Nasa private room na si Meryl habang hinihintay na lang ni Japs na tawagan siya ng kanyang ama para malaman niya kung papunta na ba ang mga magulang nito.
Ang sabi sa kanya ng doktor, kailangan daw ipa-CT scan ang pasyente dahil mukhang may problema ito sa utak. Sa katunayan, dahil sa internal bleeding ay dapat raw patay na ang pasyente. Isang himala na lang daw na mabuhay ito.
Panay upo at tayo si Japs. Hindi na niya malaman kung anong pwesto ba ang gagawin niya mabawasan lang ang kanyang pag-aalala. Hanggang sa napansin niyang gumalaw ang nakahigang si Meryl.
"Sisa!" tumakbo siya sa tabi nito at hinawakan ang kanyang kamay. Kani-kanina lang ay para na siyang bangkay sa lamig.
"Natatandaan mo pa ba 'ko? Kumusta pakiramdam mo?"
Maingat na tumango si Meryl. "Bakit mo naman maiisip na nakalimutan kita?"
"Weh? Sige nga sino ako?" Paghahamon pa ni Japs, sa kagustuhan na mapasigla ang dalaga.
Natawa naman si Meryl at sumagot na lang, "Japs. Ikaw si Japs."
"Thank you, Meryl. For not dying." Tugon ng binata habang nakatingin pa rin sa kausap. "Tatawagin ko lang 'yung nurse para matignan ka."
Paalis na sana si Japs nang biglang hinigpitan ni Meryl ang paghawak sa kamay nito. Natigil ang binata at muling ibinaling ang tingin sa babae.
"Dito ka lang, 'wag mo 'kong iwan."
Hindi na nakapagsalita pa si Japs, na tila namula ang mukha sa narinig. "Okay, dito lang ako."
"Pwede ba 'kong umupo?"
Inangat naman ni Japs ang headboard ng higaan upang makasandal pa rin si Meryl. Pakiramdam kasi nito ay nawalan na siya ng dugo kakahiga.
"Wag ka lang masyadong magalaw ha, baka mabigla 'yang katawan mo." Payo ni Japs at umupo sa gilid ng hospital bed.
"Tss, kung wala lang 'tong swero, tatakbo na 'ko. Ang lakas ko na kaya. Gusto mo magpalipad na'ko ng bagay?"
"Wag!" Agad na sambit ni Japs upang pigilan ang ano mang balak ni Meryl. "Inaabuso mo na 'yang powers mo e. Lahat ng bagay may hangganan. Kita mong kakagaling mo lang sa sakit, gusto mo nanaman bang sumuka ng dugo?"
"E kelan ba 'ko makakaalis dito?"
"Alam ko na. Pwede ka namang mag-exercise kahit nakaupo ka dyan e."
Bahagyang kumunot ang noo ni Meryl at hinintay ang lalaki na ituloy ang sasabihin. "Alam mo 'yung jack n' poy? Sikat 'to dati, sa mga batang 90s. Pero ngayon ewan ko na lang kung may bata pang naglalaro."
"Ah! Bato bato pick? Oo alam ko 'yun," excited na sagot ni Meryl at hinanda na ang kanyang kanang kamay kung saan walang swero. "Game?"
"Wait lang, dapat may prize kung sino'ng mananalo. Para may thrill. Ang boring naman kung," hindi pa tapos si Japs sa parereklamo nang magsalita ang medyo naiinip nang si Meryl,
"Okay game, anong prize? Ang dami mo pang sinasabi e."
"Sige, hanggang five lang ha. Kung sinong mananalo," panandaliang tumgil si Japs dahil pakiramdam niya ay may mali sa kanyang sasabihin, kaya tinawanan na lamang niya at saka sinabing, "e basta mamaya na lang 'pag nanalo na 'ko."
"Ang daya naman nito! Okay fine, 'pag nanalo ako, hindi ka aalis dito hangga't hindi pa 'ko discharged ha?"
"Ang dali naman niyan." pagyayabang pa ni Japs. Manalo o matalo man si Meryl ay hindi niya 'to magagawang iwanan. "Game. Bato, bato, pick!"
Sa una ay nanalo si Meryl, hanggang sa pangalawa at pangatlong bagsak ay napunta ang puntos kay Japs.
"Wait lang! Dinadaya mo naman yata ako e," naiinis na tugon ni Meryl dahil isang round na lang ay matatalo na siya. 4 out of 2 ang kanilang score; 4 si Japs habang 2 naman si Meryl.
"Hoy Sisa walang daya 'dun. Last na 'to, hindi naman mahirap 'yung consequence ko." Natatawang sabi ni Japs. "Game, last na ha. Bato, bato pick!"
"Aaaahhh! Ang daya mo!" Sigaw ni Meryl dahil nakuha na naman ni Japs ang puntos.
"Uy kalma lang! Baka lumala pa 'yang sakit mo." Sabi ni Japs at tinapik sa balikat ang kaibigan. Nakasimangot na kasi ito dahil hanggang sa huli ay si Japs pa din ang nanalo.
"So anong prize mo? Ano ba'ng gusto ng mga lalaki?" Napatingin sa dingding si Meryl at saka nag-isip, habang si Japs ay nakangiti pa ring nakatitig dito.
"Pikit ka." wika nito.
"Huh? Bakit ako pipikit? Ako ba 'yung bibigyan mo ng prize?"
Nagkibit-balikat lamang ang lalaki na mas lalong pinagtaka ng dalaga. "Basta pumikit ka na lang kasi,"
"O-okay..." sagot ni Meryl at marahang ipinikit ang kanyang mga mata.
Ilang beses nang gustong gawin ito ni Japs, ngunit dahil magkaibigan lang naman sila ay ilang beses din niyang pinigilan ang sarili.
Ngunit sa mga oras na 'to, gusto niyang muling iparamdam na nahulog na talaga ang loob niya sa dalaga.
Habang nakapikit si Meryl ay hinalikan siya ni Japs sa labi. Ito ang premyong sinasabi ng binata, na parang naging premyo na rin ng dalaga dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot nito.
Ilang segundo ding naglapat ang kanilang mga labi, hanggang sa lumayo ng kaunti si Japs upang matignan ang reaksyon ng babae.
Panandaliang silang nagkatitigan. Walang nagsasalita sa tahimik na kwarto, kung kaya't halos pareho na nilang naririnig ang mabibilis na tibok ng puso.
"Jan Meryl!"
Tila natauhan na lamang ang dalawa nang marinig ang nag-aalalang boses ni Mia.
Agad na tumayo si Japs mula sa kama, habang sina Levi at Mia ay nagbatuhan ng tingin na para bang may kakaiba silang kutob.
"M-mommy, Daddy..." mahinang sambit ni Meryl.
Duon na lamang nalaman ni Japs na mga magulang pala ni Meryl ang dumating kasama ang doktor... at si Vince.
Nagkatinginan ang dalawang binata, ngunit hindi pa ito ang oras para mag-usap kaya lumakad muna si Vince palapit kay Meryl.
"Ayos ka lang ba, anak? M-may masakit pa ba sa'yo? Ano ba'ng nangyari?" Sunod-sunod na tanong ni Mia at kaunti na lang ay paiyak na naman. Sa byahe pa lang ay umiiyak na ito kakaisip sa kalagayan ng anak.
"Mommy, okay na po ako...buti naman nakabisita po kayo."
"Syempre naman, anak. Tinawagan kami ng school mo."
Natuwa naman si Japs nang marining iyon. Nagpapasalamat siya dahil hindi pa rin siya binigo ng kanyang ama.
"Excused ka din muna sa classes mo, you'll stay at home until you recover." dagdag ni Levi, pagkatapos ay hinarap si Japs, "I'm sorry for causing you all the trouble. But thank you, for taking care of our daughter."
"Ah, wala pong anuman," nahihiyang sagot ni Japs.
"Ikaw ba si JP? John Patrick?" Tanong ni Mia.
"Opo."
Tumango si Mia at iniwas ang kanyang tingin mula sa binata. Isinama niya si Vince dahil alam nitong ikatutuwa ito ng kanyang anak, at baka mapabilis pa ang kanyang pag-galing.
"Thank you," iyon na lamang ang nasabi ni Mia.
Sa nakikita niya ay mukha namang masaya si Meryl pag kasama ang binata, ngunit hindi sila pwedeng magsama. The least that she could think of is to watch her daughter die.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Daughter (TagLish Novel)
Misterio / SuspensoNatatandaan mo pa ba ang batang si Jan? Kung oo, ano ang tingin mo sa kanya? Baliw din ba, tulad ng tingin ng marami sa kanyang ina? Gusto mo bang masagot ang mga katanungang iniwan ng 'Programmed Girlfriend'? Basahin mo. *** Disclaimer: Photo us...