat para mas makapag-focus na ko sa pag-aaral, at para mas may time na din ako kay Meryl,"
"Bullsh*t." mariing sambit ni Japs at saka na lamang humarap sa kausap. "Mas may time? Niloloko mo nga siya e! Nagkikita pa din kayo ni Zayne. And what's worse Vince? You're never there for her when she needs you! Tapos kung umasta ka ngayon akala mo mabuti kang boyfriend?"
"Sino ka ba, Japs?" Kunot-noong tanong ni Vince at hindi na rin napigilang magtaas ng boses. "Sino ka ba sa buhay ni Meryl? Anong alam mo sa'ming dalawa? Kaibigan ka lang naman niya, di ba? I knew her before you, and she chose me. Kahit pa ilang beses mo siyang pormahan, ako ang gusto niya!"
Hinigit ni Japs sa kwelyo si Vince at malakas na sinuntok ito. Natumba si Vince, ngunit tumayo din agad at pinunasan ang dugo sa kanyang labi.
"Ako yung kaibigang nagligtas sa kanya," pagtutuloy pa ni Japs, "hindi mo nga alam kung ano talagang nangyari kung bakit siya sinugod sa ospital e. Pero andun ako. Ako yung kaibigang nandyan tuwing kailangan niya ng tulong."
"Inamin mo din. Kaibigan ka nga lang."
"You don't deserve her, Vince." Umiiling na sambit ni Japs, "You don't."
"And you think you do? Bakit hindi natin siya papiliin, right here. Right now." Paghahamon pa ni Vince.
"What makes you confident that she'll choose you?" Tanong ni Japs. Naaalala nito ang paghahabol ni Meryl kay Vince nung mga oras na magkasama nila. At sa tuwing nakikita ng dalaga si Vince, para na siyang bula na nawawala sa eksena.
If Vince has the confidence, he doesn't. Kasi totoong kaibigan nga lang siya para kay Meryl.
"Kasi mahal niya 'ko. Una pa lang, ako na'ng pinili niya,"
Hindi na naka-imik pa si Japs sa naging sagot ni Vince. Lumakad siya paalis--paalis ng ospital kahit pa nangako itong hindi niya iiwan si Meryl. After all, natalo naman ito sa kanilang jack n' poy.
Umupo si Vince sa bakanteng upuan at saka huminga ng malalim.
Hindi naman siya ganito dati. Ngunit simula nang biglaang pag-alis ni Jan ay pakiramdam niya, hindi na niya mababalik ang dating siya.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Daughter (TagLish Novel)
Mystery / ThrillerNatatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang masagot ang mga katanungang iniwan ng 'Programmed Girlfriend'? Basahin mo. *** Disclaimer: Photo us...