Chapter 33

762 32 0
                                    

Mia came up with a better plan. 

Kinaumagahan pagkagising ni Levi at ang kanyang dalawang anak ay tinawag na niya ang mga ito upang mag-almusal.

Kita niya ang paglayo ni Jay-Jay sa kanyang panganay na si Meryl nang magkasabay silang bumaba. Agad na tumabi si Jay-Jay kay Mia, habang si Meryl ay sa kabilang dulong bahagi ng lamesa umupo. Wala itong kahit anong emosyong ipinapakita.

"Hon, I think it's best for Meryl to stay with Vince."

Nang banggitin ang pangalan ni Vince ay nakuha kaagad ang atensyon ni Meryl. 

"Mia, akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" Bagamat naiintindihan ni Levi ang gustong ipahiwatig ng kanyang asawa, hindi pa din ito sang-ayon lalo na't minsan nang nangyari ang halos parehong scenario kay Mia.

"Pero Levi, alam mo naman 'yung naitutulong ni Vince sa'tin 'di ba?"

"Mom, Dad. I'll go." 

Sabay napatingin si Mia at Levi, at nang makitang nakangiti ang kanilang anak ay tila nahimasmasan na sila. Sa kanilang palagay, ayos na ulit si Meryl. Bumalik na ang epekto ng love chip.

"Gusto ko rin naman po talagang makasama si Vince. After all, kami din naman po magkakatuluyan, 'di ba?" Tumayo si Meryl at muling nagsalita, "tapos na po akong kumain. Medyo busog pa po kasi ako e. Aayusin ko lang po 'yung gamit ko sa kwarto." Palakad na sana ito papuntang hagdan nang tawagin siya ng kanyang ina.

"Meryl?" Maging si Mia ay tumayo din at nilapitan ang kanyang anak. "Okay ka na ba talaga? M-may masama ba sa pakiramdam mo?" Nag-aalala nitong tanong. Tinapik din niya ang noo ng anak at baka sa kaling may lagnat o iba pang nararamdaman ito. 

"Okay lang po talaga ako mommy. Natuwa lang po ako nu'ng narinig ko 'yung pangalan ni Vince... and to think na mas magsasama pa kami, sobrang saya ko po." 

Tumango-tango si Mia. Sa isip-isip nito ay tama. Tama ang nararamdaman ng kanyang anak. Dahil dapat lang na mawala na ang epekto ng mercy killing chip.

***

"Uhm, Dad?" Nilapitan ni Vince ang kanyang ama na abala sa pagbabasa ng dyaryo sa kanilang veranda. "Okay lang po ba kung dito muna tumuloy si Meryl? Mga ilang araw lang naman..."

"Meryl? Meryl Danes?" Ibinaba ni Richard ang dyaryo. 

"Yes Dad. Kailangan din po kasi ng mga magulang niya 'yung tulong ko."

"Sure. Of course, pwede mo siyang dalhin dito." 

"Uh, Dad." Umupo si Vince sa isang bakanteng upuan. "Alam kong malaki ang galit niyo sa pamilya niya. In fact, nu'ng nalaman ko din 'yung buong kwento. I want to ruin them. Gusto kong gumanti. Except for Meryl. She's an exception."

"Do you love her?"

Nagkibit-balikat si Vince. "I guess... I just never stopped loving her, Dad." Mahinang tugon nito. "We spent our childhood together."

Then I have to make my move. Ngumiti lamang si Richard at positibo ang naging sagot sa anak, kahit na labag ito sa kanyang kalooban. "Our home is open, then. Gusto ko lang maging masaya ka." 

"Thanks, Dad." Tumayo si Vince at tinapik ang balikat ng kanyang ama. "I'll just go downstairs para hintayin si Meryl. Tinawagan po kasi ako ng mommy niya bago sila umalis." 

Sakto namang pagbaba ni Vince ay tatawagin na sana siya ng kanyang kasambahay upang sabihin na andito na si Meryl, kasama ang kanyang ama na si Levi.

"Tito, welcome po," 

"Yung mga magulang mo, Vince, wala ba?" Tanong ni Levi.

"Ah, si Dad po..." nahinto ito nang maalalang hindi nga pala maganda ang nakaraan ng pamilya ng dalawa kung kaya't nagdahilan na lamang siya. "Nasa business trip po kasi siya. Bukas pa ang balik niya pero nasabi ko na naman po 'yung tungkol dito."

Napatingin ang kasambahay nang marinig iyon. Kumunot ang noo nito ngunit hindi na lamang 

"Thanks Vince, and send my regards to him as well. I have a meeting to attend in an hour kaya hindi na 'ko magtatagal. I will visit often, so please take care of my daughter." 

Hindi na sumama pa si Mia at baka magkaroon pa ng drama. Siya din naman ang nakaisip nito, kaya hindi niya pwedeng bawiin. 

Hinarap ni Levi ang kanyang anak at kita nitong nanumbalik nga ang sigla ni Meryl. I guess Dr. Yago's version of love chip is a success this time. Bigla na lamang niyang naisip.

"Meryl,"

"Sige na, Dad. Magpapahinga na din po ako. Kaya ko na rin naman po pumasok bukas."

Lumapit si Levi at hinalikan ang kanyang anak sa noo. Pagkatapos magpaalam ay umalis na din ito. It's better this way. Pagkumbinsi niya sa sarili, dahil kahit pa pumayag siya, hindi pa rin maalis sa kanya, bilang ama, ang pag-aalala.

"Meryl, si Manang nang bahala sa gamit mo. Puntahan muna natin si Dad." Paanyaya ni Vince.

"Huh? Akala ko ba nasa business trip siya? Lalabas ba tayo?" 

Napatawa ng kaunti si Vince. "Nope. I had to lie since, hindi maganda 'yung pakiramdam niya ngayon." Paliwanag nito habang umaakyat na sila papuntang veranda. "Hinayaan ko na lang din magpahinga."

Tumango lamang si Meryl. 

"Dad?" Hinawakan ni Vince ang kamay ng dalaga at humarap sa kanyang ama. "Si Meryl po." 

Sa unang kita ay kamukhang-kamukha nito si Mia, o ang kanyang fiance na si Aurora. Hindi halos makapagsalita si Richard, at lalong hindi ito makapaniwalang kaharap na niya ang anak ng mag-asawang sumira ng buhay niya. 

Richard Fermano. I know him. I remember him. Siya ang kasabwat ni Arturo Villegas at nagturok ng mercy killing chip kay mommy. 

Ito ang mga tumatakbo sa isip ni Meryl habang nakatitig kay Richard. Nakita niya ang litrato nito sa isang newspaper, kaya hindi siya pwedeng magkamali gayong natatandaan na niya ang lahat... simula pagkabata.

"D-dad?" muling tugon ni Vince dahil pansin nitong natulala ang kanyang ama.

"Ah-- Meryl! Meryl Danes. I'm Richard Fermano, Vince's dad..." sagot nito at inabot ang kamay for a shake hand. Tinanggap naman ito ni Meryl.

"Thank you po, Tito."

Animo'y totoo at walang bahid ng pagsisinungaling ang ngiti na ipinapakita ng dalawa. Kung hindi siguro alam ni Meryl ang lahat ay maaaring inosente nitong tatanggapin ang pagtanggap ng ama ni Vince sa kanya. Ngunit mukhang malabo na itong mangyari.

"Dad, I'll show her to her room."

"Sure. Go on, nakwento na din sa'kin ni Vince na na-ospital ka at kailangan mong magpahinga."

Sumunod naman si Meryl kay Vince. Tinuro ng lalaki na magkaharap lamang sila ng kwarto, kaya kung may kailangan man siya ay madali niya itong matatawag.

Umupo si Meryl sa kama at tila may naalala. Pamilyar siya sa mga lab equipment na maayos nakahilera sa isang bookshelf. 

"Ito ba 'yung science lab mo dati?" 

"Naaalala mo?" Gulat na tanong ni Vince. 

"Oo naman. Akala ko gusto mong maging scientist?" 

Umupo at tinabihan din ni Vince si Meryl sa gilid ng kama. "Yeah. I wanted to find cure for you. 'Yun 'yung mga panahong nabasa ko ang tungkol sa mercy killing chip."

"Alam mo? Alam mo kung ano ako?"

"Kung ano ang sakit mo, and its side effects. But then you've changed, big time. And I also changed. Kasi sumuko din ako kaagad. Akala ko kasi talaga hindi ka na babalik." 

"Wala naman talagang gamot dito." Mahinang sagot ni Meryl.

"Inexplain sa'king ng mommy mo... na kailangan mo 'ko. Na ako lang 'yung paraan para hindi na bumalik ang dating Jan."

"I didn't change, Vince. Si Jan at Si Meryl ay iisa." Tumayo si Meryl at muling nagpakita ng ngiti. "I just became happier."

"Uh, hindi lang naman 'yun, 'di ba?" Tumayo din si Vince, lumakad palapit sa dalaga hanggang sa napasandal na lang ito sa pader. "You became my girlfriend." 

And with that, he kissed her.



The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon